•{05}•

46 29 3
                                    

"Si Mrs. Principal paparating!" Sigaw nang ka schoolmate ko at lahat nang estudyante sa loob nang cafetera ay nataranta ,lagot , lagot talaga kung mahuhuli kami
At dahil ayaw kong ipatawag ang parents ko ay tumakbo ako nang mabilis palapit sa natarantang si Miguel dahil mismo sya ay ayaw nyang malaman nang parents nya ito dahil na ngako sya sa parents nya na magbabago na sya

"Tatayo ka na lang ?" Tinaasan ko sya nang kilay , napatingin ako kay Paulo ang kaaway nya pati sya ay nataranta na din dahil iiwan sya nang mga kaibigan nya , Mga mabubuting kaibigan  , napatingin ako sa entrance nang cafeteria nakikita ko na ang harapan nang principal ang ginawa ko ay hinawakan ko silang dalawa sa kamay at hinila

"Takbo!" Sigaw ko , tumakbo naman sila kasama ko wala na silang magawa dahil hawak ko sila nag tungo kami sa back door nang cafeteria pagkalabas namin ay agad ko din naman silang binitawan habol hiningang napaupo ako sabay tawa

"Muntik na 'yon, mabuti naka alis tayo agad kung hindi lagot tayo sa nanay natin" napatingin ako sa kanila nang hindi sila umimik

"Oh wag nyong sabihing may part two pa 'yon " taas kilay kong tanong sa kanila

"Bakit mo ako tinulongan? " tanong ni Paulo

"Oo nga bakit mo sya tinulongan Lira? " sabay tingin nang masama kay Paulo

"Kasi alam kung ayaw nyo ding mapagalitan " ani ko pero nag palit lang sila nang masamang tingin, umatras ako ka unti

"May part two ba ? Advice lang ha gandahan nyo naman ang hihina nang suntok nyo, wag muna kayong nag simula hanap pa ako nang magandang pwesto" lumayo ako sa kanila at umupo malayo sa kanila

"Magsimula na kayo " nakangiting ani ko , nagtaka ako nang ngunot nuong tinignan nila ako

"Oh bakit? "

"Hindi mo kami pipigilan?" Tanong ni Miguel

Eh?

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Eh maganda kayang manuod nang live  action " napailing sila

"Ibang klasing babae to " ani ni Paulo at naglakad palayo

"Teka hindi tuloy? Kailan exact date nang part two nyo?!" Aba hindi ako pinansin nag patuloy lang sya sa paglakad

"Hindi man lang nag pasalamat " napatingin ako kay Miguel tumayo ako at nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya nagulat naman ito

"T-teka anong ginagawa mo!"

"May pasa ka, tara gamotin natin "

"W-wag na "

"O sige lagot ka sa nanay mo" naglakad na ako isa, dalawa, tatlo

"Oo sige na gamotin mo na nga" nakasimangot na sabi nya at naglakad sabay sa akin napatawa naman ako dahil alam kung ayaw nyang mag alala parents nya pag nakita ang pasa nya

"Tara sa clinic " inakbayan ko sya pero tinanggal naman nya ang kamay ko

"A-ano ba parang di ka babae " sabay iwas nya nang tingin

"Alam mo Migz parang namumula lalo yang mukha mo malala na ata yang pasa mo "

"Tumahimik ka na lang nga "

Nakarating na kami nang clinic wala ang nurse na naka assign rito kaya no choice ako kundi ako ang gumamot sa pasa nya

"Upo ka " ani ko sabay kuha nang bulak at alcohol , umupo naman sya nilagyan ko ang bulak nang alcohol

"Alcohol? Bakit alcohol? "

"Para malinisan ang pasa mo? " tinignan nya lang ako

"Eh sa hindi ko makita kung saan ang gamot tanging ito lang ang nakita ko, wag ka na ngang umangal " ani ko sabay riin nang bulak sa pasa nya

"Aray dahan dahan naman ang hapdi kaya" reklamo nito

"Eh nong sinuntok ka hindi ba masakit? Alcohol lang nga to eh"

"T-teka l-lumayo ka nga nang kaunti ang lapit nang mukha mo" ani nito napatingin ako sa kanya para na akong na duling kasi ang lapit nga nang mukha ko sa kanya , nilapit ko pa lalo gusto ko syang inisin

"A-ano ba lira " umiwas sya nang tingin

"Bakit na iilang ka ba " ngumiti ako , napatingin sya sa akin nang biglang bumukas ang pinto sabay kaming napatingin doon

"J-jeyden ? " Napahinto ito at napatingin sa amin

"Sorry sa abala"nakalabas na nang ma realize kung malapit parin ang mukha namin ni Miguel napatayo ako nang tuwid

"Migz baka kung anong isipin ni Jeyden " nataranta ako tumakbo ako palabas para mahabul ko si Jeyden hindi naman ito nakalayo

"Jeyden!" Sigaw ko napahinto naman ito at tumingin sakin

"Y-yong nakita mo wala lang 'yon ginagamot ko lang ang pasa ni miguel " pagpapaliwanag ko sabay kamot nang ulo teka bakit ba ako nagpapaliwanag? Dahil ayaw mong ma mis understood nya kasi gusto mo sya Lira

"Bakit ka nag papaliwanag? Wala lang naman sakin 'yon" cold na ani nito at tumalikod na sa akin at naglakad , nasaktan ako nang kaunti , bagsak baga akong bumalik nang clinic

"Tara na balik na tayong classroom " malungkot na ani ko tumayo naman sya  at naglakad na kami pabalik

"Oh ano binasted ka ba? Sabing tigilan mo na ang nararamdaman mo sa kanya "

"Kung ganon lang sana kadali 'yon nagawa ko na "

"Ano bang meron sa kanya na wala sa akin " hindi ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi

"Ha?"

"Anong meron sa kanya  bakit mo sya nagustohan"

"Ewan? Ganon siguro pag first love? Hindi na kailangan nang rason?"

"Naniniwala ka don, eh hindi ka nga nya pinapansin kung hindi mo kakausapin eh "

"Nahihiya lang sya ano ba" pilit akung tumawa

"Nahihiya sabihin mo ayaw sayo"  tinignan ko sya nang masama

"Puwede ba kahit ngayon lang cheer up mo ako hindi yong dinadown mo pa lalo "

"Hindi ako marunong sa ganyan "

"Manahimik ka na lang " -_- ani ko sa kanya , ginulo naman nya ang buhok ko ,

"Ano ba magulo na nga gugulohin pa "

"Edi ayusin uli" ani nya at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nya , napansin kung nakatingin sa amin ang mga esyudyante

"Sila na ba? "

" Hindi naman impossible 'yon dahil mag kababata sila "

Dahil sa narinig ko ay lumayo ako nang kaunti kay Miguel , ang baliw lumapit naman

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now