•{09}•

32 24 0
                                    

Mabilis ang oras kaya mabilis ding natapos ang klase ngayong araw nakaupo lang ako sa upoan ko tinatamad ako ngayon hindi ko alam kung bakit eh wala naman akong ginawa buong araw

"Lira sabay tayo umuwi" aya ni Miguel

"Mamaya na Migz "

"Okay ka lang ba?" Nag alalang tanong nito sabay hawak nang nuo ko

"Hindi ka naman mainit ah bakit ang tamlay mo?

"Wala tinatamad lang ako ngayon"

"Dala mo ba bike mo?"

"Hindi bus lang ako kanina kaya nga magkasabay kami ni Paulo diba"

"Ay oo nga no, hatid na kita sa inyo dala ko kasi bike ko "  tumayo na ako kahit tinatamad ako nang biglang naglakad palapit si Jeyden sa amin

"Math lesson" sabi nya, nakalimutan ko , tinignan ko si Miguel at nag kibit balikat lang ako

"Next time na lang ulit Migz " ani ko , naglakad ako palapit kay Jeyden at umupo na din , umuwi na din si Miguel Hayyssst mababaliw na ako nito tinatamad pa naman ako

" Magsimula na tayo gaya nang sinabi ko noong nakaraan bibigyan kita nang test " parang nasira buhay ko sa narinig ko

"Puwede bang wag muna ngayon? Mag lesson na lang muna tayo " pagmamakaawa ko, tinitigan muna nya ako

"Masama ba pakiramdam mo?" Biglang tanong nya , nag alala ba sya?

"Nag aalala ka ba?"

"Hindi, kung hindi maganda ang pakiramdam  mo uuwi na lang tayo " ani nya aysst kala ko 'yon na , pero ayaw ko pang umuwi gusto ko pa syang makasama , umayos ako nang upo

"Mag lesson na lang muna tayo "

"Okay" tanging sagot nya at may kinuhang textbook sa ilalim nang desk nya at nagsimula na syang mag turo , kahit papano ay may na intindihan naman ako sa tinuturo nya mga 5% over 100% , natapos sya sa pagturo sa akin napatingin ako sa orasan 5:45 P.M na mag si 6 na pala 8 nag co close ang gate nang school kaya walang problema

"Yan na muna sa ngayon" ani nya at niligpit ang gamit nya nang mapansin ang librong ginamit nya kanina

"Diba sa library 'yan? "

"Oo sasauli ko pa ito ma una ka na "

"Ako na hintayin mo na lang ako rito" kinuha ko sa kanya ang libro at tinahak ang daan papuntang library , pagkarating ko ay binuksan ko Ang pinto  at tamang tama dahil hindi pa ito naka lock pumunta ako sa Math Section at nilagay ko ay librong ito nang makarinig ako nang lagatik galing sa pinto, tumakbo ako  palapit sa pinto at pinihit ko ito para mabuksan  naka lock!

"Teka! May tao pa po rito!" Sigaw ko walang taong nakarinig naiwan ko din ang cellphone ko sa bag , napaupo na lang ako at napayakap sa tuhod ko ang dilim nang paligid dumidilim na din sa labas , napapansin kaya ni Jeyden na hindi pa ako bumabalik?

(Sound na may na hulog)

Napatayo ako sa gulat

"S-sinong nandyan?" Be brave lira walang multo rito okay , pusa lang 'yan

"Ahhh!!! Tulong! Please buksan nyo to!" Sigaw ko nang marinig ko ulit 'yon nanlalambot ang mga tuhod ko napaupo ako at siniksik ang sarili ko sa pagitan nang table naiiyak ako sa sobrang takot Mama *sob*

Napa takip ako nang tenga ko nang marinig ko uli 'yon

"Lira?" Rinig ko galing sa labas , agad akong napatayo dinikit ko ang tenga ko sa pinto

"J-jeyden? *sob* hindi ako makalabas *sob* may multo rito *sob* natatakot ako"

"Wait hahanap ako nang pambukas"

" Please don't leave me *sob*"

" Magiging okay din ang lahat hintayin mo ako babalikan kita " sabi nya dinig ko ang mga yapak nyang papalayo sa pinto, ang mga salitang 'yon ay katulad nang nasa panaginip ko kanina °_° , ikalawang bises na ito coincidence pa din ba?

"Lira? Nandito na ako dala ko na ang susi"  sa pagbukas nang pinto ay doon na bumuhos ang mga luha ko dahil niligtas nya ako , nilapitan nya ako at lumuhod sa harap ko niyakap ko sya bigla

"You are safe, don't be scared nandito na ako" sabay hagod nito sa buhok ko ,  I felt safe sa mga oras na ito

"Tumayo ka na mag co close na ang gate " ani nya inalalayan naman nya akong tumayo napansin ko ding dala nya ang bag ko

"Saan ka nakakuha nang susi?" Tanong ko habang pinupunasan ang basa kung mukha

"Sa guard sa labas , hindi nya napansing may tao kaya aksidente nyang na lock ang pinto"

"P-pero may multo ba doon?" Narinig kung tumawa sya biglang nawala ang takot ko nang marinig ko ang tawa nya at nang nasilayan ko ang mga  ngiti nya

"Walang multo , baka nakabukas lang 'yong bintana kanina " ani nya napa hinga naman ako nang malalim

"Hatid na kita sa inyo" nabigla ako sa sinabi nya , gusto ko man ay tumanggi ako dahil pagabe na at baka mapano pa sya sa daan dahil bisekleta lang ang dala nya , hinatid nya lang ako sa bus station tamang tama din dahil may bus na kakarating lang din

"Salamat pala kanina, mag ingat ka sa pag uwi " sabi ko at dali daling umakyat nang bus , na alala ko kasi yung yakap , napatingin ako sa gawi nya hindi pa din sya umalis nagtaka naman ako nang nagsimula nang umandar ang bus ay kumaway ako sa kanya kumaway din sya pabalik at nagsimula nang maglakad ,umupo ako na may ngiti sa labi ,

Kahit minalas ako sa library sinwerte naman  ako sa yakap ni Jeyden *//* nakarating ako nang bahay na ligtas hindi ko na kita si mama Saan kaya sya ,nagtungo na lang ako sa aking kwarto umupo sa gilid nang kama at inalala ang nangyari kanina, nang makita ko ang panyo ni Jeyden na ginamit sa sugat ko noon , nalabhan na din  ito kaya isasauli ko na lang bukas   nilagay ko ito sa bag ko para hindi ko makalimutan bukas, nagpalit na ako nang pantulog ko at bumaba hinanap si mama hindi ko kasi makita

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now