•{08}•

41 25 0
                                    

"Lira!"

"Ito na pababa na po!"sinuot ko na ang uniporme ko at nag ayos na din kinuha ko ang bag ko at bumaba

"Bakit ba ang tagal mo sa kwarto mo"

"Nag aayos pa kasi ako ma, ma una na po ako"

"Hindi ka kakain?"

"Hindi na po , ito na lang" sabay kuha ko nang freshmilk sa mesa at nag lakad na palabas , sa bus na muna ako sasakay baka kasi ma late pa ako nakarating ako nang bus station at tamang tama ang pagdating ko dahil dumating din ang bus umakyat na ako at naghanap nang bakanteng upoan

may isang bakante akong nakita lumapit ako doon  may nakaupo na din sa tabi nito at same uniform kami Kaya umupo ako doon hindi ko mamukhaan ang lalaking katabi ko dahil naka yuko ito mukhang tulog yata , nagkibit balikat lang ako makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kaming school pero itong katabi ko at tulog pa din , Iwan ko ba? O gigisingin?  Kung iiwan ko ma kokunsinsya ako , pero kung gigisingin ko baka magalit  sa huli ay nakita ko na lang ang sarili kung ginigising sya

"Mr. Gising na nandito na tayo"

"Hmmmm" aba hindi pa nagising , niyugyog ko sya

"Ano ba!" Tumaas ang boses nito at napatingin sa akin , napataas ang kilay ko nang makilala ko sya

"Paulo? Aba tulog mantika ka pala " ngumisi ako

"Ikaw?  Ikaw yung kababata nang hinayopak na 'yon diba? " sinapok ko sya

"Makahinayopak ka ha,  sana hindi na lang kita ginising" tinarayan ko sya bago bumaba nang bus

"Nga pala ano" nag he-hesitate  pa sya , sumabay pa sya sa akin sa paglakad ha

"Ano! Sasabihin mo nanamang hinayopak si Miguel!"

"Easy! Eh totoo nama eh " tinignan ko sya nang masama

"Puwede ba wag kang sumabay sa paglakad sa akin naiirita ako sayo" inis na ani ko at binilisan ang paglakad , humabol naman sya

"Galit ka na nyan, " hindi ko sya pinansin

"Sorry na okay, tsaka salamat pala sa pag gising at pag tulong sakin noon sa cafeteria " totoo ba nag sosorry at nag papasalamat sya?

"Ha? Anong sabi mo? " I act like hindi ko sya narinig

"Salamat at sorry sabi ko"

"Marunong ka din palang magpasalamat at humingi nang tawad, bakit di mo gawin kay Miguel 'yan" at ngumiti ako biglang nangunot ang nuo nito nainis yata

"In his Dreams! " ani nya at pumasok na nang classroom nya magkatabi lang ang classroom namin nakita ko si unice na nakatayo sa labas nang pinto

"Oh bakit nasa labas ka?"

"Malamang hinihintay ka, pero teka tama ba 'yong nakita ko? Magkasama kayo ni Paulo? Anong meron ha? Anong meron?" Ngumiti nang nakakaluko si Unice

"Wala lang 'yon" ani ko at pumasok nang classroom at umupo sa upoan ko

"Wala daw eh kung maka ngiti ka nga habang kausap sya wagas eh, don't tell me hindi na si Jeyden gusto mo! " napalakas ang sabi nya    kaya napatingin samin ang nakarinig kasama na don si Jeyden ,

"Hinaan mo nga boses mo Unice! " suway ko

"Anong meron Unice?" Biglang sulpot ni Miguel

"Magkasama kanina si Lira at Paulo "

"Lira! Totoo ba?"

"Oo bakit?" Tinaasan ko sya nang kilay

"Bakit mo sya kasama? Alam mo namang kaaway ko 'yon eh" reklamo nya

"Hinaan mo nga boses mo! Para ka ding si Unice eh, nagkasabay lang kami kanina sa Bus, okay yon lang yon" ani ko

"Eh ano yong ngiti nyo kanina?" Langyang Unice bigyan ba naman na malisya

"Ah may pa ngiti ngiti pa ha, lumayo ka sa kanya Lira masisira buhay mo sa kanya" ani ni Miguel, napa ngiwi ako sa sinabi nya

"So sa tingin mo sayo mabubuti buhay ko? Pareho lang naman kayong dalawa, mga basagolero " ani ko

"Ang sama mo talaga , kababata ba talaga kita? "

"Ewan kahit nga ako 'yan din tinatanong ko sa sarili ko "

"Ang hard mo naman besh hahahaha"

"Nagtatampo na ako sayo Lira " with tampo daw effect pa tong si Miguel

"Edi magtampo ka , wag ka lang umasang  susuyoin kita " ani ko at umayos na nang ulo

"Hindi na ako nagtatampo, sorry na sa inasal ko kanina" napatawa ko nang sya 'yong humingi nang sorry

"Baliw " natatawang ani ko sabay pingot nang ilong nya , nag pout sya at namula

"Oyy si Miguel namumula " tukso ni Unice nataranta naman si Miguel

"H-hindi ah!" Sabi nya sabay balik sa upuan nya tumawa lang kami ni Unice natatawa akong napatingin sa harap at nahagip ng mata ko si Jeyden na nakatingin sa akin? Na ngunot ang nuo ko nang tinignan  ko uli ay hindi naman , nag ha hallucinate lang siguro ako

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now