Chapter 4

346 14 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?"

What a lame question.

It's pretty obvious right Vernice, he's wearing a JMC Kings' jersey so he is a basketball player of this freaking school!

"Ikaw ha, pano mo nalaman na dito ako nag-aaral? Sinundan mo 'ko?" he seductively licked his lips and move his eyebrows.

What's wrong with this guy huh he's clearly flirting. Hindi ako assuming dahil alam ko kung paano pumorma ang mga lalake. At masyado siyang feelingero. I don't even know much of him.

"Duh! Baka ikaw!?" I spat.

Gumala ang paningin ko sa mga katabing nakaupo sa bleachers at aksidente napagtaasan ng kilay ang mga kasama kong mga sports writer.Nabigla sila sa inasta ko lalo na yung isang maarteng babae.

"Uh, sorry." I apologized. Sinipat niya   ako pabalik.

Inis kong binalingan ang nakangising  lalake na panay ang pagdidribble  sa harap ko. Tahimik na lamang ako tumayo at lumipat sa dulong bahagi ng bleachers.

"'Wag kasi magtataray." he burst into laughing after I left my seat.

Naging malakas ang boses niya kaya napansin uli iyon ng mga tao sa paligid. Maging ang ilang players na busy sa pagwawarm up ay napatingin sa kanya.

"Hoy Salcedo, wag kang poporma 'jan sa mga Grade 11." kantyaw ng kasama niya.

"Ano?! May kakilala lang tss." pabiro niya itong tinapunan ng bola na agad namang sinalo nong kasama niya.

Yumuko ako dahil paniguradong pulang pula ang pisnge ko ngayon sa hiya. I was gritting my teeth and my brows were almost meeting when I saw my reflection on my cellphone screen.

Paano ko nga ulit naging crush to nong kasal ni Ate Lily? He's handsome yes, I was star struck the first time I saw him as what Ate Pia said too.

But he is really annoying!  And hindi kami ganun ka close para kausapin niya ako ng ganun! I was still even in shock that he's also studying here.

Instead of thinking too much. I focus on my note pad. I reminded myself that I need to do great on this one to take that spot as a Sport writer.

Right, I should not let myself be distracted. I'm a veteran in this field since I have been doing Sports writing editorial since elementary. At sa tuwing may ganitong klase ng game ay hindi ako nagpapaapekto.

Lalo na sa mga gwapo at may appeal na players. Hmm I need to stop complimenting that prick.

Pumito na ang coach nila na magsasilbing referee muna ngayon hudyat na magsisimula na ang exhibition game.

We need to take down the highlights of the game, the game plays, and player's performance in order for us to make a sports news.

I felt relieved that we were told to do news so we don't need to dig on the player's background. Only the result of this game will be written in the article.

Pero kahi ganun, kailangan pa rin namin maginterview ng player mamaya. Lalo na 'yung best player or kaya yung team captain.  

Tahimik kung dinadasal na sana wag niyang galingan. O kaya sana hindi siya ang captain ball para hindi ko siya mainterview. But a part of me wants to interview him too.

I was on writer mode the whole game. Every plays, fouls, offense and scores where recorded on my own tabulation sheet that I made. Everything needs to documented through writing since we were prohibited to use any recording device for the game.

Labag man sa loob ko pero humahanga rin ako sa galing niyang maglaro nang basketball. Lalo na sa tuwing nakakascore siya. Hindi maikakaila na malakas talaga ang Kings. Lagi nga itong nakakaabot ng Finals sa DAPRISA.

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now