•{04}•

44 30 2
                                    

Dreamland zzz

"Isa kang traidor! bakit mo ginawa sa kanya 'yon! Tinanggap ka nya na parang totoong kapatid nya pinakain at binigay lahat nang gusto mo pero bakit mo sya trinaidor " galit na sigaw nang pinsan nang taong nag-alaga sa akin

"Hindi ko sya trinaidor, aksidente ang nangyari hindi ko naman alam na maiisahan ako ni laura , patawad hindi ko ginusto ang nangyari" umiiyak ako sa nangyayari dahil sa pagkawala nang isang document nang companya ang document na pinaghirapan ni Sir Delan ang taong nagalaga sa akin , ninakaw ito nang kaibigan kung si laura para sila ang  makinabang sa pinaghirapan ni Sir Delan at ngayon ay na aksidente si Sir Delan dahil sa nalamang ninakaw ang pinaghirapan nya at ngayon ako ang sinisisi nang pinsan nya

WAKE UP SLEEPY HEAD !
WAKE UP SLEEPY HEAD!

Reality xoxo

Na alimpungatan ako sa tunog na 'yon napatingin ako sa side table ko , bagong alarm clock , pinatay ko ito , grabi 'yong panaginip ko hindi maganda aysssttt , naalala ko bigla ang tungkol kay Jeydon napa gulong gulong ako sa higaan ko sa sobrang kilig kyaaahhh mag asawa na kami? Pero paano naging kami? Weird naman , Ah alam ko na ako na ang bahala gumawa kung paano naging kami

Pero bago 'yon ay nag ayos muna ako para pumasok, maaga pa naman kaya hindi pa ako late sa school ko na lang gagawin 'yon , ngiting walang bukas akong bumaba , nakita ko si mama na nag hahanda nang almusal

"Mabuti gising kana "

"Sino ba namang hindi magigising sa lakas nang alarm na yon "

"Kumain ka na " nagsimula na din akong kumain pagkatapos ay nag toothbrush ako

"Ma alis na po ako " Lumabas ako nang bahay at kinuha ang  bike ko mag ba bike na lang ako ... habang nag ba bike ay hindi ko maiwasang mag pantansya

~~~~~~(imagination ^^)

Tinahak ko ang daan papuntang school ngayon bawat madaanan ko ay binabati ko
Malapit na ako sa gate nang school papasok na ako nang biglang may tumawid na lalaki si Jeyden 'yon kaya napa preno ako pero huli na nang palapit na ako sa kanya at sya ay nakatayo lang habang nakatingin sa akin kaya ang ginawa ko ay inikot ko ang manibela nang bike kaya ayon natumba ako sa harap nya

"Aray! " daing ko sa sakit nang makitang nagasgasan ang siko ko ,dali dali nya akong tinulongan sa pagtayo hinawakan nya ako sa biwang

"Are you okay? Dadalhin kita sa hospital" tarantang ani nito , sumakit ang tuhod ko kaya napa aray ako, binuhat nya ako nang bridal style kyaaahhh ang pogi hehez pagpatuloy ko na muna  , parang nag slowmo ang lahat at tangin sya lang ang nakikita ko napatingin sya sa akin matagal kaming nagkatitigan at unti unting lumalapit ang mukha namin sa isat isa kyaaaa ito na first kiss ko makukuha na nya  ^3^ 

"Lira besh! Aga mo yata!" Napabalik ako sa reyalidad nang biglang may bumusina sa gilid ko napatingin ako roon at sasakyan nila Unice

"Besh naman! 'Yon na sana eh " reklamo ko

"Ano nanaman? Nag Day dreaming ka nanaman, wag mong gawin dito 'yan baka ma aksidente ka pa sa ginagawa mo eh" suway nito

"Oo na, ma una na ako " ani ko at binilisan ang pag bike ko , dahil sa sasakyan ang dala nya naunahan nya ako ,

"Hintayin kita sa gate!" Sigaw nya

Gaya nga nang sinabi nya ay hinintay nga nya ako sa gate at sabay kaming dalawang pumasok dahil maaga pa wala ang first teacher namin kaya kinwento ko muna kay Unice tungkol sa panaginip ko kagabe alam nyo yung sinabi nya sa akin Tigilan mo na kakapantasya sa kanya pinapaasa mo lang sarili mo  -_- aysstt hindi supportive si besh hindi ko na lang sya pinansin kay Jeyden ako ngayon naka tingin  as usual textbook nya kaharap nya pero^○^ ang gwapo parin nya

"Second Period na " biglang ani ni Unice  Ilang oras na ba akong nakatitig sa kanya? At ilang oras na ba syang nakatitig sa textbook nya? Nakakainggit naman nainggit ako sa textbook T3T

"Wala si sir ngayon! May meeting daw" Biglang ani nang kaklase ko ang iba nagsilabasan na nag puntang field mag aaliw yata , ito ang paborito ko sa lahat walang teacher dahil buong araw kung matitigan si Jeyden ^_^ nakatingin lang ako sa kanya nang bigla syang napatingin sa akin Huli ka day! 》_》 kaya napa iwas ako nang tingin

"Unice! "  nagulat naman si unice sa sigaw ko

"Bakit bakit??" Tarantang tanong nya

"Bili tayo pagkain " nakangiting ani ko

"-_- kala ko kung ano na, tara nagutom din ako " ani nya , bago ako tumayo ay napatingin muna ako kay Jeyden  nasa Textbook na uli atensyon nito

Pagpasok namin nang cafeteria ay naabutan namin ang nagrarambulang estudyante

"Unice tara lapit tayo hindi ko makita nang maayos " sabay hila ko sa kanya

"Teka Lira baka masangkot tayo sa gulo ayaw kong ma guidance! "

"Hindi 'yan , live action besh oh!"hinayaan ko na lang sya nag hanap ako nang pwesto pero bago 'yon ay bumili muna ako nang pagkain nakahanap ako nang pwesto ko na medyo malapt sa nag susuntokang estudyanteng lalaki napatingin ako sa isa dahil pamilyar ang mukha nito, ayos to ha si Miguel kaklasi ko at kababata ko  tignan natin kung matigas ka Miguel kalaban nya ang kabilang section , hindi na ako magtataka dahil sa tuwing mag kita ang dalawang ito ay asahan mo nang may gulong mangyayari Go Miguel!  Mag che cheer din ako kaklasi namin 'yan eh

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now