Chapter 13

214 3 0
                                    


I was doing my homework when I received a video call from Ate Lily.
Nasa States na sila ngayon ni kuya for their month long honeymoon. Whatever is the reason why she's calling makes me wonder.

Hmmm baka nangangamusta lang.

Kinuha ko ang iPad at iniwan saglit ang ginagawa. Nakapangalumbaba akong sa harap ng tukador habang hinihintay siyang magloading. Hays, the authorities really need to fix the internet connection. It's getting worse day by day.

"Hi Binny!" masiglang Ate Lily ang bumungad agad sa akin. I shrugged off my negative thoughts and frustrations because of her.

"Hello Ate! Kamusta na kayo jan? Hindi pa kayo uuwi?"

"Kakarating lang uuwi agad? Ayos lang kami! We're here in Cali enjoying summer!"

"Woah, mukhang enjoy na enjoy talaga kayo ni kuya ah baka paguwi niyo nan may Troy Jr or Mini Lily na!"

Humagalpak ako sa tawa dahil umasim ang mukha niya. She's not use too hear things like this from me.
Duh I'm old already to know what is honeymoon is all about.

"Tssh! Why do you need to speak that out! You are being vocal Vernice huh saan mo natutunan yan sa pamangkin ni Troy no?"

Ako naman ang natigilan ngayon. We we're talking about her possible pregnancy tapos bigla na lang nasulpot ang lalaking 'yun.

Napansin niya yatang natigilan ako kaya naningkit ang mata niyang nakatutok sa akin sa screen. Agad naman akong umiling.

"Hindi ah! We're not that close at hindi kami naguusap palagi." I defended.

"Hmmm I doubt, ang kwento sa akin ni Troy ay napapadalas na raw ang pagkikita niyo. You know Troy is so fond of Yulo getting into you kaya nalalaman ko rin bawat galaw niyo jan kahit nasa malayo ako!" pagbabanta niya sa akin.

I stiffed after hearing that from Ate. Does she mean kinikwento ako ni Yulo sa kanila? Lahat ba ng mga pagkikita at paguusap namin nirereport niya? For what?!

"Bakit ano bang kinikwento niya sa inyo ate?" I asked slightly nervous.

"Not that much, pero naikwento niya yung nag dinner kayo sa fastfood. I wonder hindi ka ba pinagalitan nila Tita? That was late already huh." she smirked. But there was  a playful smile on her lips forming.

"Yeah, late kasing natatapos ang training ko nun for DSPC. Remember? Inanyayahan niya lang naman ako. And because I was hungry... sumama ako." I said innocently. Mas lalo lang tumaas ang kanang kilay niya sa akin ngayon.

"Really?" makahulugan niyang tanong.

"Oo nga! And why are we talking about Yulo so suddenly? I'm not interested with him ate."

"Hindi kita pagbabawalan kay Eulogio. I know you too well and I trust you. 'Wag ka lang magpadalos dalos sa mga actions and decisions mo okey? It's okey to keep his company Verns,  just... don't take everything seriously friends lang muna. Hmmm nililigawan ka ba nun?"

Nagulat ako dahil naisali na niya pa iyon sa mahaba niyang litanya. I was absorbing every word she said. Hindi ko napigilang ang panlalaki ng mata sa follow up question niya. I felt my cheeks burned hearing Yulo's confession on my subconscious.

"What?! h-hindi ate!" I sound so defensive.

"Sure ka ba jan? Baka mamaya malaman ko nalang kay Troy kayo na ha hindi pwede iyon you're still 17 Vernice and in Senior High." pangaral niya sa akin.

I nodded like a child. Hindi ko matatagalan ang tawag na 'to I feel so guilty for getting... mad at some reason. Though she's my older cousin, sometimes her words reflected my parent's opinion too. Wala pang sinasabi sa akin sila mommy tungkol sa pagboboyfriend. But I can sense that they're against it. Hindi lang talaga sila ganoon ka vocal sa ganitong usapin.

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now