Chapter 17

216 6 2
                                    

"Natagalan ka?"

Tama ako. Inabangan talaga ni Yulo ang paglabas ko. He jogged to me right after I went out of the backstage.

"Ah, nag cr lang ako." alibi ko.

He's examining me from the way he stares at me. Para bang alam niya na nagsisinungaling ako. I am really a bad liar.

"Dalawa pala ang pinahiram mong jersey kay Kano?" pagiiba ko ng topic.

I should not be asking him this right now lalo na't malapit na silang magumpisa. But curiosity will kill me! Hindi ko maiwasang magselos na may gamit si Yulo kay Kano. For a basketball player, a jersey is one important and sentimental thing.

"Oo, hindi ko kasi alam kung kakasya yung type B naming jersey sa kanya. Kaya pinahiram ko na lang rin yung luma kong jersey sa City High."

"Hmm at hindi niya pa nababalik 'yun." I spat.

Bitterness is evidence on my tone. I sound like a jealous girlfriend but I have rights naman siguro? Nangunot ang noo niya at nagisip ng ilang sandali.

"Parang... hindi ko napansin eh hindi ko na yun masyadong ginagamit. C'mon Vernice, why are you asking hmm? Halika."

He tapped the small of my back and lead to the bleachers along the sideways. Nagpaubaya naman ako.

"Paano mo nalaman ang tungkol dun?" kuryuso niyang tanong.

"Susuotin niya dapat ngayon. Pero hindi na kinuha ko nilagay ko sa bag mo." pag-amin ko.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o magugulat, parang pareho. Napatutop siya sa kanyang bibig habang nagpipigil naman ako ng tawa ko.

"You silly! Kaya pala natagalan ka huh.  You have your little thief moment at the backstage tsk tsk." maloko niyang pang-aasar sa akin.

Natawa na lang din ako nang maaalala ang mabilisan kong paghahanap ng jersey niya kanina.

Kinurot niya ang pisngi ko. Babawi na sana ako kung di lang tumunong ang buzzer hudyat na magsisimula na ang laro.

Naghanda na sila sa gitna para sa jumpball. Umupo naman ako sa tabi ni Coach Gael gaya ng sabi ni Yulo. The first five gather on the middle for the jumpball. They have Davao Jones for today.

Medyo kinakabahan ako nung first quarter dahil malalaki ang kalaban. The opponent were leading for the first minutes. Not until Coach Gael called a timeout and take Yulo inside. He winked at me as listened to his coach. Mamya maya pa ay ngumuso siya sa akin. Sinundan ko iyon ng tingin.

Coming from the backstage ay ang busangot na Kano. She's wearing different jersey now. Naglakbay ang tingin niya sa buong court at tumuloy na rin aa kabilang side para umupo.

She didn't saw me. Pero alam na niyang nandito ako. May hinala kaya siyang ako ang kumuha nun?

Binalik ko ang tingin kay Yulo. He gave me a warning shot. Malditang tumaas ang kilay ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.

They were waiting for the referees sign when he mouthed something. Kunot noo naman akong tumitig sa kanya.

"Goodluck kiss daw!" hirit ng katabi niya.

Heti  ako't hindi na naman napigilan ang pagpula ng pisngi. Parang di naman kasi yun ang sinasabi ni Yulo.

Kumindat na lang siya sa akin bago tumakbo sa court. The second quarter was quite intense. Hinahabol ng Kings ang limang lamang ng Jones. Yulo worked on the defense on the inside dahil doon sila nagkakaproblema. After performing some plays, they managed to equal with Jones.

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now