•{16}•

26 20 0
                                    

"Magkasama nanaman ang mag jowa" hindi ko napansing nakasunod si Paulo sa amin

"Hindi kami mag jowa!" Inirapan ko sya , nagtaka ako nang tumawa sila ni Miguel, parang may bago ah hindi kasi sila nag aaway

"Teka, bati na ba kayo?" Takang tanong ko , nagkatitigan muna sila

"Oo" sagot ni Miguel at ngumiti

"Talaga!!!" Masaya ako para sa kanilang dalawa

"Pero paano?"

"Dahil tinulongan nya ako noong nakaraan, alam mo na napagisipan namin na itigil na ang alitan at maging mag kaibigan" ani ni Paulo

"Masaya ako para sa inyong dalawa" masayang ani ko, nagulat ako nang akbayan ako ni Paulo

"Ops! Bawal 'yan!" Sabay alis ni Miguel sa kamay ni Paulo

"Sayo okay lang pero pag sa akin bawal?"

"Oo, tayo lang 'yong magkaibigan hindi kayo!" Ani ni Miguel sabay hila sa akin palayo kay paulo, napatawa naman ako sa dalawa para silang bata nag babangayan nanaman

"Tama na 'yan , magkaibigan na tayong tatlo ,okay ba? "Sabi ko habang nakangiti

"Oo naman! " masayang ani ni Paulo

"Makikipag kaibigan ka sa kanya Lira? Basagolero 'yan eh" tutul ni Miguel

"Nahiya naman ako sayo!"  Inirapan ni Paulo si Miguel

"Ano ka ba Migz, kaibigan mo kaibigan ko din tapos ganon ka din para the more the merrier, " ani ko nakita kong nginisian ni Paulo si Miguel

"Nangaasar ka?" Asar na tanong ni Miguel

"Sa tingin mo?" Nakita kung naiinis na si Miguel

"Tama na 'yan Paulo, asar na asar na si Miguel oh" natatawang sabi ko, sa paglalakad namin ay nakarating kami sa Garden nang school

"Maupo tayo doon"sabay turo ko sa ilalim nang puno sa gilid na parte nang garden, sumunod naman sila at umupo , umupo si Paulo sa tabi ko si Miguel naman sa tabi nya

"Teka nga Paulo bakit ka ba nandito? Bumalik ka nga sa classroom nyo at mag aaral" pagtataboy ni Miguel kay Paulo

"Mag aaral din ako"

"Saan libro mo?" Taas kilang na tanong ni Miguel,

"Wala, share na kang tayo" ani nya sabay ngiti  kay Miguel

"Ayaw ko" sagot ni Miguel

"Di wag , Kay Lira na lang pwede ba Lira? Please" ani nya

"Okay^_^" biglang tumayo si Miguel

"Usog!"  Sabay bato nang notes nya kay Paulo , natatawang napa usog si Paulo at umupo si Miguel sa tabi ko , kaya sya ang nasa pagitan namin ni Paulo

"Selos" May sinabi si Paulo kay Miguel na hindi ko masyadong narinig

"Tumahimik ka!" Bulyaw nya kay paulo ako naman ito nagtatakang nakatingin sa kanila

"Mag aaral pa ba tayo?" Tanong ko sa kanila

"Akin na, " sabay kuha ni Miguel nang Note book ko

"Ikaw mag aral ka na dyan" ani nito kay Paulo, natawa na lang si Paulo at nag simula na kaming mag aral

Hours Past

"Hindi ba kayo nagugutom? Ako kasi gutom na " tanong ko sa dalawa

"Gutom din " ani ni Paulo

"Paulo bumili ka don nang pagkain" utos nya kay Paulo

" Inuotosan mo ako?"

"Oo bakit angal ka? Baka nakakalimutan mo na dahil sayo pinagalitan ako ni mama" pangugunsinsya nya kay Paulo

"Oo na , " padabog na tumayo si Paulo at umalis

"May pera ba sya?" Tanong ko nanag amalalang wala kaming perang naibigay

"Oo maraming pera " sagot nya habang tahimik na nagbabasa

"Hindi ka ba napapagod kakabasa? Hindi sumasakit ulo mo? Ako kasi parang mabibiyak na " ani ko

"Paanong hindi sasakit ang ulo mo dahil Iba ang nasaisip mo "

"Hindi ko sya iniisip ha!" Depensa ko,

"Bakit may sinabi ba ako?" Sabay ngiti nang nakakaluko

"Ewan ko sayo, anong subject sunod mong pag aralan? " pag iiba ko nang topic

"Math " sagot nya

"Sa bahay na lang ako mag aaral nang Math ayaw kung ma stress ngayon" sagot ko at humiga sa damuhan at nakatingin sa kulay asul na langit , ang gandang pag masdan nakaka relax , nang biglang mukha ni Paulo ang nakita ko habang may hawak na tatlong C2 at tatlong Biscuit, napaupo ako nang iabut nya sa akin ang pagkain ,

"Thanks" nakangiting ani ko , umupo sya sa kanan ko sa kaliwa naman si Miguel

"Na saan 'yong akin?" Takang tanong ni Miguel , hindi nya pala binigay ang kay Miguel

"Bumili ka nang sayo" ani ni Paulo sabay irap kay Miguel , naawa  naman ako kay Miguel mukha kasing gutom , hinati ko sa dalawa ang biscuit ko

"Oh hati tayo" sabay abot ko sa kanya , kukunin na nya sana nang hinila ni Paulo ang kamay ko palayo

"Oh ito sayo!  Mangunguha ka pa nang hindi sayo " masungit na ani ni Paulo sabay bigay kay Miguel nang Isang C2 at isang Biscuit , malugod naman yong tinanggap ni Miguel

"Salamat ha" sarkastikong sagot nya, habang kumakain kami ay nag uusap naman kami ,nalaman ko din na 'yong bumugbug kay Paulo dati ay dati nyang grupo sa rambulan, binugbug nila si Paulo dahil umalis sya sa samahan , hindi matanggap nang boss nila kaya ayon . At nalaman ko din na nag simula ang away nila First day of school palang , aksidente kasing na bangga nang Motor ni Paulo si Miguel na nag ba bike lang at hindi daw sya tinulongan ni Paulo tumakas daw kaya ayon hindi ata matanggap nang ego nya na hindi sya tinulongan doon kaya sa tuwing nag kikita sila kumukulo dugo ni Miguel , at napag pasyahan naming bumalik na sa classroom

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin