14

107 58 14
                                    



Chapter 14

"Bakla! This is it! Galingan mo! Naniniwala ako sa kakayahan ng sungay mo!" Sigaw ni Kyle habang pinapagpagan ang costume ko, I'm wearing a white long sleeve, black pants and black leather shoes. Ito ang costume ko for the first scene, kung saan isa akong paminta na nagpapanggap na lalaki sa karamihan.

"Yes mi, I can do it. Trust the beautiful one," Mayabang kong sabi at kinidatan siya

"Sino? Wala akong makita?"

"Tse!" Singhal ko sa kaniya, alam kong kaya ko 'to. Marami na akong napagdaanang ganito at hindi ko hahayaan na pumalya ako sa pagkakataong ito.

It's been a week since the incident happened, nag stay ako ng apat na araw sa school clinic dahil sa mga sugat at sakit na natamo ko. Sinabi nilang kailangan kong magstay para mamonitor nila ang lagay ng mga balat at buto ko.

Nakakatawa lang kasi maski anino ng pamilya ko, hindi ko nakita.

Hindi ako binisita nila Daddy at maski si Mommy, it's okay kung saan sila masaya. Bahala sila, si Keifer naman, hindi man lang humingi ng sorry o kahit man lang nagpakita ng pagmamahal. Wala e, ganoon talaga kapag hindi pamilya.

Sa loob ng apat na araw ko sa school clinic, silang apat at ang anim ang kasangga ko. Hindi nawawala sa tabi ko sina Edrianne at kahit chaka sila, nag-aalala sila sa'kin. Napansin ko rin sa loob ng apat na araw na pagpapahinga, hindi umaalis ang apat na gwapo sa tabi ko...

Para silang nagkukompitensya pagdating sa'kin...

At pagkatapos ng pag-amin ni Blake? Tumakbo ako sa banyo para huminga, shutangina! Hashtag never forget

At sa loob ng tatlong araw na pag-eensayo at pagpapalakas, laging nakaalalay sa'kin ang apat at si Kyle. Hindi nila ako iniiwan at binabantayan nila ang bawat kilos ko para masiguradong magiging maayos ang katawan ko.

And then now, the long wait is over.

Today is the Manila University showdown...

And I promise to do my best to win this competition.

"Are you okay?" Napalingon ako nang magsalita si Tony sa tabi ko, nasa gilid lang kami ng dance floor at isang minuto nalang at tatawagin na kami.

I sighed, "Kinakabahan lang ng kaunti pero kaya ko 'to." Buong tapang kong sagot.

Alam kong hindi ako ganoon kagaling sumayaw but I promise to give my very best to this competition.

Tinapik niya ang balikat ko at saka hinawakan sa magkabilang balikat, pakiramdam ko mayroong kuryenteng nagkonekta sa'ming dalawa at sobra akong naaapektuhan.

Shit! Super duper kabado na nga akembang tapos dadagdag pa 'to si Tony?! Argh! Pakiss nga-Charot

"Let's do it, okay?" Pangungumbinsi niya at mabilis naman akong tumango.

"Please welcome, Matthew all boys school, Matthew's dance group!" Sigaw ng emcee dahilan para kumabig ng pagkalakas lakas ang dibdib ko. Shutangina ito na!

"Go Rans, you can do it." Bulong Tony at bahagyang tinulak ako papasok ng dance floor. I ran in the middle of the dance floor and I started to sway my body, nagmimistulang lyrical dance ang concept ng sayaw na ito.

Sa pamamagitan ng galaw at ekspresyon, naikukuwento ko sa mga tao ang istorya nang hindi gumagamit ng salita. Sa una ay isa akong matigas na lalaking napapalibutan ng mga taong mapanghusga, ang iba ay tinatapunan ako ng mapanghusgang tingin at salita dahil sa pagiging malambot ko.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now