•{26}•

23 17 0
                                    

"Bakit di mo pa sya tinanong Lira?"

"Hindi ko kaya , nawawalan ako nang lakas nang loob Miguel"

"Wag kang manghinaan nang loob Lira, dahil pag hindi mo sya tinanong hindi tatahimik ang isip mo dahil hindi nasagot ang tanong mo" tama sya

"Gagawain ko na ngayon"

"Nandito lang ako sa likuran mo" then he smiled at me , hinanap ko si mama nakita ko syang nakaupo sa supa habang nanunuod nang Tv umupo ako sa tabi nya si Miguel naman ay nasa kabilang sopa

"Ma, may itatanong ano sayo, gusto ko pong malaman ang totoo" kinakabahan ako at same time ay nasasaktan

"Ano 'yon Lira "

"Ma patay na ba talaga si Papa at kuya? "

"Ano namang klasing tanong 'yan Lira, "

"Sagotin nyo po ako ma"

"Oo patay na sila bakit mo pa ba binabalik yan" medyo napataas ang bosea ni mama , ramdam kung may tinatago sya sa akin

"Saan sila nilibing? "

"Tumigil ka na kakatanong Lira"

"Ma naman hindi po ako titigil hanggat hindi ko alam ang totoo!" Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko

"Ano ba ang gusto mong malaman! "

"Gusto ko lang malaman ang katotohanan  dahil ramdam kung may tinatago kayo sa akin "

"Patay na sila Lira matagal na! Kaya tumigil ka na!"

"Ma wag naman kayong magsinungaling, dahil nahihirapan ako ma, alam mo ba ang taong gusto ko ma ang taong matagal ko nang gusto nag tapat sa akin na Kapatid ko sya! Gusto kong paniwalaan ang sinasabi mong wala na sila ma *sob* p-pero ang h-hirap talaga dahil may pinakita syang litrato nating apat ma"

"A-anong s-sabi mo? W-wag ka ngang gumawa nang kwento lira! Hindi nakakatuwa!" Umiiyak na si mama

"Sa tingin mo gawagawa ko lang lahat ma? Hindi din po ako natutuwa, kung ayaw nyong maniwala Hanapin nyo Si Jeyden Gonzalez at tanongin mo sya mismo," sabi ko at tumakbo papasok nang kwarto

Bakit pa ba nya tinatago ang lahat, may karapatan din naman akong malaman yon diba, bakit nagkakaganito ang buhay ko! Napaka kumplikado ,  dumapa ako sa kama at doon umiyak , nanikip ang dibdib ko ,

"Lira?" Hindi ko pinansin si Miguel

"Lira wag ka sanang magalit sa mama mo, nabigla din sya  kanina sa sinabi mo"

"Umuwi ka na muna Miguel gusto kong mapag isa "

"Dito lang ako " ramdam kung umupo sya sa  tabi ko

"Umuwi ka na!" Sigaw ko sa sobrang galit, sari saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon

"Hindi ako uuwi" pagmamatigas nya , umupo ako at pilit na nilalayo sya sa akin

"Sabing a-alis na eh! *sob* M-mahirap *sob* ba sundin yon " sinuntok ko sya , pero ang ginawa nya ay niyakap nya ako nang mahigpit , kumalma ako sa yakap nya

"Gawin mo lahat nang gusto mong gawin, kahit saktan mo ako , sigawan at ipagtaboy hindi pa din ako aalis sa tabi mo lalo nang alam kong kailangan mo ako" napaiyak ako lalo, iyak lang ako nang iyak sa sobrang iyak ay nakaramdam ako nang antok.

Dreamland zzz

"Jeyden! "Tawag ko kay Jeyden na naghihintay sa labas nang bahay namin

"Tara na?" Nakangiti nya habang nagsasalita nilahad nya ang kamay nya sa akin, masaya ko namang inabut 'yon , at hawak kamay kaming naglakad ,

"Anong gusto mong unang gawin pagdating natin doon?" Pupunta kami ngayon nang  Mall

"Ahmm kakain?" Sabi ko at ngumiti nang malapad , ginulo nya ang buhok ko

"Ano ba, matagal ko itong inayos tapos gugulohin mo lang" at na  pa pout ,

~~~~~( another dream)

Dama ko ang mainit na palad ni Miguel na humahaplos sa pisnge ko , nakahiga ako sa kama at naka unan sa hita nya nakatitig lang ako sa maamo nitong mukha nang unti unting lumapit ang mukha nya sa akin , napapikit ako nang maramdaman ko ang init nang labi nito na dumampi sa aking noo,

"I love you Lira " nakangiti sya nang ibinigkas nya ang salitang ito

Reality xoxo

WAKE UP SLEEPY HEAD!
WAKE U...

Nakapikit pa din ako nang inoff ko ang alarm clock ,babangon na sana ako nang may mabigat na nakapatong sa akin, minulat ko ang mata ko kahit medyo masakit , at tinignan kung ano ito , ang braso ni Miguel  at na alala ko ang napanaginipan ko tungkol sa kanya nandiri ako bigla

"Ahhh!" Sigaw ko at sinipa sya kaya nahulog

"Aray!, bakit mo ako sinipa!" Inis na tumayo si Miguel

"B-bakit ka natulog sa tabi ko!"

"Ano naman ngayon? Hindi naman ito ang unang bises ha, makasipa ka sakin wagas, "ani nya at bumalik sa pagkahiga

"T-teka! U-umalis ka dyan! Kama ko ito!"

"Ikaw ang umalis kung ayaw mo akong makatabi , ina antok pa ako  kakabantay sayo ka gabe , Jeyden ka nang Jeyden tsk"  sabay talukbong nang kumot

"Anong pinagsasabi mo!"

"Kahit tulog si Jeyden pa din iniisip kaya ka nasaktan" ani nya , Sinasambit ko ba ang pangalan nya? Kahit tulog? Ayssst

"Ewan ko sayo, makababa na nga" bumaba ako nang kwarto at nakita ko si mama na matamlay na nagluluto nang almusal nang ma alala ko ang sagotan namin ka gabe , na konsinsya ako bigla,

"M-ma?" Tawag ko sa kanya, hindi sya tumingin  kaya lumapit ako sa kanya

"Ma sorry po sa inasal ko kagabe, nadala lang po ako sa emosyon ko" at doon humarap si mama sa akin na mugto ang mata ,umiyak ba sya buong gabe?

"P-patawad din anak dahil hindi ko nasabi ang totoo, maaring buhay sila dahil wala akong nakitang bangkay nang naaksidente sila "  napatahimik ako , hindi nagsinungaling si mama wala lang talaga syang alam

"Kaya ba hindi mo sinabi sa akin kung saan sila nilibing?"

"Oo dahil wala akong bangkay na nilibing "umiyak si mama ,napaiyak din ako niyakap ko sya

"Tahan na ma, ngayong alam na nating buhay sila mabubuo na ulit tayo diba?" Napabitaw ako nang yakap sa kanya at pinunasan ang mukha nyang basa

"H-hindi ko alam anak lalo nang hindi ko alam kung ano ang dahilan nila sa paglayo sa atin, wag mo sanang sisihin ang papa at kapatid mo sa oras na magkita kayo "

"Opo ma" ngumiti ako para hindi mag alala si mama

"Tungkol sa taong gusto mo"

"W-wala na 'yon ma , tanggap ko na, na hindi kami puwede sa isat isa dahil magkapatid kami" pinipigilan kung tumulo ang luha ko

"Sorry anak " hingi nya nang tawad

"Wag po kayong mag sorry wala namang may gusto sa nangyari "

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now