Chapter 6

283 9 0
                                    

"Hindi talaga ako naniniwala!"

I sighed for the 3rd time. Pinagpipilitan talaga ni Shaina na pumuporma si Yulo sa akin dahil daw pinuntahan niya ako sa classroom. Pwede naman daw kasing icongrats ako sa chat o kung sakaling magkita kami.

"May kasalanan din kasi sakin 'yun kaya siguro pumunta dito ng personal." paliwanag ko.

"Huh? Yun na yun? Inasar ka niya? Oh my gash! Why are you so dense Verns? If I were right nagpapapansin 'yun sa'yo!" her eyes were bulging out to prove a point.

Tumawa nalang ako dahil ayaw ko nang lagyan ng meaning yun. Isa pa,  masyadong malabo pa para sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung ani ba talagang puntirya ni Yulo sa akin.  O talagang likas na mapang-asar talaga siya. Edi sasakyan ko na lang.

Shaina bugged me about our last encounter for the whole day.  Paulit-ulit niya rin akong kinukulit tungkol doon sa pagkikita namin sa Menseng.

Kaya noong nagkavacant kami sa isang subject ay binuhos namin ang oras sa pakikipagkwentuhan. I told her it's a family dinner. Hanggang sa naikwento ko na lahat sa kanya simula noong una naming pagkikita sa kasal ni Ate Lily.

Naging magaan na rin ang loob ko sa kanya. It felt good to have someone new to talk to in a new environment. It's refreshing.  Though, I'm not sure if matatahimik ba ang araw ko ngayong alam niya na ang background namin ni Yulo. Mas lalo niya lang ata akong aasarin.

Weekends came fast and the approaching family dinner is making me sick and nervous. Buti nalang at hindi na kami nagkasalubong pa ni Yulo.

Kahit na sa tuwing uwian ay inaabangang ko ang pintuan. Hindi naman sa hinihintay ko siya.  Ayaw ko lang magulat ng bongga ulit tulad noong nauna. Buti na rin iyon dahil nakalimutan na ng mga classmate ko iyong pagpunta niya rito.

"Let's go hija."

"Yes my,  give me a second." sagot ko.

I finished my look with a cherry tint on my lips and cheek. I'm wearing a gray floaty dress paired with a brown loafers. I'm 5'5 but I still prefer flats rather than heels. Sumasakit ang paa ko dun.

Pinasadahan ko muna ang suot bago tuluyang bumaba at sumakay na sa nakaparadang Fortuner. Mukhang ako nalang ang hinihintay.

"Hindi tayo magtatagal dahil may trabaho pa akong gagawin. But if you want to stay Vernice pwede ka magpahatid sa Kuya Troy mo or sa driver natin." daddy said. Looking at me through the mirror.

"Sasama nalang po ako sa inyo pauwi dy." That was a relief tho, hindi ko rin gustong magtagal doon.

At isa pa ayaw ko namang istorbohin si kuya. Medyo may kalayuan din kasi ang Illumina sa Menseng baka matraffic pa siya.

"Are you sure anak? Ayaw mo bang makipagbonding muna sa ate mo? We don't mind as long as you don't drink." ani mommy.

Napaisip ako.  Oo nga naman,  so what if he's there?  Kasi kung wala lang talaga siya roon.  Magpapaiwan talaga ako para makapagbonding sa mga pinsan ko.

"Titingnan ko my." I replied.

A red carpet welcomed us as we walked through the corridors of the Hotel that will lead us to the function hall. Hindi ito simpleng salu-salo lang dahil sa mga eleganteng palamuti sa paligid. Nagmistula tuloy itong version 2.0 nang venue nila noong kasal nila.

As what expected. Galante rin ang mismong function hall. Rustic chairs were decorated with white linen. There were a lot of sophisticated scented candles on every table too. White roses and a not familiar vines are hanging on the ceiling which made a very forest-like vibe.

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now