Chapter 23

188 6 0
                                    

"Boarding pass niyo po ma'am?"

Nanlaki ang mata ko ng nilapitan ako ng isang security guard. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang napagtantong nasa airport nga talaga ako.

Nakaalis na ang taxing sinakyan ko. Huli na para tanungin ang taxi driver kung bakit niya ako dito hinatid. I tried so hard to remember our last conversation.

Okey so, after vomitting I threw the plastic on the trash bin. He asked me if I was okey and if I still need more plastic. Pero hindi ko na nasagot iyon ng makitang nagriring ang cellphone ko at may ilang mensahe kay Yulo.

Wait...

Ang kasunod noon, ay umiyak ako! What the hell. And the driver asked me again kung saan ako patungo.

So much for that. I had a bad mood swing when I'm drunk I guess.

Umiling ako sa security guard. Ang galing lang na dito talaga ko binaba. Sinabi ko ba sa driver na sa airport ang punta ko?!

Oh my...

"Ah kung may hinihintay po kayo ma'am doon kayo sa lounge. Dito po kasi ang entrance ng departure."

"O-opo alam ko. S-sorry."

The security guard eyed me like I'm a firsttimer passenger. I probably look dumb right now.

Niyakap ko ang sarili nang tumakas ang malamig na hangin ng aircon mula sa loob. Tumango ako sa guard at naglakad na palayo.

I still have my bag with me. I lazily took my phone and saw the 50 missed calls from Yulo, Mommy and Caleb.

I'm sober now. Siguro ay pwede na akong umuwi ngayon. Malapit na lang ako sa Ilumina. It would only take 5 minutes from here if I ride a taxi.

From Shaina:

Nasaan ka!

From Shaina:

Hinahanap ka nilang lahat sa akin! Jusko naman Verns saan ka ba dinala ni Caleb?

Marami pa siyang text na puro pagtatanong kung saan at kung ayos lang ba daw ako. Hindi ko na iyon maisa-isa lalo pa't sunod-sunod din ang text at tawag nila Caleb at Yulo.

Parang nawalan ako ng lakas na magpaliwanag. The frustrations and the effect of alcohol is building up on my system.

To Shaina:

Nasa airport ako. Uuwi na ako.

Hindi ko na muling tiningnan pa ang cellphone ko. I already had too much for today. At legit na masakit pa rin ang ulo ko. Nakarami yata talaga ako.
And guess what, hindi ko pa nagawang magpaalam sa birthday celebrant. Ang dami ko namang nagawang kabulastugan ngayong araw.

Bitbit ang natitirang lakas ng loob ay umuwi ako ng bahay. Tulad ng inaasahan ay nakaabang sina mommy at daddy sa pagdating ko. Mukhang pinag-alala ko talaga silang lahat.

Of course yes Verns. You drink hard for the first time and got wasted. Look at where it took you? Sa airport? Ano para sundan si Yulo? Really huh.

"My."

Parang gatilyo iyon nang isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkapasok ng bahay. Nanggalaitin akong tiningnan ni mommy. Dad was frustrated too. I could tell from the crease on his forehead.

Hindi ko magawang tumingin sa kanila. I felt bad for what I did, for everything.

"Hindi ko... hindi ko maisip kung paano mo nagawa ito Vernice." she said furiosly.

"I'm s-sorry my."

"Saan mo natutunang uminom ha?! Sa lalakeng iyon?!"

Agad akong umiling. There's no way she should blame anyone. Ako ang may gusto noon. Nagpadala lang ako sa bugso ng damdamin.

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now