Chapter 20

219 2 2
                                    

Time flies so fast when you don't want it to end.

Mas lalo lang naging busy si Yulo dahil graduating na siya. He also spent a lot of his time training. Pilit ko namang isinantabi iyong malapit niyang pag-alis lalo na sa tuwing inaakaso niya ang enrollment niya sa Ateneo.

Ako naman ay patuloy pa rin sa pagtitraining. Determinado akong makapasok na sa top 3 sa huling taon ko sa high school.

"Maaga kayong natapos?"

Nagulat ako nang nasa labas na nang classroom si Yulo. Alas singko pa lang at sa oras na ito ay nasa court pa siya. Matagal naman kaming pinauwi ngayon.

"Oo, pumunta iyong nagrecruit sa kin na coach kanina kaya maagang natapos ang practice." kaswal niyang sagot.

Nagpaalam ako kay Shaina na mauuna na ako. Bumalik ako sa loob para kunin ang backpack ko na agad namang kinuha ni Yulo.

"Talaga..."

Nagkatinginan kami. I smiled to assured him that I'm okey. Hindi kasi namin pinag-uusapan to. Alam niyanh nalulungkot ako.

"Oo, kaya 'wag ka nang malungkot at baka tanggihan ko 'yun." sabi niya sabay akbay sa akin.

Umiling ako. Inabot ko ang bewang niya at bahagya siyang kinurot.

"As if naman gagawin mo 'yun."

Nakalabas na kami ng building tulad ng lagi naming ginagawa umupo muna kami sa plaza sa harap ng fountain. Ito ang pahingahan namin pagkatapos ng klase. Nakakawala ng stress at pagod ang ganda ng paligid. Malamig din ang simoy ng hangin dito tuwing hapon.

"Vernice." tawag niya sa akin na may pagbabanta noong nakaupo na kami.

Nakadekwatro ako habang nakaupo naman siyang patagilid. Nasa sa akin ang atenisyon.

"Kakayanin kaya natin?"

Hindi ko na mabilang kung pangilang beses ko na tong natanong sa kanya. Baka nga nagdadalawang isip na to sa akin eh. Parang wala kasi akong tiwala sa aming dalawa.

"Bakit pa kasi ang nega mo mag-isip huh?"

Sinandal niya ang kanyang balikat sa likod ko. Umusog ako kaunti sa kanya para mayakap niya ako.

Nakakalungkot. Lulubos-lubusin ko na lang ang mga ganitong moment kasama siya.

"Alam mo na, bago pa kasi tayo diba baka makahanap ka ng iba-"

"Aish! Wala akong naririnig!" pagputol niya sa akin. Iniwan ng kamay niya ang balikat ko at mariing tinakpan ang tenga niya.

"Hoy ang oa!  'bat ayaw mo kong pakinggan? Naguguilty ka kasi posible 'yun?" paratang ko.

Ginaya niya ang pag-irap ko kaya natatawa na tuloy ako. I pressed my lips on a thin line to remain serious.

"Paano tayo magiging matatag niya kung ngayon pa lang nnagdududa ka na sa akin Verns."

Kinurot niya ang pisngi ko. I groaned and pinch his nose too.

"Edi 'wag kang umalis para wala tayong problema!"

"Okey." sagot niya.

Kumunot ang noo ko. Napakamot ako ng batok dahil pamilyar nag eksenang ito. Lagi kasing nauuwi ang bangyan namin sa ganito. Sa huli ako lang naman ang malulungkot at magiguilty.

"Tapos malulungkot ka dahil sa 'kin! Wag na lang!"

"Eh yun naman pala eh 'bat pa natin pinag-aawayan to!" singhal niya.

"Ikaw ang nauna Yulo!"

"Ikaw tong negative mag-isip Miss Verns."

Padarag akong sumandal sa dibdib niya. Umatake kaagad sa ilong ko ang mabango niyang perfume. Inilibot niya ang kanang kamay sa likod ko ang isa naman ay marahang humahagod sa buhok ko.

Blinding Lights [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon