Chapter 12

235 10 2
                                    

I was called infront together with all the winning contestants during flag ceremony. Binati rin ako ng mga kaklase ko. Even Shaina wanted to throw a house party. Sinabi kong wag na lang dahil DSPC pa lang naman iyon.

Hindi rin ako tinantanan ng malisyoso niyang nga ngiti. Di nga lang siya makatyempo na makipagchismisan sa akin dahil panay ang bati ng mga kaklase ko s tuwing vacant.

It was during recess time when Caleb showed up just before me and Shaina could walk out of the classroom.

Sabay kaming natigilan ng makita siya roon. He looks apologetic. Mama  na rin ang mukha niya kumpara noong huli naming pag-uusap. Hindi na iyon muling nasundan dahil hindi ko rin siya maisingit sa sobrang busy ko sa pagtitraining.

Nakakapanibago nga na wala siya noong awarding. He was always been my number 1 supporter. Walang presscon na hindi niya pinapalagpas. Ngayon lang talaga,  at naiintindihan ko naman kung bakit.

"Uh Verns sasabay nalang ako kina Liz, hintayin ka namin sa baba."
Shaine excused.

Tinapik niya ako at tumango kay Caleb bago siya sumama sa iba kong kaklase. Siguro nga ito na yung sinasabi niya na dapat kaming mag usap ni Caleb. She wants to give us privacy.

"I'm sorry Verns, hindi ako nakapunta. Nagtatampo lang ako sa 'yo." panimula niya.

Nagsimula akong naglakad ng mahina papunta sa adjacent building kung saan kukunti lang ang mga estudyante. Sumunod naman siya sa akin.

"Ayos lang naiintindihan ko."

"I guess it's not yet too late to greet you a congratulations?" ani Caleb na nakangiti.

"Of course! Thank you Caleb,  akala ko hindi mo na talaga ako babatiin hehe. Wala ka na nga noong naawardig." may pagtatampo sa boses ko.

"I wasn't ready to face you."

"About last time..." pagiiba ko ng topic.

"Yeah, I'm sorry 'bout that nag over react lang ako. I'm sure naguguluhan ka lang noon. Right? I gave you the time to think of everything. I guess naging malinaw na sa 'yo ang lahat Vernice? Siguro ay hindi ka naman seryoso talaga noon-"

"No... I mean, hindi ko gustong paasahin ka Caleb." I cut him off.

Tumigil siya at tinitigan ako ng mariin na para bang may mali siyang narinig sa sinabi ko. Nangunot ang noo niya at humawak sa panga.

"Is that all?"

Bahagya akong nagulat sa biglang panlalamig niya. Pero iyon na talaga ang inasahan ko. I don't want to prolong this agony. Ayoko kong may masasaktan ako along the way. Lalo na ngayon na tahasan na ngang inamin ni Yulo na manliligaw siya sakin.

All this time I was trying too hard to put Caleb on the bigger picture since he was the one who I always been with. But he just don't fit in.

"Yes. I d-don't know how to do the... uhmm properly. Pero 'wag ka na sanang u-umasa pa sa akin Caleb. I was grateful for the friendship we had. Pero hanggang doon na lang yun I don't feel nothing more than just friendship. Sana ay walang magbago sa atin Caleb."

Finally I said it! Isang singhap ang pinakawalan ko makatapos non. Habang hindi na makatingin ng diretso sa akin, I felt guilty that he's on the verge of crying. Or atleast his eyes were teary and one push from he'll probably burst out.

Pero wala na akong magagawa. I can't  take back what I said. It is what it is.

"Ang demanding mo naman palang mambasted Vernice." he joked with ni humor.

Kinagat ko na lamang ang labi at nilaro laro ang daliri para makaiwas sa nanliit niyang titig sa akin.

"Sorry pero maraming magbabago. Tandaan mo, hindi kita basta basta nalang ipapamigay sa lalakeng iyon. I'll be watching him. Wag lang siyang magkakamali."

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now