•{18}•

26 20 0
                                    

Hinanap ko si mama pero hindi ko sya mahanap, nagtungo ako sa mesa dahil may nakita akong note doon kinuha ko ito at binasa

Lira kayo na muna ni Miguel dyan sa bahay , pupunta ako sa bahay nang kaibigan ko , may lutong pagkain na din sa ref , initin mo na lang bago kainin

Bumalik uli ako sa kusina at binuksan ang ref at nakita ko ang sinabing pagkain ni mama , kumuha ako nang gatas  at nagsalin sa dalawang baso , kumuha na din ako nang sandwich at nilagay sa plato , nilagay ko lahat sa isang tray at umakyat , napatayo muna ako sa pinto nang ilang minuto bago pumasok , Na abutan ko si Miguel na nakaupo sa kama at nag ce cellphone

"Nag almusal ka na ba? " casual na tanong ko , ayaw ko nang ma alala ang nangyari kanina baka mailang nanaman ako at hindi ko sya mapansin

"Hindi pa" ani nya sa cellphone pa din nakatingin

"Ito gatas tsaka sandwich " sabay lapag nang  tray sa side table ko ,

"Ah Lira yong kanina" pinaalala naman

"Kalimutan na lang natin 'yon puwede ba? Tsaka nandito ka para mag aral diba, kaya mag aral ka na dyan at ganon di gagawin ko" ani ko at umupo sa upuan at nagsimula nang mag aral nang Math , ramdam kung nakatingin sa akin si Miguel , nanindig balahibo ko ,

"May sasabihin ka? "

"W-wala " ani nya at kinuha ang note book nya at nagsimulang magbasa

Hours Past

Napatayo ako at nag unat napatingin ako kay Miguel , Tulog? Kanina pa ba? Nandito ba talaga to para mag aral o matulog? , hinayaan ko na lang syang matulog

Tumayo ako malapit sa bintana at binuksan ko ito para makalanghap nang sariwang hangin natapos ko nang basahin lahat nang sinulat ko sa math inintindi ko naman pero hindi ko masyadong maintindihan, Kung kasama ko lang siguro si Jeyden baka may maintindihan pa ako, Jeyden na naman , napatingin ako sa di kalayuan nang mapansing may ang isang pamilyar na pigura na nakatayo sa ilalim nang puno at nakaharap sa akin , naningkit ang mata ko para makita sya nang malinaw pamilyar talaga sya , parang si Jeyden? Napa kurap ako nang may malakas na hanging dumaan at pag tingin ko sa lalaki ay wala na sya doon sa ilalim nang puno, ngunot nuo akong napaisip , Parang si Jeyden  ang nakita ko kanina, pero its impossible dahil hindi pa nakapunta si Jeyden sa bahay kaya hindi nya alam kung saan ako nakatira hindi nga ba?  Na alala ko naman yong nag lalarong pangyayari sa emahinasyon ko kanina, para kasing ito 'yon ang weird  , nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa inuupoan ko at nag aral muli

Hours past

Napatingin ako sa orasan mag a alas'dose na pala ,napatingin ako kay Miguel tulog pa din? Anong bang ginawa nito at parang puyat na puyat , bumaba ako at ininit ko ang pagkaing iniwan kanina ni mama , Adubo at lumpia ito ,maramirami din kaya okay na to sa  aming dalawa ni Miguel , pagkatapos kong mainit ay inihain ko na sa mesa naglagay na din ako nang dalawang plato at iba pang kagamitan sa pagkain bago umakyat muli para gisingin si Miguel

"Miguel? Hoy Miguel gising na! Para kumain" sabay alog ko sa kanya ,

"Natutulog pa ako Mama , " mama daw? Napatawa ako nanaginip ata

"Hoy Miguel si Lira to hindi Mama mo " natatawang ani ko , napamulat naman sya  at napa upo , dahil naka yuko ako ayon nagkauntogan kami nang nuo

"Aray, ano ba yan! " inis na sabi ko sabay himas nang nuo ko , ang tigas nang nuo nya ha

"Sorry sorry " tarantang paghingi nya nang paumanhin

"Okay lang, bumaba ka na at kakain na tayo nang lunch" na una na akong bumaba nakasunod naman sya , nakatayo lang sya

"Oh? Ano pang hinihintay mo? Maupo ka na "

"Yong nuo mo namumula" mahinang ani nya

"Yaan mo na mawawala din to, maupo ka na at kumain" sa una ay nag alinlangan pa sya kung uupo ba o hindi , pero sa huli ay umupo sya at kumain na din kaming dalawa, bigla syang nabulonan, inabutan ko sya nang isang basong tubig at ininom naman nya napatingin ako sa pinggan nya wala na itong laman ,

"Kain ka pa" sabay lagay ko nang bagong pagkain , napansin kung napatingin sya sa akin ,

"Saan mga anak natin?" Biglang tanong nya ngunot nuo naman akong napatingin sa kanya Pinagsasabi nito?

"Ha?"

"Para kasi tayong mag asawa, anak na lang kulang "nakangiting ani nya, dahil don ay bigla kong napasubo sa kanya ang isang sandok na kanin ayon napatahimik

"Kumain ka nga kung ano ano iniisip mo" inirapan ko sya , tapos na kami kumain  kaya niligpit ko na ang pinag kainan namin at nilagay sa lababo para hugasan

"Ako na maghuhugas" presinta ni Miguel

"Sure ka?"

"Oo, mauna ka na sa kwarto " ani nya at sinimulang mag hugas , gaya nga nang sinabi na na una na ako sa kwarto umupo na din at nag aral uli, maya maya ay pumasok si Miguel ,hindi ko sya tinapunan nang tingin ramdam kung umupo sya sa gilid nang kama at kinuha ang Notes nya at nag aral na din..

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz