EPILOGUE

461 15 8
                                    

"Hoy bakit ka nakatunganga jan."

I was taken aback to reality when Shaina snapped a finger infront of my face. Nakatulala na naman akong nakapangalumbaba sa cafe na lage naming tinatambayan.

I remember we rarely choose this cafe before because it will make him gain more weight. Mabilis daw kasi siyang nahihingal sa training kapag nadadagdagan ang timbang niya.

"Kamusta na kaya siya."

I'm not bitter anymore. Kahit marami na akong naririnig na nalilink sa kanya, kadalasan pa iyong mga magagandang Atenean ay hindi naman na ako nagrereact.

I just missed him.

"I'm sure he's doing well."

Tumango ako. Siguro nga.

Sa gitna ng pagkatahimik naming dalawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Balisa niya iyong inoff at agad na tinago sa bulsa ng nakitang nakatingin ako.

Pero hindi nakatakas sa akin iyong pangalan ng tumawag. Naningkit ang mga mata ko.

Why is he calling Shaina?  The last time I knew, hindi sila magkasundo hmm.

"Was that Caleb?" takang tanong ko, may halong pagdududa.

Nanlaki ang mata niya at mabilis na pinagpawisan sa tanong ko. Ano bang mali doon?

Baka naman... May something na sa kanila nang hindi ko nalalaman?

She bit her lip and look at me apologetically. May pakiramdam na ako noon pa noong minsan ko silang nakitang nagsabay palabas ng campus. Pero marami rin kasi silang kasabay at mukhang nasa iisang club sila kaya hindi ko na nilagyan ng malisya.

"Uhm, ano k-kasi Verns..."

"Are you two?" nangunot ang noo ko at tinuro siya.

"Ano kasi, si Caleb... boyfriend ko."

My eyes popped out and my jaw drooped from what I heard. Paanong ngayon ko lang nalaman gayung lagi naman kaming nagkikita ni Caleb at syempre pati na rin si Shaina?!

Was I too preoccupied of being too heartbroken that I missed this? Pero wala kasi talaga akong napansin. Pagkasama ko si Caleb kami lang dalawa at wala naman siyang sinasabi.

Ganun din si Shaina kahit mabunganga siya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"Eh kasi diba, alam ko yung pinagdaanan mo. I think it's rude to just tell you about us. And also knowing na matagal ka niyang... niligawan noon."

"Ano ka ba! Ayos lang, sana noon mo pa sinabi para nakabawi ako sa mga pambabara mo!"

Tumawa kaming dalawa. She hugged me and told me that she was happy I accepted them. Tinampal ko tuloy at kung bakit pa kailangan ang opinyon ko.

Sabi niya ay mahalaga naman talaga daw ang masasabi ko. Ayaw niyang masira kami dahil sa kanila ni Caleb. Ito rin naman si Caleb, ayawng isipin na baka rebound niya lang daw si Shaina para sa akin.

When the truth is, they really did fall inlove with each other at the most unexpected time.

Ganuon rin naman ako ah. Kahit sabihin kung mas nauna akong nagustuhan ni Yulo noon. Humanga naman ako sa kagwapuhan niya noong una naming pagkikita sa kasal ni Ate Lily.

The wedding that will always remind me of him.

"Oh my! Nauutal ang Binny namin hahahaha infairness ang gwapo ng best man ni Troy!"

"Shut up ate, we're late na."

Ang totoo ay masyado akong kinikilig na siya pala ang magiging partner ko. Nakakainis sana pala tiningna ko iyong invitation para nastalk ko na siya.

Blinding Lights [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora