25

51 23 9
                                    



Chapter 25

I didn't imagine myself finishing a gown in just 2 days but look at this masterpiece...

We finished a wedding gown in just 2 days without sleep and rest but the outcome was just so stunning. Parang ayaw ko na ngang ibenta dahil sa ganda nito, it looks expensive and just like what Elisha said, we'll name our price.

She wants us to finish it and when we finally did, she'll pay for what we've done.

The stock holders agreed to her proposal but of course, money will always involve.

I texted Elisha and Tony para kuhain na ang gown na ginawa namin, nagbilin na sa'kin ang mga stock holders ang amount ng pera. Mayaman naman si Elisha at alam kong kayang-kaya niya 'to.

Bumaba ako ng lounge area at ipinababa ang wedding gown na natapos namin, nakalagay ito sa puti at malaking box. Perfectly package with no damage, 'yong tatanggap lang may damage.

"Good morning, Ms. Elisha."

I casually greet and offered my hand but She just rolled her eyes, wow! Bitchesa!

Ganda ka d'yan?

"There's no good in my morning." She said habang nakakrus ang mga braso sa dibdib.

Luminga ako sa paligid, "Where's your fiancée?"

I asked dahilan para mas dumiin ang mga irap niya.

"Will you please shut up? Just give me my wedding gown."

Mataray niyang sabi habang nakalahad ang kamay, but instead na gown ang matanggap, I gave her the paper.

Nakalista doon ang amount na gusto naming makuha, hindi dahil oportunista kami. Kung hindi dahil kailangan naming bayaran ang overtime ng mga empleyadong nagbuhos ng lakas para sa gown na 'yan.

Idagdag mo narin ang mga stocks ng details na minadali namin kahit na 1 month pa dapat bago makuha, ang mga stock holder na nagtiyagang makipag-usap sa mga suppliers, at doon sa mga machines na nasira dahil sa pagmamadali.

Hindi biro magrush ng isang gown na bongga, mabuti sana kung pangit ang outcome but it's indeed a masterpiece.

"This is our price..."

Nanlaki ang mata niya, "300 million?! Excuse me, this is over price!"

Sigaw niya sabay bato ng papel sa'kin, hindi ko ito pinulot at matapang na humarap sa kaniya.

"You are excuse, Ms. Elisha. For your information, you made us rush this wedding gown but we managed to build it perfectly. In addition, You told me to name my price, so what's with that face?" I asked


"But--"

"No money, No wedding gown." Matigas kong sabi at handa nang tumalikod nang hawakan niya ang palapulsuhan ko, bumitaw siya na tila nandidiri at binuksan ang bag niya.

May kinuha siyang isang bagay at labag sa loob na nagsulat dito, iniabot niya ito sa'kin at bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan.

"That's 300 million, Where's my gown?" She asked, nginitian ko siya at sinenyasan ang mga empleyado na ibigay sa kaniya ang kahon ng gown.

Nahirapan siyang bitbitin ito kaya nagtawag ako ng guard para tulungan siya, may natitira pa kasing bait dito sa little heart ko.

Sagad ang irap sa'kin ni Elisha at tuluyan nang umalis, kalmado akong pumasok sa conference room at nang makapasok na ay iniabot ko sa kanila ang cheque. Sunod-sunod ang hiyawan ng mga stock holders at employees dahil sa malaking halagang naipasok sa Reya's.

Stuck In My Rainbow IdentityKde žijí příběhy. Začni objevovat