•{15}•

30 23 0
                                    

Tama ka hindi mo kailangang pumili dahil alam naman natin na ako talaga ang gusto mo" biglang may dumating na lalaki at inakbayan ako Jeyden

"Wag kang kampanti Jeyden " sabi ni Paulo ,inalis ko ang pag ka akbay ni Jeyden sa akin dahil sa ginawa nya ay naging kumplekado ang lahat

"Hayaan na lang nating si Lira ang pumili at tanggapin kung ano man ang disesyon nya" ani ni Miguel na sinang ayonan nilang tatlo

"Pumili kana Lira " seryusong sabi ni Jeyden

"Kailangan ko ba talagang pumili?"

"Oo para titigil na kaming umasa sayo kung sakaling wala na talagang pag asa" malungkot na ani ni Paulo, tinignan ko sila isa isa, tatlong taong ayaw kung mawala sa akin at tinuring Kong special nandito sa harapan ko ngayon at nagtapat nang nararamdaman ,huminga ako nang malalim bago mag salita

"S-sana walang magbabago , Pinipili ko si .. "

Reality xoxo

WAKE UP SLEEPY HEAD!
WAKE UP SLEEPY HEAD!

Napamulat ako nang mata ko at inalala ang panaginip ko , haba nang hair mo lira tatlong lalaki nagkagusto sayo , sa panaginip nga lang haysst teka sino ba pinili ko sa kanila? Si Paulo ba? Si Miguel? Tinatanong pa ba 'yan syempre si Jeyden ^_^ nang ma alala ko ang nangyari kahapon , nalungkot ako bigla anong mukha ang ihaharap ko sa kanya ? Hindi kaya ako pumasok? Self study lang naman eh , sa huli napag pasyahan kung wag na munang pumasok ngayon , bumaba ako at nagtungo sa dining area

"Oh bakit hindi kapa nakabihis?"

"Hindi po ako papasok ma , masama pakiramdam ko" umupo ako sa upuan at kinuha ang isang basong gatas at tinapay

"Mukhang okay ka naman ah, pumasok ka lira mag aral ka nang mabuti dahil finals nyo na sa lunes"

"Ma tinatamad po ako" nagmakaawa ako kay mama na payagan akong wag pumasok , pero hindi ako pinayagan , wala na akong nagawa kundi ang mag ligo , nag hanap ako nang maisusuot ko , Long sleeve at Jeans ang kinuha ko , makakapasok pa din ako dahil Self study lang naman kami ngayon

"Alis na po ako!" Ani ko at lumabas , mag ba bus na lang ako ngayon tinatamad akong mag bike, sa paglakad ko patungong bus station ay nakita ko si Miguel

"Migz!" Sigaw ko napaharap naman sya sa akin , kumaway naman ako , tumakbo ako palapit sa kanya

"Kamusta pakiramdam mo?"

"Okay naman , bakit hindi ka naka uniform?" Takang tanong nya nakalimutan ko palang sabihin sa kanya tungkol sa 1 week na self study

"Isang linggong self study Migz nakalimutan kung sabihin sayo "

" Final Exam na pala sa Lunes no" tumango naman ako

"Kamusta pag aaral mo? "

"Okay lang?" Matamlay na sagot ko

"Anong problema mo?"

"Kahapon kasi" sasabihin ko ba?

"Anong nangyari kahapon?"Sabihin mo na lira kaibigan mo naman sya

"Nagalit sa akin si Jeyden," malungkot na ani ko

"Ha? Bakit naman? "

"Ano kasi sinundan ko sya sa bahay nila"

"Aray!" Binatukan ba naman aako

"Bakit mo sinundan, nahihibang ka na ba!"

"Eh gusto ko lang naman na malaman kung saan sya nakatira eh, hindi ko naman alam na magagalit sya (t3t)"

"Tigil mo na yang nararamdaman mo Lira mukhang ayaw sayo eh"

"Titigil lang ako pag sa kanya mismo nang galing ang salitang AYAW KO SAYO"

"Hindi talaga kita mapipigilan , bahala ka na nga!" Tumaas boses nya at na unang maglakad

"Galit ka ba?"

"Hindi!"

"Hindi daw galit ka eh"

"Naiinis lang ako sayo"

"Eh? anong ginawa ko?"

"Ewan ko sayo ang manhid mo! "Ani nya at unang pumasok sa bus , umupo sya sa isang bakanteng upuan na katabi nang matandang babae , tinignan ko sya , hindi nya ako pinansin , kaya doon ako umupo sa bakanteng upuan na nasa likuran nya , Problema nya?

Nakarating kami nang school na hindi ako pinapansin ni Miguel ~_~

"Hoy! Hindi mo talaga ako papansinin? " nag pout ako , hindi sya kumibo

"Wala talaga? Sure na 'yan? " pangungulit ko deadma pa din

"Edi wag! Bahala ka" bahala ka sa buhay mo! Kainis ha hindi ko naman alam kung anong ikinatampo nito,dinig kong napa buntong hininga sya, na una na akong naglakad ,

"Ikaw kasi eh" mahinahong sisi nya sa akin

"Anong ginawa ko?" Takang tanong ko

"Ang slow mo! "

"Oh magtatampo ka nanaman?" Ngunot nuong tanong ko

"Hindi na, halika nga" hila nya sa akin sabay akbay , hinayaan ko naman sya dahil sanay na ako sa kanya

"Wala na akong magawa sa ka slowhan mo"

"Edi ako na slow" sabay siko ko sa kanya, kung nag aaway kami hindi namin pinapatapos ang araw ay naging okay na uli at sa aming dalawa sya ang unang humingin nang sorry kahit kasalanan ko pa , ang bait nya no, ang swerte ko sa kanya kasi napakaunawain nya at mahaba ang pasinsya nya sa akin

Nasa tapat na kami nang pinto nang classroom namin , napahinto ako nang nakita ko si Jeyden sa inuupoan nya ,napansin naman ni Miguel

"Hindi ka papasok?" Tanong nya , kay Jeyden lang ako nakatingin napabuntong hininga ako

"Hindi ko alam"

"Tara na" inakbayan nya ako papasok at napatingin si Jeyden sa amin at bumalik din naman sa binabasa nya nang malapit na kami sa kanya ay binati ko sya nang Good morning pero wala akong natanggap na salita, walang gana akong umupo sa upuan ko

"Bakit di kapa nag aaral Lira?" Tanong ni unice

"Mag aaral na " ani ko at kinuha ang Note book na sinulatan ko nang mag aral kami ni Jeyden , sa note book ko nakatuon ang atensyon ko nang kalabitin ako ni Unice napatingin naman ako sa kanya

"Besh tignan mo oh" sabay nguso sa direksyon ni Jeyden , kata napatingin ako doon at nasaktan ako nakita ko , si Bea at Jeyden naguusap at ngumingiti si Jeyden habang kausap sya ,

"Besh okay ka lang?" Nag alalang tanong ni Unice

"Labas lang ako" mahinang ani ko at kinuha ang notebook at lumabas nang classroom

"Lira saan ka pupunta! Hintayin mo ako" rinig kung sigaw ni Miguel , kahit di ko sya hintayin alam ko namang makakahabol sya

"Nakita ko 'yon" ani nya

"Ang alin? Wala akong nakita eh " ani ko

"Sus"

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now