Simula

434 88 118
                                    



Simula


I'm wearing my bragais 8-inches heels habang rumarampa ng mala-Miss universe candidate sa harap nilang lima. Wala silang magagawa, sila na nga lang ang may alam na reyna ako ng karagatan, kaya magtiis sila sa ganda ko.


Ang nag iisang reyna ng karagatan at Ang reynang naka-boy cut pero maganda parin, Rans Abing, 18, Philippines!


"34, 36, 90 degrees and pak! 360!" I said habang nakaharap sa isang malaking salamin na naging dahilan para lumitaw lalo ang ganda ko.


I fixed my hair and I put my hands on my waist.


Ang ganda mo talaga, Self! Taob si Nadine Lustre sa ganda mo.


"Beks! Saan ka mag-aaral ng College?" Edrianne asked, tiningnan ko lang si bakla at Napangiwi ako nang makita ko siyang nilalantakan nanaman ang papaitan sa table. Inilayo ko sa kaniya ang mangkok at inirapan siya.

Siya ang nag-iisang bakla sa aming magkakaibigan, kasi ako, babae ako. Charot.

"Edri! Ano ba naman 'yang kinakain mong bakla ka!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para ngumuso siya. Nakatali pa siya ng pony at naka undercut, mukhang Shih Tzu. Shih Tzu na nakanguso, Kadiri talaga! Akala mo naman may kipay, parehas lang naman kaming may baton. Hmp!

Kain siya nang kain ng mga weird foods tapos magrereklamo kapag bumaho ang hininga! Kapag ako talaga napikon, isasaksak ko sa bibig niya ang bragais heels ko. Charot!

Edrianne is my bestfriend, including Alex, Andrea, Charlotte and Kristine. They are my close friends, kung mayroon mang nakakakilala sa'kin, sila 'yon. At kung mayroon mang may alam ng sikreto ko, well, sila rin 'yon.

Edrianne and I are both Gay, while Alex, Andrea, Charlotte and Kristine, sila lang ang may kipay. Pinagpala!

Umupo ako sa harap niya dahil maganda ako at wala silang magagawa. Mga Slapsoil.

"Ikaw where ka aawra?" I asked her habang nagreretouch ng make-up ko. Minsan lang ako makapag make-up ng mala-Bretman Rock kaya lulubusin ko na. Pag-uwi ko mamaya, mala-The rock naman ang peg ko.

"UP ako beks." Alex said, siya ang pinakamatalino sa'ming magkakaibigan kaya hindi na kami magtataka kung sa UP ang bagsak niya.

"Same!" Masayang sabi ni Edri at palihim paring kumakain ng papaitan. Bahala siya d'yan, hindi niya maa-achieve 'yung body ko. Jubis na si bakla ang takaw kasi.

"Ako din beks." Andrea said, siya naman ang ka-level din ni alex. Average nilang dalawa, laging parehas! Kakaloka akala mo sabay na nagrereview e'

"UST ako beks." Charlotte said, siya naman ang pinakakikay sa'ming tatlo. Ang kikay na naghahangad ng isang engineer sa UST. Napakataas ng confidence pero siyempre walang tatalo sa'kin.

"What did your Dad said ba? I will study kasi in La Salle." Kristine asked, siya naman ang pumapangalawa sa pagkakikay sa'min. Napaka-arte palibhasa anak mayaman, pero kahit maarte siya, napagtatiyagaan naman namin.

Yamanesa e!

Mukhang maganda sa UP, 'yon daw kasi ang bagsakan ng matatalino at magaganda, charot. Bagsakan ng matatalino at iskolar. Actually, may kaya naman kami para sa pag-aaral ko pero mas gusto ko parin na hindi humingi sa kanila ng malaking pera.

Maganda sa UP, maaliwalas at syempre, maraming gwapo!

"Ay bongga sa Up. Doon nalang din ako aawra." Sabi ko habang nag-iisip ng pwedeng gawing pakulo para makasungkit agad ng boys. Uh, yummy!

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now