•{25}•

27 18 0
                                    


"Ah ang sakit nang ulo ko" nagising ako sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko , napabangon ako sa malambot na kama at napatingin sa paligid ko , Nasa hotel ba ako? ○-○ may lumabas sa banyo

"Ahhhhh!!!!!" Sigaw ko

"Wag kang sumigaw lira!" Napatingin ako sa pamilyar na boses , Miguel. Naka topless sya

"B-bakit  tayo nasa hotel?" 

"Nakalimutan mo na ba ang nangyari kagabe?"  Napatingin ako sa suot kong damit

"Waahhh!!! Anong ginawa ko!!!" Napasigaw ako nang iba na ang damit ko ,

"Ano bang iniisip mo! Walang may nangyari sa atin , pinalitan ko ang damit mo dahil sinukahan mo kagabe "

"H-ha? Sino kamo nag palit nang d-damit ko?"

"Ako" binatohan ko sya nang unan

"Bastos!" Napayakap ako sa sarili ko , tumawa naman sya

"Don't worry wala akong nakita dahil nakapikit ako" sabay ngisi

"Bastos ka talaga! , bakit hindi mo na lang ako inuwi sa amin!" Inis na bulyaw ko

"Gusto mo bang mag alala at pagalitan ka nang mama mo?  Lira ngayon ka lang uminon! Ano ba ang pumasok sa kukuti mo!" 

"S-salamat ," pagpapasalamat ko may punto naman sya ayaw kung mag alala si mama , at na alala ko nanaman ang nangyari ka hapon

"Oh napaiyak ka? Nasaktan ba kita sasalita ko?" Tarantang tanong ni Miguel at lumapit sa akin

"M-miguel *sob* " niyakap ko sya , wala na akong pake kung topless sya ,

"Ano bang nangyayari sayo" alalang tanong nga

"N-nag tapat ako kahapon kay Jeyden" naramdaman kung hindi sya nakagalaw

"A-at a-anong nangyari? T-tinanggap ba nya?" Kinakabahang tanong nya ,

"Sa tingin mo ba kung tinanggap nya  mag gaganito ba ako? Iininom ako?" Inirapan  ko sya wala talagang isip eh umiiyak na nga ako

"Busted?" Nakita kung napangiti sya , agad din namang nawala

"Sa tingin mo! Masakit pala "

"Hayaan mo na marami pang iba "

"Okay lang sana 'yon eh tanggap ko, pero ang katotohanang , m-magkapatid kami" bumuhos na ang luha ko , hindi ko talaga matanggap

"Anong sabi mo! Magkapatid kayo? Akala ko ba patay na ang kapatid mo" gulat ang nakikita ko sa mukha nya

"Yon din ang akala ko Migz eh *sob* hindi ko alam kung ano ang gagawin ko , kung papano ko haharapin si mama, kung ano ang dahilan ni mama at nagsinungaling sya o kung alam ba nya to, at sa lahat hindi ko alam kung paano ko harapin si Jeyden at si p-papa"

"Ang hirap n
ang sitwasyon mo Lira "

"Napaka hirap Migz " nanghihinang ani ko , parang gusto ko na ngang mamatay

"Wag kang mawalan nang pag asa lira nandito lang ako, hindi kita iiwan "ramadam ko ang init nang katawan nya nang yakapin nya ako nang mahigpit, at doon ako umiyak sa bisig nya ,,

Ilang oras din kaming na sa ganong pwesto

"Okay na ba pakiramdam mo?"

"Oo, salamat"

"Uwi na tayo? "

"Pano pag tinanong ako ni mama kung saan ako natulog? Hindi naman puwedeng sabihin na sa Hotel diba " kinakabahan ako umuwi

"Akong bahala , tsaka para matanong mo na ang mama mo tungkol kay Jeyden"

"N-natatakot ako Migz p-paano pag nagsinungaling nga si mama sa akin?, hindi ko na yata makayanan "

"Kung ginawa nya na 'yan , alam kung may dahilan ang mama mo, " gumaan kunti ang pakiramdam ko sa sinabi nya ,

Sa huli ay napag isipang kong umuwi , at ang bilis nang oras , nakatayo kami ni Miguel sa tapat nang bahay nag dadalawang isip ako kung papasok ba o hindi

"Pasok na tayo , alam kung nag alala na nang husto ang mama mo"

"Wag mo akong iwan ha "

"Hinding hindi mangyayari 'yon" nakangiting ani nya  huminga muna  ako nang malalim bago pumasok, pag bukas ko palang nang pinto ay ang mukha nang nag alala kong nanay ang naghihintay

"Bakit ngayon ka lang bata ka! Alam mo bang nag alala ako na baka napano ka! Hindi ka man lang tumawag! " sabay hampas sa akin ni mama, at nakunsinsya ako nang makitang umiiyak sya

"M-ma " sabay hampas lang sa akin si mama , hindi ko naman sya masisisi, nakatayo lang sa gilid ko si Miguel

"Tita , magkasama po kami ni Lira sorry po kung hindi ako nakapag paalam sayo na , sa bahay sya matulog " pagpapaliwanag ni Miguel , tumigil si mama kakahampas sa akin at kay Miguel napatingin

"T-totoo ba ang sinasabi mo? Baka pinagtatakpan mo lang sya Miguel!"

"Hindi po tita totoo po, ito na nga po sya inuwi ko nang buo" nakangiting ani ni Miguel , napatingin sa akin si mama , napayuko lang ako

"Sorry anak masakit ba?" Alalang tanong ni mama, tinutukoy nya ang paghahampas nya kanina

"H-hindi po ma, sorry din po "

" Wag mo nang uulitin ha?"

"Opo"

"Maligo ka na para makakain ka nang almusal " ani ni mama, umakyat naman ako nang kwarto , hindi ko alam na nakasunod pala si Miguel

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now