Chapter 10

276 10 0
                                    

"Hindi lang pala isa ang dahilan kung bakit hindi mo na ako masyadong kinakamusta Verns."

I was schocked to see Caleb right after I went out of the car. Ni hindi ko siya napansin noong papasok ang sasakyan at nag backing para mag park. Bigla na lang siyang bumungad pagkalabas ko.

"Caleb! Ang aga m-mo yata. Ano 'yung sinasabi mo?"

He scowled impatiently. I did hear what he said, pero hindi ko maintindihan 'yun. Umalis na ang driver ko at hindi pa rin ako nakakausad dahil sa kanya.

"Sabihin mo sa 'kin Vernice, nililigawan ka ba ng lalakeng 'yun?"
iritado niyang tanong.

I was stunned for seconds. Pero agad na rumihistro sa isip ko ang ibig niyang sabihin. I haven't told anyone about him except Shaina. Ang dahilan kung bakit nalaman 'to ni Caleb nang hindi ko sinasabi ay batid kung na. He's quite famous. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Sino ba ang tinutukoy mo Caleb?" balik kong tanong sa kalmadong boses.

"Alam kong alam mo kung sino Vernice. 'Wag mo ng ideny dahil matagal ko na tong napapansin. Hindi lang ako nagkakalakas loob na tanungin ka dahil nga..." he trailed off.

"Dahil wala naman akong karapatan diba? Pero sana naman sabihan mo ako kung may ibang umaaligid sa iyon maliban sa akin. Kaibigan mo rin naman kahit papano diba?"

I bite my lip and search for the right words on my head. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi nanliligaw so Yulo sa akin. With our photos circulating on facebook, someone could really tell that there is something between us.

"Gusto kong maniwala ka sa 'kin Caleb na hindi siya nanliligaw sa akin. I met him on Ate Lily's wedding-"

"So ano 'yung picture niyong dalawa sa Grand Menseng? You were spotted on Almendras with him too. Tapos... pumupunta pala siya sa room niyo? Hindi ko alam ang lahat ng iyon Verns! Could you atleast respect my feelings for you huh?!" he yelled,  that some of the passersby noticed.

I tried to reach and hold his arms for him to loosen up. Parang isang kalabit nalang ay maiiyak na siya. It's hard for me to look at him so fragile. Hindi ko makakalimutan ang mga panahong wala akong ibang masandalan kundi siya lang. He never took advantage of me all those years that we've been together.

"It was a family dinner Caleb, at yung sa Almendras I was there to cover the event and he was with the whole basketball team. Yung pagpunta niya sa room..."

"Ano? Huh?"

Huminto ako di dahil wala akong maidugtong roon. I stop halfway because, why am I explaining? He's not my boyfriend or whatsoever. He is my friend yes one of my bestfriends pero hindi naman siguro ako obligado na ipaliwanag ang sarili ko. We may had a long time of being mutuals,  but I think that little feeling I had for him didn't grow. It stayed like what it was before. He stayed as a bestfriend for me.

"Is it important for me to tell you everything?" I muttered under my breath.

"Yes! Dahil ganun naman tayo lagi diba?! Noon pa! Ngayon lang talaga itong parang may nag bago sa iyo. Gabi ka na rin naman palang umuuwi pero hindi mo 'ko kailanman niyayang magsabay tayo. Lumalayo na ang loob mo sa akin Verns... ayoko nun hindi ako sanay." nagmamakaawa na ang tono niya ngayon. Salungat sa agresibong panunumbat niya kanina.

Maybe he noticed how my reaction changed too from being concerned to stiff. I sighed and withdraw my hold on his arms. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko at tila nagpoprotesta ang mga matang tumitig muli sa akin.

"Ayaw kong umasa ka sa 'kin Caleb." buong lakas kong pag-amin.

He faked a laugh. Umiling siya na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko. While my face remained blank and emotionless. Siguro panahon na rin para maliwanagan ang kung ano man ang meron sa amin.

Blinding Lights [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя