Chapter 9

254 9 4
                                    

"Good morning po tita."

Shaina and Caleb's first interaction became awkward.  Lalo na yung tahasang inamin ni Caleb na nanliligaw nga siya sa akin. Of course,  the talkative Shaina Vega won't believe anything unless she really heard it from me.

Na hindi niya nagawa dahil sumabay si Caleb sa akin pauwi. Hindi na siya nangahas pa na tanungin ako dahil mukhang may tensyon sa gitna nilang dalawa. I was like the gray scale between that invisble line between them.

That explains why she's here on a Saturday morning. Nababagot daw siya sa kanila. Alam kong gusto niya lang akong paulanan ng maraming tanong. I let her though,  wala rin naman akong ginagawa tuwing weekends.

"My, this is Shaina, classnmate ko po." pakilala ko sa kaibigan.

Malapad naman ang ngiti ni Shaina sa mommy ko at nagmano rin ito. Mommy looks so pleased on her manners.

"Hi! You can call me Tita Nica. Halika ka hija, doon na kayo ni Vernice sa teresa. May meryenda akong inihanda sa inyo." anyaya ni mommy.

"Wow! Nice to meet you tita! Mukhang mapapadalas ako rito sa inyo Verns!"

"You should be hija, minsan lang nagdadala rito ng kaibigan si Vernice kahit noong sa Holy Cross pa siya. I'm happy that she brings you here."

"Nagdadala rin naman ako dito noon sila Ariella dito my, baka mamaya mag assume si Shaina na ang special special niya."

Sumimangot si Shaina sa akin at kinurot ako sa tagiliran. Tinawanan ko na lang iyon at niyaya na siya sa terasa.

It was a long girl talk with her. Buti hindi naman nakisama si mommy sa amin. Hinayaan niya lang kami ni Shaina sa terasa. She really had a lot of questions prepared for me. Like how me and Caleb met, gaano katagal na siya nanliligaw. I also confessed to him that the feeling was mutual between us.

Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon pa rin ba. I'm still figuring out things. I don't want to pressure myself too.

After an almost never ending talk. Napagod din si Shaina sa halos isang oras naming pagchichikahan. Halos hindi siya maubusan nang topic, minsan ay puro sagot nalang ako sa kanya. It was already lunch when we went downstairs to eat. Nandoon na si mommy at nakahanda na ang tanghalian.

"Grabe sumakit ang lalamunan ko kakatalak!" humalakhak si Shaina pagkababa naman.

"Halika na kayong dalawa, kumain na kayo."

Shaina immediatley went beside me. Nasa kabisera si mommy habang wala uli si daddy. He's more busy during weekends.

Agad na nilantakan ni Shaina ang nakahandang ulam. Mommy was so fond of her too. Marami ring siyang tanong dito at nawiwiwili namang sumasagot si Shaina sa bawat tanong sa kanya ni mommy.

"My daughter loves journalism. I wa proud when she took the position and even had her first article on the newspaper!"

Suminghap nalang ako dahil sinabayan iyon ni Shaina na para bang first time niyang narinig yun when in fact siya ang unang nakaalam na nakuha ako sa school paper.

"Anyways ma, starting tomorrow, malilate na ako pauwi dahil magsisimula na ang training naming for the DPSC." paalam ko.

"Okey, ayos lang sasabihan ko na lang ang driver mo. Ikaw Shaina? Kasali ka din ba sa school paper?"

"Naku hindi po! Wala po akong talent jan. Si Vernice lang magaling jan." she winked at me and continued on her food.

Hapon na nang napagdesisyon ni Shaina na umuwi. Our driver offered her a drive home at pumayag naman siya.

Blinding Lights [COMPLETED]Where stories live. Discover now