Chapter 25

287 6 2
                                    

Sometimes letting go can show more love than holding on.

Iyon na lang ang pinanghawakan lalo na nong nakita ko ko kung gaano siya ka succesful sa pinili niyang field.

"I'm sorry Vernice, gusto kong magpatuloy pa sana tayo... gusto kong nandiyan ka kapag nakamit ko na ang pangarap ko... Pero kung ito ang sa tingin mo'y makakatulog sa atin..."

"Then, we'll choose our dreams now first."

Hindi lang naman iyon tungkol doon eh. Nakalimutan yata ni Yulo ang tungkol sa isyu ko sa kanilang dalawa ni Kano.

But what's the  point of arguing with him. Nakadesisyon na rin naman siya. At mukha namang wala lang yun sa kanya.

Hindi niya alam na iyon ang dahilan ko sa pakikipaghiwalay. Iniba niya pa ang usapan.

We made it clear together. Before I left to Davao and before I started a whole new life without him.

"Goodluck hija. I'm sure you'll win this time." humalik si daddy sa noo ko bago matapos nila akong hinatid nila ni mommy sa school.

Ito na ang huling pagkakataon ko na makatuntong ng Nationals. Ewan ko ba pakiramdam ko malaki ang tsansa ng pagkapanalo ko ngayong sa JMC gaganapin ang RSPC.

Dugo't pawis at utak ang pinuhunan ko para sa patimpalak na ito. Sinigurado kong mananalo na ako ngayong taon. Last year was kind of heartbreaking. Ayaw kong matalo ulit ako ngayon dahil magiging doble lang ang sakit na maidudulot noon.

And there is no Yulo to comfort me anymore.

Tch.

"Mananalo na talaga yang anak mo Graciano. She's more focus this year." makahulugang komento ni mommy.

Naging maayos na rin ang relasyon naming dalawa. Talagang nasiyahan siya noong nagkahiwalay kami ni Yulo. She helped me cope up with it from bringing me to diffrenet classes and more travels.

Dumiretso na ako sa campus. Bitbit ang kumpyansa at baon ang pinagsanayan ko muli ng ilang buwan. Binuhos ko ang lahat sa huling taon ko sa Perspective.

Kung ano man ang magiging resulta. Alam ko sa sarili ko na nagawa ko ang lahat at hindi ko pagsisihan kung sakaling matalo man ako.

Ngumiti ako sa sarili ko. If I ever lost, I have my family to mourn my defeat. Haha!

"Ate Verns!"

Napatalon ako sa hindi inaasahang taong tunawag sa akin. Nakaramdam ako ng kirot ng sandali dumaan ang ala-ala niya sa isip ko.

Huminto ako. Sa hall ang diretso ko kung saan ang quarter namin. Alam kung hinihintay na ako run ni Miss Samson pero hindi ko naman magawang balewalain si Elaika.

Lalo na't may ilang tanong din akong gustong itanong sa kanya.

"Elaika, kamusta na?" kaswal kong bati.

Tumangkad siya ng kunti. Suot ang uniform ng DRANHS, hindi halata sa kanyang Grade 10 pa lang. Mas lalo rin siyang pumuti ngayon at mas nadepina ang pagkakahawig nilang dalawa.

"Okey lang kami, miss ka namin sa bahay. Dumalaw ka naman minsan."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Simula noong naghiwalay kami ni Yulo anim na buwan na ang balakalipas. Wala akong narinig sa pamilya niya maliban kay Kuya Troy na abot langit ang panghihinayang sa nangyari sa aming dalawa.

Pero si pamilya ni Yulo, wala na akong naging koneksyon. Natakot rin akong alamin dahil baka may galit sila sa akin kahit na wala naman akong naging kasalanan.

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now