•{17}•

25 20 0
                                    

Pagdating namin ni Miguel sa classroom ay hindi ko tinapunan nang tingin si Jeyden , uuwi na ako sa bahay na ako mag aaral

"Unice mauna na ako ha " paalam ko kay unice na busy kaka cellphone

"Babalik ka ba bukas? "

"Hindi na siguro sa bahay na lang ako mag aaral , sa lunes na ako babalik" ani ko , gastos din kasi  sa pamasahe kung babalik pa ako para lang mag self study

"Ah okay , magingat ka sa pag uwi"

"Ikaw din "palabas na ako nang tawagin ako ni Miguel

"Bakit?"

"Sabay tayo bukas " alam kung sa school ang sinasabi nya

"Hindi ako babalik ! Uuwi na ako , bye!" Paalam ko

"Punta ako bukas sa bahay nyo!" Dinig kung sigaw nya

Nadaanan ko ang classroom nila Paulo tamang tama namang nakatingin sya dito sa labas , nakita nya ako kaya kumaway ako sa kanya , kumaway din sya pabalik at ngumiti ,

...Sa Bahay..

"Ma nandito na po ako" sigaw ko nang makapasok na ako

"Ang aga mo lira ah "

"Self study lang nga kami ma, tsaka sa lunes po ako babalik nang school "

"Eh saan ka mag aaral?"

"Dito sa bahay sa kwarto  kahit saan wag lang sa school kasi aksaya sa oras, akyat na po ako" ani ko at naglakad na papuntang kwarto ko

Kinuha ko ang notebook ko sa bag at umupo sa study table ko , at nagsimulang mag aral  , inintindi ko lahat nang binabasa ko  e huhuli ko na ang Math dahil dyan ako mahina baka kasi kung 'yan ang uunahin ko mawawala lahat sa isip ko

Knock! Knock!

"Pasok po ma" bumukas ang pinto at pumasok si mama na may dalang tray

"Kumain ka muna anak" sabay lapag nito nang tray na may lamang gatas at cookies

"Salamat po" ani ko

"Mag palit ka kaya muna nang damit para tuloy tuloy na yang pag aaral mo"

"Okay po" pumonta ako sa closet at kumuha nang pantulog na damit at pumasok nang banyo nag half bath na din total nasa banyo ako

"Labas na ako anak ha, kung may kailangan ka sa baba lang ako" dinig kung sabi ni mama at ang pagsarado  nang pinto, natapos na ako sa pag aayos kaya bumalik uli ako sa pwesto ko kanina, uminom nang gatas at nag aral muli

Hours Past

Napa unat ako sa inuupoan ko , mukha kasing na paralyze lahat nang muscles ko , nakaramdam ako nang antok at pagod kaya nagtungo ako sa kama at humiga bago ako pumikit ay mukha ni Jeyden ang nakita ko , hinaya kung lamunin ako nang panaginip

Dreamland zzz

Nakatayo ako sa gitna nang park at kaharap ko si Jeyden na dalawang metros ang layo sa akin may hawak syang ice cream , at ngayong araw ay napagisipan kung magtapat sa kanya tugkol sa nararamdaman ko

"Jeyden!" Sigaw ko habang nakangiti , napatingin sya sa akin

"May sasabihin ako sayo, makinig ka nang mabuti" kinakabahan ako , tinitignan nya ako na parang hinihintay nya ang sasabihin ko

"Ano?"

"Jeyden!" Sigaw ko uli , pumikit ako bago bigkasin ang salitang gusto kong sabihin

"I Like You!" Sigaw ko at yumuko takot akong makita ang magiging reaksyon, naramdaman kung may kamay na humawak sa pisnge ko napamulat ako at isang nakangiting Jeyden ang nakita ko

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon