•{03}•

50 29 0
                                    

Umupo uli sya at nagsimulang magturo uli, wala talaga akong maintindihan bakit ba kasi ang hina nang utak ko pag dating sa math , nag sisimula na ding sumakit ang ulo ko kakaintindi nang mga sinasabi nya

"That's all for today , natapos na din natin ang isang lesson kaya bukas bibigyan kita nang problems at sagotin mo 'yon " ani nito at nagsimulang magligpit

"Ano? Test agad?  Wag na 'yan , discuss mo palang nga mahirap na eh"

" Paano ka matututo kung wala kang problems na makukuha , ma una na ako " ayssstt! Grabi naman to magpahirap! Pasalamat ka crush kita!  Niligpit ko na din ang gamit ko at umuwi

"Oh kumusta ang araw mo?"

"Ma masakit ang ulo ko " lumapit si mama sa akin

"Ha?  Wala ka namang lagnat"

"Ma hindi lang lagnat ang nagiging cause nang headache, matutulog na po ako ma " kahit mag gagabe palang , pagod na pagod ako

"Kumain ka muna "

"Wag na po, salamat " naglakad ako papasok nang kwarto , bago ako matulog ay nag half bath muna ako

Dreams I'm Coming!!!  Tumalon ako sa kama  mahigpit na niyakap ang unan at  pinikit ang mata , Hindi na ako makapag hintay na makapunta uli sa Dreamland , Goodnight!

Zzzzzzzzzz

Dreamland zzz

Sa pagkababa ko palang nang hagdan ay bati na agad nang mga kawaksi ang nakasalubong sa akin

"Binibining Lira , naghihintay na po sya sa labas " sabi nang butler ko sa akin , tumango lang ako at nagtungo sa labas may nakita akong lalaking nakatayo sa labas nang gate namin , likuran palang nito ay mabibihag ka na at familiar ang pigura nya

"Ginuo?" Tawag ko , humarap ito sa akin napangiti ako nang tama nang si Jeyden ito

"Binibining Lira " nakangiting ani nito sabay lahad nang kamay sa akin, kinuha ko naman ito at inalalayan nya ako papasok nang magarang sasakyan nya

" Saan tayo tutungo ngayon? "

"Mag aaliw tayo ngayon Binibini dahil ito ang unang araw nating dalawa bilang ganap na mag asawa " nakangiting ani nito , nang biglang umayog ang sasakyan namin

"Lira! Gumising na at kumain!"
Nagising ako dahil don , boses ni mama

"Ma naman! Maganda na 'yong panaginip ko! Hindi po ako kakain matutulog na po ako" at nagtalukbong ako nang unan

"Babangon ka o bubuhosan kita nang tubig " hindi ko sya pinakinggan , naramdaman kung umalis sya at parang may binuksan , napatingin naman ako doon lumabas sya nang banyo na may dalang tabo

"Babangon na po!" Napabangon ako at padabog na naglakad palabas nang kwarto ... kainis naman eh mag asawa na kami ni Jeyden eh panira talaga si mama , pero kyaaaaaa asawa ko na sya  sana sa totoong buhay ganon din ... umupo ako at nagsimulang kumain hindi na ako makapaghintay sa susunod na mangyayari

"Dahan dahan sa pagkain wala kang kaagaw sayo lahat 'yan " ani ni mama

"Ma tapos na po ako, hindi po ako gutom kaya kayo na po ang umubos , akyat na po ako " ngumiti ako bago tumakbo papasok nang kwarto at humiga agad at pinilit kung makatulog uli , pumikit ako at nag bilang nang tatlo

Isa, dalawa, tatlo! ,,, ahhh hindi ako makatulog , tumingin na lang ako sa kisame at ako na mismo ang magpapatuloy nang moment na 'yon napa hagikhik ako sa na isip ko na 'yon , pumikit ako at nagsimula na ang pag papantasya ko

~~~~~~~~~ (imagination ^^)

Magkahawak kamay kaming naglalakad sa park ngayon mahigpit ang pagkahawak nito sa akin na parang hindi nya gustong mawala ako sa kanya , maraming tao sa park na ito napatingin ako sa mga couples na naglalambingan sa gilid nang biglang bumitaw si Jeyden sa pagkahawak sa akin at hinawakan ako nito sa pisnge

"Binibini sa akin ka lang tumingin at wag sa iba , nakakatampo 'yan " sumimangot ito , napa hagikhik ako sa na isip kung ito kinilig naman ako

Tumango ako at bigla nya akong hinalikan sa pisnge  ko na ikinapula nito  kyaaahh Lira the best talaga

At hindi ko namalayang nakatulog na talaga ako

Zzzzzzz

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now