02

222 87 35
                                    



Chapter 02

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at mag-isa lang ako sa kwarto, gusto ko sana silang pagnasaan sa living room kaso shokot lang ako! Mukhang bad mood si Tony at madamay pa ang kabaklaan ko.

I'm holding my phone and I was just browsing at their instagram account. Wala pa akong nakikitang girlfriend o boyfriend na pinost nila online, sobrang private nila pagdating sa lovelife.

Kapag ako ang naging baby nila, walang private! Lahat reveal para bongga na!

"Tayler! Nick! Mag live na kayo! Hinihintay kayo sa Q and A. Tapos na kami ni Tony d'yan!" Umayos ako nang pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Blake, I think nasa cr siya sa tabi ng kwarto.

Kinuha ko ang earphones ko at isinalaksak 'to sa tainga ko, this is it pansit! Sagot ni Baby Tayler nalang naman ang hinihintay ko, alam ko naman nang taken si Nick. Hmp! Hindi ako hinintay!

Binuksan ko na ang dummy account ko and sakto naman na live na silang dalawa, They're currently sitting on the couch at abala sila sa pagsagot ng mga tanong.

I typed the same question and I just wait hanggang sa mabasa nila.

'Is there a chance that you'll fall in love with a Gay or bisexual?'

Tayler, kapag humindi ka dito, nanakawan kita ng brief. Mark my word!

"I have special someone." Mabilis na sagot ni Nick nang hindi sinasagot ang tanong, maloloka nanaman ang mga kabaklaan dahil sa sagot niya!

"Wala naman kasing pinipili ang pag-ibig 'di ba? Kaya sabihin na nating mayroon.." Tayler answered that made me bit my lower lips, Shit! This is what I want to hear! Sa tagal ko siyang gusto, alam ko naman na bisexual siya but people change, malay mo ngayon wala na siyang interes sa mga unicorn but look at him now!

He's bisexual for pete's sake!

".....lalo na kapag nalaman ko ang totoo." He continued and smiled, umalis na ako sa live dahil narinig ko naman na ang gusto kong marinig. I logged out my dummy account and I opened my real and main account, 'di mo kaya! May main account!

Binitawan ko ang cellphone ko and I reached my pillow.

Kagat labi akong tumili kasabay ng pagtakip ko sa mukha ko, Shit! Shit! Tayler's mine! Walang aagaw, mamalasin habang buhay!

Buong gabi akong nakatitig sa picture ni Tayler, gustuhin ko mang tawagan si Edrianne, hindi ko magawa. Baka marinig ako nila Tayler at sabihin nilang bakla ako, sinong bakla?

I yawned at hindi ko namalayaang nakatulog ako.

-

I woke up nang may marinig akong sumigaw. Napaka-aga pa! Nakakasira naman ng body clock 'tong mga asawa kong 'to!

"Mga ungas, nakita niyo ba 'yung Calvin Klein kong brief?" Mabilis na nanlaki ang mata ko pero mabilis ko rin itong tinago, umupo ako sa kama and I check the time. Masyado pang maaga para manakit.

"White 'yon!" Sigaw ni Tayler habang kinakalkal ang cabinet niya, mayroon ng mga nakakakalat sa sahig na mga brief at kating kati na ang kamay kong magnakaw ng isa. Goodness!

Isa lang ang pumapasok sa mabulaklak kong utak ngayon...

May naka-una sa'kin! May gumawa ng plano ko!

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now