•{27}•

24 17 2
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas at hindi kami nagkikita ni Jeyden at patuloy pa di  akong nag mo-move on, palagi na din pumopunta si Miguel sa bahay , dahil baka daw magpakamatay ako pag mag isa  lang ako baliw talaga , minsan kasi umaalis si mama parang may inaasikaso syang importante
Minsan kung wala akong magawa ay nag day dreaming ako , at minsan na we-weirdohan ako sa panaginip   para bang kumukonekta talaga sya sa totoo , ewan baka baliw na ako

Tapos na din pala ang school year namin at bakasyon na ngayon, sa bahay lang ako dahil wala akong ganang gumala dahil wala namang may nag aaya, minsan ko na ding natanong kay Miguel kung saan sya mag babakasyon pero ang sagot lang nya ay mas gusto nya pang manatili sa bahay namin sa halip na mag bakasyon,

"Anak?"

"Bakit po ma?"

"Bumaba ka nga rito" utos ni mama , lumabas naman ako nang kwarto at bumaba

"Bakit po? At bakit parang masaya yata kayo" ngiting ngiti kasi sya, parang may nangyari na hindi ko alam

"Anak, nagkausap na kami nang papa mo, " nakikita ko ang saya sa mukha ni mama, ako naman ay gulat sa nalaman

"A-anong pinagusapan nyo?"

"Kung bakit hindi sila nagpakita, ang dahilan nya ay ayaw nyang magka problema tayo nang dahil sa aksidenteng nangyari, kaya pinalabas nyang nasunog sila nang kapatid mo, at masaya akong buhay sila anak! " nakatayo lang ako at hindi ko alam kung ano ang eririak ko , matutuwa ba ako ? O malulungkot o magagalit

"Tsaka anak may good news ako sayo" sabi ni mama , hindi na talaga maalis ang ngiti nito

"Ano po 'yon?" Tanong ko nang biglang may kumatok , lumapit si mama sa pinto at binuksan ito

"Dito na sila titira uli, buo na uli tayo"  sabay pasok nang isang matandang lalaki Papa , at kasunod  nya si Jeyden , para akong nabato sa kinatayuan ko

"Anak hindi mo ba babatiin ang papa at kapatid mo? Hindi mo ba sila na miss?" Nagtama ang paningin namin ni Jeyden at sya ang unang nag iwas , na kokonsinsya ka?

"A-anak dalaga ka na " galak na sabi ni papa, napatingin ako sa kanya , hindi ko ma itatanggi na na miss ko sya nang sobra, ramdam ko ang pagtulo nang luha ko

"P-papa" lumapit si papa sa akin

"Puwede ba kitang mayakap?"

"O-opo" niyakap nya ako nang mahigpit, na mimiss ko ang yakap nang isang ama , napaiyak ako nang lubosan

"Patawad anak , patawarin mo si papa" sabi ni papa sa kabila nang pagiyak

"Hindi po ako galit sa inyo Pa, ang mahalaga ngayon ay nakauwi na kayo rito at buot na ulit tayo"

"Ang laki mo na talaga, hindi na ako nagtaka tama nga ang kapatid mo na lumalaki  kang maganda " kapatid napatingin ako kay Jeyden kinakausap sya ni mama , ngumiti lang ako kay papa

"Anak ihatid mo kuya mo sa kwarto nya " bigla akong nakaramdam nang kaba

"O-opo " ani ko,

"Magluluto lang ako sure akong gutom na sila" nagtungo si mama sa kusina kasunod ni papa

"Tulongan nakita" kami na lang ni Jeyden ngayon ang nandito sa sala

"Sumunod ka sa akin" ramdam ko namang nakasunod sya , hinatid ko sya sa kabilang kwarto dahil doon ang magiging kwarto nya

"Ito na 'yong kwarto mo, "sabi ko , nakatayo lang kami at hindi ako umalis hindi ko alam pero parang hinihintay kong kausapim nya ako, ilang segundo na ang lumipas ay hindi nya ako kinausap sa halip ay nakatayo lang sya sa harap nang pinto

"Ge" tipid na ani ko at mabilis na pumasok nang kwarto ko na katabi lang nang kwarto nya , at ni lock ito napasandal ako sa pinto, may namumuo nanamang luha sa mata ko , na miss ko sya nang sobra pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya matapos ang nangyari , naglakad ako patungo nang kama at humiga , kinuha ko na din ang earphone ko at nakinig nang musika,

Take time to realize
That your warmth is
Crashing down on me
Take time to realize
That I am on your side
Didn't I, didn't I tell you?
But I can't spell it out for you
No, it's never gonna be that simple
No, I can't spell it out for you
If you just realize what I just realized
Then we'd be perfect for each other and we'd never find another
Just realize what I just realized
We'd never have to wonder if we missed out on each other, now

Yeah its really take time to realize everything you've done

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon