•{01}•

79 32 7
                                    

Dreamland zzz

"Mga zombie!!!"

Nagkatinginan kami nang kasama ko sa narinig na sigaw at tumakbo patungo sa pinanggalingan nang sigaw na 'yon hawak ang pana ko , nang makarating na kami don ay hindi mabilang na mga zombie ang nakakalat sa daan , pumwesto ako sa ibabaw nang bus at hinanda ang pana ko , tumakbo si chester patungo sa mga zombie nag focus ako at nang ilapat na ni chester ang espada ay walang tigil akong nagpakawala nang mga Pana

Sinuportahan ko ang bawat galaw ni chester na walang makakalapit na zombie sa kanya , may narinig akong kalabog galing sa gilid nang bus at palapit ito sa akin hindi ko man nakikita ay nararamdaman ko ang prisensya nito hindi ko puwedeng ma alis ang atensyon ko kay chester dahil maraming zombie ang pumapalibot sa kanya , nang makita kung humarap sa akin si chester at gulat ang nakikita ko sa mukha nya

"Lira! Sa likuran mo!!" Sigaw nito , pagkaharap ko ay.,

Naglalakad ako sa hallway first day of shool ngayon at wala akong kakilala nagtataka ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin na parang may kakaiba sa akin, hindi ko sila pinansin dahil wala naman akong makukuha , nang biglang may limang lalaki ang humarang sa dinadaanan ko , tinaasan ko sila nang kilay

"Wag kayong humarang " sabi ko sa kanila , pero parang wala silang narinig kaya ang ginawa ko ay nagpatuloy ako sa paglakad at nasagi ko ang balikat nang dalawa , lalagpas na sana ako nang hawakan ako nang isa sa kamay at hinila pabalik sa puwesto ko kanina

"Ano ba" sabay pilit na inaalis ang pagkahawak nito sa kamay ko

"You'll become my errand girl " napatawa ako sa sinabi nya , nangunot naman ang noo nito

"Errand girl? Nagpapatawa ka? Eh hindi nga ako gumagawa nang gawaing bahay gagawin mo pa akoong errand girl mo" tawang tawa ako sa sinabi nya pero bigla 'yong nawala nang tinulak nya ako at nagtagpo ang likuran ko sa malamig na pader , nakikita kung unti unting lumalapit ang mukha nito sa mukha ko ang gwapo nya , isang hintuturo na lang bago magtagpo ang labi namin , nang biglang nagbago ang mukha nito sabay sigaw nang

"GUMISING KA NA LIRA! "

Reality xoxo

O_O

napabalikwas ako nang bangon at sa kasamaang palad pa ay nahulog ako sa aking higaan sa sobrang lakas na sigaw na iyo ,

"Mama naman eh! 'Yon na 'yon eh panira ka talaga! " sabay tayo ko nang padabog , lumapit naman si mama sa akin

"Arayy! Ma masakit!" Napasigaw ako sa sobrang sakit nang kurotin nito singit ko

" Tanghali na! Late kana tapos nag e-enjoy ka pa riyan! " sabi nito ay hindi pala sabi kundi sigaw na , napatingin ako sa orasan na nakalagay sa side table ko 6:00 Am palang ah

"Ma wag ka nga anong late eh six palang nga o" reklamo ko , naudlot panaginip ko dahil sa sigaw nya

"Anong six , mag a alas'otso na! Sira 'yan " dahil sa sigaw ni mama ay agad kung hinanap ang phone ko at tinignan kung tama nga ang sinabi nya

"Ma!! Bakit hindi mo agad ako ginising! Late na ako nang 30 minutes" tumakbo ako papasok nang banyo

"At ngayon ako pa ang sinisisi mo, bilisan mo nang maka alis ka na"

Pagkatapos kung maligo ay sinuot ko na ang uniporme ko tinali ko na din ang buhok ko kahit hindi pa sinusuklay , kinuha ko ang bag ko at tumakbo pababa lalagpas na ako nang kusina nang biglang my isang bagay na palapit sa akin agad ko nama itong nasalo hindi pala bagay pagkain pala , napatingin ako kay mama

"Thanks ma! Alis na po ako!" Sigaw ko at tinakbo ang bus station last trip na nang bus sana maka abot ako , mag ba bike sana ako kaso ma lalate na talaga ako , kung siniswerte ka nga naman mag bus pa pero kung swerte ka mamalasin ka talaga

"Manong!!! Hintay!! Pasakay!!! " sigaw ko sabay takbo nang napakabilis para ma abutan ang bus huminto naman ito at sunakay na din ako , habol hiningang nag bayad ako at naghanap nang mauupoan , nagpunas ako nang pawis at kinain ko na din ang binigay na pagkain ni mama kanina , isang sandwich at isang freshmilk , napatingin ako sa phone ko 8:20A.M

Nakarating na ako nang school tinakbo ko ang napakalawak na hallway patungong classroom ko, sa susunod sasali na ako sa marathon , nagdadasal ako na sana wala ang first subject teacher namin strikto pa naman 'yon , nakikita ko na ang pinto nang classroom ko napahinto ako bigla sa tapat nang nakita kung nasa unahan ang teacher namin at nagsusulat , huminga ako nang malalim at dahan dahang naglalakad patungong upoan ko tahimik ang bawat hakbang ko nang biglang humarap ang teacher namin at napataas ang kilay nito napa tayo ako nang tuwid

" Why you are late?" Tanong nito , napa kamot ako nang batok ko at napayuko dahil nakatingin sa akin ang lahat kasama na don ang crush ko , ma'am wag mo muna akong pagalitan nakakahiya

"Na sobrahan lang nang tulog " ngumiti ako ,

"Isang late mo pa wag ka nang pumasok!" Napa simangot akong naglakad patungong upoan ko , bago ako umupo ay napatingin ako kay Jeyden napasimangot uli ako nang nasa harap na ang atensyon nito at padabog na umupo at walang ganang nakinig

Natapos ang boring na first subject at susunod naman ang ikalawang pinaka boring na subject , habang wala pa ang next teacher namin ay humarap ako sa likod

"Unice alam mo kanina muntik na " nanghihinayang ani ko sa kanya

"Anong pinagsasabi mong muntik na lira " ngunot nuong tanong nito , lumapit ako sa kanya

"Muntik nang mawala ang first kiss ko" mahinang sabi ko sa kanya

"What!!! " napasigaw ito kaya ayon napatingin ang kaklasi ko sa amin

"Wag kang sumigaw" suway ko rito

" Nag bibiro ka ba? Sinong kumuha?? Hindi na si Jeyden labs mo ang first kiss mo "

" Wag ka ngang OA muntik lang nga eh "

"Kahit na , gwapo ba? " sunod sunod na tanong nito

"Oo unice gwapo nya pero mas gwapo si Jeyden " kinikilig na ani ko

"Pakilala mo ako besh! "

"Hindi puwede besh " sabay iling ko

"Ha? Bakit naman? "

"Malayo sya hindi mo sya kilala "

"Saan ba?"

"Sa panaginip ko besh" sabi ko sabay ngiti nang malawak

"Aray naman unice!" Reklamo ko nang batukan nya ako

"Baliw ka na, kala ko totoo na na sobrahan ka nga talaga nang tulog " ani nya sabay iling

"Pero besh muntik na talaga " nanghihinayang ani ko

"Tumigil ka nga para ka nang sira umayos ka na nang upo nandyan na teacher natin " umayos naman ako nang upo nang pumasok ang teacher namin dala ang class record nya

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon