•{13}•

33 24 0
                                    

Dreamland zzz

"Pakarera tayo!" Sabi ko kay Paulo at Miguel

"Game!" Sagot ni Paulo ,( karera nang bike )

"Paunahan tayo sa kanto! Ang huli sya bibili nang pagkain!" Ani ko at na una na sa kanila

"Daya mo Lira!" Sigaw ni Miguel

"Hindi to daya! Tawag dito wais!" Sigaw ko , wala kaya akong pera pambili , nasa likuran ko na sila at naunahan ako ni Miguel

"Huli ka!" Sigaw nga at tumawa

"Kala mo ma uunahan mo ako!!!! Di ko hahayaang matalo mo ako Miguel Hernandez!" Sigaw ko at binilisan , naunahan ko sya

"Ble!" malapit na ako sa Kanto , and boom ako ang panalo

"Wahahahaha bili nyo ako pagkain bili nyo ako" masayang ani ko , bumili na sila

"Ito saluin mo" sinalo ko naman ang tinapay ,

"Salamat" nagsimula na akong kumain nang makita ko si Jeyden di kalayuan sa akin na nag ba bike napangiti ako kinuha ko ang mountain dew ni Miguel at ininum

"Hoy akin 'yan!"

"Bili ka na lang nang isa " ani ko at sumakay ako nang bike ko

"Teka saan ka pupunta?" Tanong ni paulo

"Basta, bye!" Ani ko at umalis na malayo na din si Jeyden sa akin kaya binilisan ko

Reality xoxo

WAKE UP SLEEPY HEAD!
WAKE UP SLEEPY HEAD!

Napabangon ako sa pagkahiga at inoff ang alarm clock , panira naman to eh kung di lang sana ako papagalitan ni mama matagal ko nang tinapon to bitin panaginip ko kaya dudugtungan ko ^^ , napatulala ako Back to dreamland

Nakita ko si Jeyden na huminto sa tapat nang isang bahay Bahay nya to
Nang mapatingin sya sa hinintuan ko , iikot na sana ako nang may sinabi sya

"Hindi ka papasok?" Nakangiting tanong nya, lumapit ako sa kanya

"Papasok!" Masayang ani ko , pumasok kami nang bahay nila ,pinakilala nya ako sa parents nya At akala nang parents nya girlfriend ako nang anak nila , tinanggap naman nila ako mabait ang mama at papa nya Hindi ko alam kung may kapatid ba sya

"Arf! Arf!" Napabalik ako sa reyalidad nang nagulat ako sa tahol nang aso , may aso ba kami? Wala naman ah , baka sa kapit bahay ,

Napatayo ako at may na apakan akong malambot kaya napatingin ako don kamay ni Miguel , hindi man lang sya nagising ang tindi ah , napatingin ako sa oras 7:00 na

"Migz, hoy migz umuwi ka na may pasok pa tayo" paggising ko sa kanya

"Hindi ako papasok ngayon" mahinang ani nya inaantok pa yata

"At bakit naman, bangon na!"

"Tinatamad ako , wag kag magulo lira ,inaantok pa ako"

"Hoy, hoy!" Tawag ko pero di na sumagut ,tulog na ata , ayaw nyang pumasok edi wag , inayos ko ang pagka kumot sa kanya at nag tungo sa closet ko at kinuha ang uniporme ko , natapos na din ako sa pag ayos , himbing pa din ang tulog ni Miguel , lumabas na ako nang kwarto at bumaba

"Good morning ma" bati ko kay mama

"Good morning din anak maupo ka na at mag almusal, saan si Miguel? Di ba sya papasok?" Umupo ako at nagsimulang kumain

"Hindi po, tinatamad daw "

"Bakit ba kasi nakikipag away ang batang 'yan"

"Sa lahi ata 'yan ma ganyan din kasi papa nya noong high school sila diba, tapos na po ako kumain ma , nga pala ma bago nyo po pauwiin si Miguel pakainin nyo ma ha , bye ma "

"Sige mag iingat ka anak ha, mag aral nang mabuti" kumaway ako kay mama bago lumabas , kinuha ko ang bike ko , sawa na kasi akong mag hintay nang bus

Nakarating na ako school , wala namang nangyari pumasok na ako nang classroom , unang tao na gusto kong makita ay walang iba kundi si Jeyden

"Good morning Jeyden^_^"

"Good morning den" awieeee naging malapit na kami ni Jeyden dahil sa Math lesson ^//^ at masaya ako dahil don

Nagsimula na ang klase namin

"One week bago ang Final Exam, kaya napag usapan namin nang mga guro na mag self study kayo sa loob nang isang linggo"sabi nang teacher namin, ang bilis naman final exam na tapos sa susunod wala nang pasok

"Kailan po mag sisimula?" Tanong nang kaklase ko

"Ngayon na, Na saan si Mr. Miguel Hernandez? "

"Absent po! "Sigaw ko napatingin naman sila sa akin , napa peace sign ako

"Paki sabi na lang sa kanya ang tungkol sa 1week self study Miss Bautista "

"Opo"

"That all for today see you in monday, at inaasahan kung makakuha kayo nang mataas na score every subject lalo ka na Miss. Bautista" ani nya at lumabas Oo na ako na walang alam Math lang naman problema ko eh -_-

Kaya ayon ang ilan sa amin ay nagtungo nang library ako namam ay nakaupo lang sa upuan ko , tahimik ngayon dahil walang unice at miguel na nang gugulo , hindi na nag uusap masyado ni unice dahil Busy sya sa pag aaral , sa labas lang ako nang bintana naka tingin

"Hindi ka ba mag aaral" biglang may kumausap sa akin napatingin naman ako sa kanya

"Jeyden, mamaya na " ani ko sabay tingin sa labas

"Tara sabay na tayo, " napa tingin ako sa Good idea!

"Sige sige, saan sa library?" Masiglang tanong ko, ginaganahan na ako mag aral kung sya kasama ko.

"Dito na lang, wala namang tao rito "ani nya

"Wala akong Libro"

"Meron ako" ani nya at nagtungo sa upuan nya Share ba kami nang libro? Omo! Kaya umupo din ako sa upuan sa harap nya

"Dito ka ma upo, mahirap mag share nang libro na magkaharap tayo" ani nya , kinilig naman si ako >//< umupo ako sa tabi nya , pinadikit ko ang upoan namin, kyahhh!

"Ano ang unang subject na pag aaralan mo?"

"Ahm science na lang huli na 'yong math " ani ko , binigay nya sa akin ang Science book at sabay kaming nag aaral,

"Mag take down notes ka " ani nya , sinunud ko naman sya

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon