•{20}•

27 19 0
                                    

"Yong araw na di ka bumalik sa school, nag alala ako kaya kinuha ko ang address mo at pinuntahan kita " sabi nya teka!! So hindi ako namamalikmata non?

"I-ikaw yong lalaking nakatayo sa ilalim nang puno?" Di maka paniwalang tanong ko

"Nakita mo ako?" Gulat sya

"Oo! So ikaw talaga 'yon!" Amazing! Gaya to nang nasa panaginip ko , ang weird! Hindi ko na talaga masasabing coincidence uli to na magkatulad sa napanaginipan ko dahil ilang bises na to!,

"Oo, pasok ka na , tsaka pagkatapos mong kumain magpahinga ka agad ma una na ako" paalam nya bago umalis , hindi ako nakapag salita dahil nag si sink in pa sa akin ang nangyari , nakalayo na sya nang mabalik ako sa wisto ,

"Oh anak, bakit hindi ka pa pumapasok? At sino 'yong kasama mo? " dinig kong tanong ni mama nakatayo sya malapit sa pinto, napalakad naman ako at lutang ang isip ko

"Kaibigan ko po ma"

"Kaibigan ba? Hindi mo boyfriend?" Sabay ngiti ni mama na kakaiba , tinignan ko naman sya

"Kong boyfriend ko 'yon ako na ang pinaka masayang babae sa mundo at sana pinakilala ko muna diba "

"May point ka , kamusta Exam ?"

"Napaka dali lang ma para ka lang nanghuhuli nang isdang walang dalang pamingwit" sarkastikong ani ko,

"Sa kwarto lang po ako ma magpapahinga, para na kasing sasabog utak ko"

Nilagay ko sa sahig ang bag ko at napahiga sa kama na alala ko naman 'yong kanina, paanong magkapareho ang nasa panaginip at sa nangyayari sa akin minsan? Napaka imposeble naman yata pero puwede namang poseble dahil nangyari , aysstt lalong sumasakit ulo ko , makatulog na nga ....
Minutes past, nilamon na ako nang antok

Zzzzzzzzz

WAKE UP SLEEPY HEAD!
WAKE UP SLEEPY HE...

I turn off the alarm clock , hindi ko na ma alala ang nasa panaginip ko at parang wala akong napanaginipan dahil siguro sa sobrang pagod nang utak kaya pati sya natulog din , kinakabahan ako ngayon dahil ngayong araw i-aannounce ang score namin , At hiniling ko na sana wala akong mababang score , at sana mataas nakuha ko sa math , natapos na akong mag ayos bumaba na din ako

"Oh anak ? Bakit ganyang mukha mo? Para kang natatae" natatawa pa si mama Kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko eh

"Kasi ma ngayong araw i-aannounce ang score namin , kaya kinakabahan ako ma pano kung bagsak ako? Lalo na sa math, ayaw ko pa namang mag retake "

"Wag panghinaan nang loob anak, kung nakakuha ka man nang mababang score okay lang 'yan bawi ka na lang sa susunod , hindi naman kasi lahat kaya mong intindihin eh " gumaan ang pakiramdam ko sa sinabu ni mama

"Hindi ka magagalit?" Nakangiting tanong ko

"Natural magagalit! Sino ba namang nanay gustong mapahiya anak nya mababa ang nakuha score " napa aray ako nang hampasin nya ako nang sandok

"Pag ikaw talaga nakakuha nang mababang score, lagot ka talaga sa akin"

"Grabi ka naman ma kanina para kang anghel may pa comfort comfort ka pa tapos ngayon para kang tigre na mangangain" napailing ako sa inasal ni mama

"Hindi na po ako kakain; sa school na lang bye ma" lumabas na ako nang bahay at naglakad patungong Bus station sako namang kakarating din nang bus kaya hindi na ako maghihintay pa , umakyat na ako at nag bayad nang biglang my tumawag sa akin

"Lira! Dito!" Napatingin ako sa pinanggalingan nang boses , si Paulo pala kumakaway sya , nagtungo ako sa bakanting upuan na katabi nya

"Excited ka na bang malaman ang score mo?"

"-_- Sinong ma i-excite , kinakabahan nga ako eh "

"Wag kang kabahan, be positive na lang malay mo mataas nakuha mo"

"Sana nga " nakaramdam ako nang gutom, sa cafeteria na lang ako tutungo mamaya

Nakarating na kami sa school at sabay kami ni Paulo sa paglakad papasok sa campus

"Ma una ka na, cafeteria lang ako hindi pa kasi ako nakapag almusal"

"Sige , eatwell Lira!" At nag hiwalay kami nang direksyon

Pagdating ko nang cafeteria ay wala masyadong estudyante , bumili na ako nang almusal ko at umupo malapit sa bintana , at kumain

Biglang may naglagay nanag isang Freshmilk sa harap ko , napatingin ako sa naglagay

"Dito ka pala nag aalmusal" ani ni Jeyden sabay upo sa harap

"Ngayon lang ako kumain rito, para sa akin ba 'yan?" Nguso ko sa Freshmilk na nasa harapan ko

"Oo" nakangiting ani nya , kinuha ko naman ito

"Salamat" tinusok ko ang straw at ininom , at kumain nang mapansin kung nakatingin si Jeyden sa akin kaya napatigil ako sa pagkain

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now