Chapter 22

208 4 0
                                    


"Can you zoom it out?"

"Ayoko."

Tinapon ko sa sofa bed ang cellphone. I found the news with Yulo's picture attached. And he's with Kano, definetly it was her.

"Akin na!"

Padabog na kinuha ni Shaina ang cellphone ko. Nakakahiya na pinapunta ko pa siya dito ng Linggo. Gusto ko lang kasing may kasama akong mag-isip na magpapaintindi sa akin.

But I think that won't happen. Lalo na ngayong naiinis na rin siya sa nakita.

"Bitch ang ingrata may pahawak pa sa beywang!" she squeled.

I look at her with tired eyes. Oo, nakita ko yun. Dahil iyon agad ang una kung napansin unang sulyap ko pa lang.

I've been to some of his games. Pero hindi naman ganoon pag may gustong magpapicture sa kanyang fan. Dumidistansya pa nga siya nga eh. Kaya bakit ganoon?

"Hoy! Nag-usap na kayo?"

Pabalik-balik ang lakad ni Shaina sa harap ko habang nakasalampak ako sa kama. Inilabas ko na ang lahat ng luha ko kanina nung hindi pa siya dumadating. Ngayon ay parang namanhid na ako.

"Hinihintay ko siyang tawagan niya ako." malungkot kung tugon.

"Huh? Kailan pa?"

"Kahapon pa."

Shaina let out a long sighed. She looks problematic and disappointed now. Alam kung ang mga ganitong usapin ay dapat sa aming dalawa lang ni Yulo.

Pero hindi ko naman hahayaan ang sarili kong maglugmok nalang buong Linggo sa kwarto. I don't want to end up being the loser and brokenhearted.

I haven't heard his side yet but he's also not updating me also. Normal pa ba yun sa MAGKA-LDR?

Oh well, whatever. My pride is still high as hell. Bahala siya sa buhay niya
kung anong ginagawa niya roon sa Maynila. We are learning on how to be matured on this relationship right?

Fine! Total mukhang wala naman talaga siyang oras para ikwento pa sa akin yun.

"So hindi mo tatawagan ganoon?" takang tanong ni Shaina.

"Yeah, he's busy." kaswal kung sagot.

Kumunot ang noo ni Shaina. Tila hindi maintindihan ang biglang pagbago ng pananaw ko. Naisip ko ako rin naman hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol kay Caleb.

But we weren't seen together like them. So mas malala pa rin siya.
Hays, whats with the logic Vernice. Umayos ka jan.

"Ikaw pa ba yan girl?"

"Yes! Bakit ba? Is it wrong to be just fine Shai?"

She looked at me like I was some kind of a puzzle. Umirap siya saka tumabi sa akin sa kama. Tumabi ako para bigyan siya ng mas malaking space.

"I can't believe you called me on a Sunday morning just for this." she mummbled.

"Ayoko kong mabaliw Shai!"

Nagkatitigan kami ng ilang sandali. From the way she stared at me, I could tell that she already knew what's on my mind.

Na pinipilit ko lang maging okey.

I smiled to assured her that I'm gonna be okey. I knew Shaina could really stop me from being emotional. Kapag nariyan siya napipigilan kung maiyak. It's like I'm stronger when I have her on my side.

"Pero seryoso Verns, kailangan niyong mag-usap ni Yulo. Babaan mo naman kunti ang pride mo." ani Shaina.

"Alam ko..."

Blinding Lights [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon