•{28}•

25 14 0
                                    

Hindi ako lumabas buong araw sa aking kwarto gutom na nga ako pero ayaw kong lumabas, hindi naman ako hinahanap ni mama busy kasi sya kakaasikaso kay papa at ... Jeyden. Saan kaya ngayon si Miguel, ayssst puntahan ko kaya sa kanila , bumangon ako at nagligo , tapos na din akong mag ayos , dahan dahan kung binuksan ang pinto at bumaba , nakita ko sila mama sa sala nagtatawanan kasama na din si Jeyden , hindi ako gumawa nang ingay , tahimik akong naglakad papuntang pinto  napatingin ako sa kanila nabigla ako nang makitang nakatingin sa akin si Jeyden , nagkatitigan lang kami nang ilang segundo nang mapatingin si mama

"H-hi ma?"

"Saan ka pupunta anak? Samahan mo kami rito"

"Ah pupunta po ako sa bahay ni Miguel"

"Anong gagawin mo doon?" Napatingin ako bigla kay Jeyden, hindi ko maiwasang mapairap , pake nya?

"Ma, Pa alis na po ako" paalam ko bago lumabas

"Umuwi ka nang maaga!" Dinig kung sigaw ni mama

@Miguels' House

Nasa labas  na ako nang bahay nila Miguel, dinig ko dito sa labas ang malakas na tawa ni Miguel, kumatok ako sa pinto

"Sino 'yan? May inaasahan ba kayong bisita?" Dinig kong tanong ni Tita

"Wala naman ma" dinig kung boses ni Miguel, biglang bumukas ang pinto

"Hello po?" Bati ko kay tita

"Oh! Ikaw pala Lira, pasok ka"

"Si Lira ba ma?" May galak sa tuno ni Miguel, pagkapasok ko ay agad lumapit sa akin at niyakap ako nang limang taong kapatid nyang lalaki na si Justine

"Miss mo si ate baby?"

"Opo super miss, tsaka miss ka din po ni kuya (giggles )" ang cute nya

"Talaga na miss din ako ni kuya?" Sabay tingin kay Miguel na nagiiwas nang tingin

"Opo" siglang sabi ni justine

"Bakit ka pala naparito Lira? Miss mo na ako?" At ngumiti nang nakakalukp si Miguel, tumayo ako at lumapit sa kanya

"Oo miss na kita" sabi ko sa tunong nangaakit , hahahahaha priceless ang mukha nya , napaiwas sya nang tingin

"Joke lang hahahaha, bawal na ako rito ngayon? Tita si Miguel oh! "

"Ano nanaman yan Miguel!" Dinig kung sigaw ni tita

"Wala akong ginawa ma!" Napatawa ako hahaha nang nay humihila nang kamay ko napatingin ako kay Justine na may hawak na coloring book

"Ate, "

"Samahan kita mag color nyan?"

"Opo^-^"

"Tara " hila ko sya papunta nang sala nila , umupo ako sa gilid nya at pinalabas nya lahat nang crayons nya, at nag color kamong dalawa , figure nang mga Anime Ang kinukolayan namin

"Lira, akala ko ba nandito ka dahil miss mo ako? Bakit nandyan ka sa kapatid ko?" Nagulat ako bigla at napatawa sa turan nya

"Selos?"

"H-hindi ah! Asa ka naman "

"Ate kulayan nyo po ito" sabay turo nang ulo ni Poo, sinunod ko naman ang bata  nang biglang may humila patayo sa akin

"Oy anong ginagawa mo nagkukulay ako"  at hinila ako

"Kuya! " sigaw ni Justine

"Ako naman sa kanya kanina ka pa" sabi nya sa kapatid

WEIRD DREAMS {COMPLETED}Where stories live. Discover now