08

177 82 15
                                    



Chapter 08

I was not ready for anything, even to things like this. I was not ready to leave my family, kahit naman kasi hindi nila ako tinuturing na pamilya, they're still my home. And without them, my life was dull.

Dad is really an up tight man, what He said is what we should follow. But dictating my gender was below the belt, it ruined my personality. I want to be true to myself and I want to show to him that being a Gay was not disgusting.

I need to be independent para malaman niya ang mga pagkakamali niya, tatay ko parin siya. And I'm hoping kahit na katiting na konsensya ang kumurot sa puso niya.

Sawang-sawa na akong magtago, sawang-sawa na akong maging sunod-sunuran. Tama na siguro 'yon, atleast I did my part and I did not regret anything.

I'm currently listening to our Professor when someone knocked.

"Excuse to Mr. Abing, please proceed to business office." He announced, kahit ayoko, wala akong choice. Baka sigawan ako ng kalbong 'to, magkamukha pa naman sila ni Dad. Lumabas ako at hindi ko na naabutan si Kalbo, nasaan na 'yon?! Alien ka girl?!

Hinayaan ko nalang at dumiretso na ako sa business office, I entered and I saw a familiar back. Nakita ako ng staff at tinuro niya ako sa kausap niya, She faced me and She held my hands.

"Rans..." She whispered, Anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito, Mom?" I asked her, wala ako sa mood mapagalitan ngayon, baka masagot ko siya. Ayokong mangyari 'yon, malaki ang respeto ko kay Mommy at ayoko siyang bastusin.

"I'm sorry..." She whispered and I saw a tear fall from her eyes. Shutangina! Umiiyak nanaman si Mommy dahil sa katangahan namin ni Daddy. Nakakaloka talaga.

"It's okay, Mom..."

"I will talk to your Dad-" I cut her off

"No, Mom. Let him realize his mistakes.." Pagmamatigas ko, wala kasing mangyayari kung papagitna lang si Mommy. Walang marerealize si Daddy at magkaka away pa sila dahil sa'kin. Nakakastress naman magkaroon ng ganitong pamilya.

"Anak... I don't want you to be like this.."

"Ayoko din, Mommy! But He chose this, let him be." Hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa galit, Alam kong hindi gusto ni Mommy na maging ganito kami. Pero si Daddy kasi, wala siyang consideration at tila hindi niya pa ako anak kung itrato.

Mas pinahahalagahan niya pa 'yung reputasyon niya kaysa sa sarili kong kaligayahan. Nakakainis, gusto kong magtampo sa kaniya kaso baka suntukin lang ako dahil sa kaartehan ko. Shokot ko lang.

"I hope you'll forgive your Dad.." She said at mabilis niya akong niyakap, hinayaan ko lang siya dahil matagal-tagal din kaming magkakahiwalay. Kumalas na siya at kinalkal niya ang bag siya.

"Here's your card--" Hindi ko na siya hinayaang matapos at sumabat na ako.

"No, Mom. I have my savings, I can handle myself." I said, hindi ko kailangan ng pera ni Daddy. Baka isumbat niya pa sa'kin 'yan, shokot ko lang. At isa pa, hindi ko na rin naman siya sinusunod. Wala na akong karapatang magpasuporta sa kaniya.

"Mom, Go home, Keifer and Keizi are waiting for you." I said and smiled, mas kailangan siya ni Keifer at Keizi. Malaki na ako, I can handle myself. May savings pa naman ako at mayroon akong mga kaibigan na matatakbuhan pero syempre, hindi ako aasa sa kanila.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now