•{23}•

26 18 0
                                    

"Ikaw din ang gwapo mo" napansin kung namumula sya kaya napangiti ako oyy kinilig

"Tara na? " tumango naman ako ,

"Saan ba tayo pupunta?"

"Malalaman mo din 'yon pagnakarating na tayo doon" , sumakay kami nang bus

"Teka kumain ka na ba?" Tanong nya ,hindi agad Ko nakasagot

"H-hindi pa eh " nahihiyang ani ko

"Kain muna tayo "

Bumaba kami sa tapat nang isang Karinderya

"Okay lang ba sayo na dito kumain?"

"Oo naman, masarap na affordable pa !"

"Maghanap ka na lang nang mauupoan natin ako na bibili nang pagkain" nakangiting ani nya , nakahanap din naman ako kaagad dahil kaunti na ang tao rito dahil ala'una na , napatingin ako kay Jeyden na may dalang tray nilapag nya ito sa mesa , ako naman ang kumuha nang pagkain ,dalawang paris na pritong paa nang manok , dalawang mainit na sabaw ,kanin ,ketchup at coke, umupo sya sa harapan ko,

"Kainan na, salamat sa pagkain" masayang ani ko at sinimulang sumubo nang pagkain

"Dahan dahan lang baka mabulonan ka"

"Okay po" nakangiti ako habang nginunguya ang pagkain , kumain na din sya , kinuha ko ang manok at sinawsaw sa ketchup at kinagat ,

"Ang sarap" dinilaan ko ang bibig ko dahil may ketchup

"May ketchup pa" napatingin ako kay Jeyden nakita nya ba ang pagdila ko? Gosh!  Nakakahiya.

"Sa..." magtatanong pa sana ako kung saan banda nnag ilapit nya ang kamay sa gilid nang labi ko at pinunasan , I blushed >//< Jeyden naman maiihi na ako sa sobrang kilig

"Yan wala na " ani nya sabay kain ulit ,

"S-salamat" ani ko at kumain na din, naiilang ako pero pinilit kung alisin 'yon.

Natapos na kaming kumain at ngayon ay pupunta na kami sa distenasyon namin, sumakay uli kami sa bus ,medyo malayo daw ang pupuntahan namin

"Malayo pa ba?" Tanong ko kay Jeyden dahil 30 minutea na hindi pa din kami bumababa 1:30 na din nang hapon

"Malapit na "

Naghintay naman ako kating kati na akong lumabas

"Dito na tayo"

"Talaga!" Titingin na sana ako sa labas nnag hawakan nya ang Mukha ko nagtaka naman ako

"Close your eyes , hindi maganda ang view " nakangiting ani nya , aba may pa ganon pa sya ah dahil sa masunurin akong bata ay sinunud ko sya ,

"Dahan dahan lang sa pagbaba ha" sya ang nagsilbing mata ko , ilang step pa ang nilakad namin bago kami huminto

"Now you can open your eyes" dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko at napatulala ako sa nakikita ko is this real?

"T-totoo ba to?" Hindi makapaniwalang tanong  ko

"Oo, nagustohan mo ba?"

"No! because  I love it! Noon  sa TV ko lang ito nakikita pero ngayon kaharap ko na! " masayang napaikot ako sa tinatayuan ko ,

"Ngayon ka lang naka punta rito?" Hinding makapaniwalang tanong nya

"Yes! Ang ganda talaga namg Amusement Park! , sumakay tayo doon!" Turo ko sa kabayong umiikot , doon nag simula ang pagsasaya namin, hours past halos lahat nang rides ay nasakyan nanamin at ngayon ay gumagabe na at nakaupo kami sa isang bench malapit sa fountain

"Ang saya! Salamat sa pagdala sa akin rito Jeyden"

"Wala 'yon masaya di  ako dahil ako ang unang kasama mo  rito"

"Alam mo ba isa sa pangarap kung makapunta rito kasama ang buo kung pamilya " nahinga ako nang malalim

"Kahit hindi ko sila kasama, nandito pa din sila sa puso ko " nakangiting ani ko walang imik lang si Jeyde , tumingin ako sa kalangitan

"Pa, kuya nakita nyo ba ako? Nandito po ako sa amusement park! Natupad po ang isa sa pangarap ko"  masaya ako ngayon ,

" Ikaw Jeyden sino una mong kasamang nagpunta rito? Pamilya mo ba? Siguro ang saya nyo" nakangiting ani ko, hindi ko maiwasang mainggit , napatingin ako sa kanya nang hindi sya kumibo nakatingin sya sa malayo ,bigla syang tumayo

"Bibili lang akong nang pagkain," ani nya at umalis , biglang nag Vibrate ang phone ko nag text si Unice

From: Unice beshie

Kamusta ang date besh? Nag confess ka na ba? Anong sabi nya? Kwento mo sa akin pag nagkita tayo ha! Ingat!

Na alala ko bigla ang confession, gagawin ko ba? Na alala ko din yong tungkol sa napanaginipan ko , be positive Lira, magtatapat ba ako?
In the end ay napag pasyahan kung magtapat sa kanya , napatayo ako nang makita ko na sya may dala syang kwek kwek at jiuce

"Huminto ka dyan Jeyden!" Pigil ko sa kanya, huminto naman sya isang metros ang kayo namin

"Bakit?" Takang tanong nya , huminga ako nang malalim

"May sasabihin ako sayo" tumingin ako sa paligid wala na masyadong tao dahil gumagabe na

"Ano 'yon?" Ito na magtatapat na ako maging handa ka sa sagot nya Lira , ilang bises muna akong huminga nang malalim bago sabihin ang matagal ko nang gustong sabihin

"Jeyden! " tawag ko sa pangalan nya , naghihintay sya sa sasabihin ko

"Gusto kita Jeyden! Matagal na!" Kinakabahan ako sa isasagot nya kaya napayuko ako , hinihintay ko ang sagot nya pero wala akong narinig napa tingin ako sa kanya , at wala akong kahit anong emosyong nakita , nakaramdam ako bigla nang takot , takot na baka magkatotoo ang napanaginipan ko

"J-jeyden?" Tawag ko sa kanya, nag tagpo ang paningin namin

"I'm sorry " salitang dumurog sa puso ko ,

"A-anong ibig mong sabihin? H-hindi mo ba ako na gustohan? A-yaw mo ba sa akin? "Napatulo ang luha ko sa sinabi ko baka aayawin na nya ako dahil nagtapat ako

" Hindi sa ganon, I like you Lira but I can't like you  the way you like me " walang emosyong ani nya

"Bakit hindi! I really like you Jeyden!" Sigaw ko , nasasaktan ako

"Dahil..." nag alinlanganpa syang sabihin sa akin

"Dahil ano!"

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon