17

99 35 19
                                    



Chapter 17

"Where's Mom?!"

Galit kong bungad sa kanila nang makarating ako sa hospital. Nang sabihin ni Keizi na nabaril si Mom, umalis na kaagad ako sa school at dumiretso sa hospital.

Naabutan ko si Kiefer na natukod ang siko sa tuhod at tila problemadong nakahawak sa ulo. Habang si Keizi naman ay naka-upo sa labas ng emergency room at patuloy na umiiyak.

"Kiefer--"

Hindi natuloy ang sasabihin ko nang salubungin niya ako ng suntok.

"This is all your fucking fault! Because of you, Dad and Mom fought and He shot Mom on her chest! It's because of you, if you just set aside your pride and followed dad, this won't happen!"

Galit na sabi ni Kiefer dahilan para mapatiim ang bagang ko, anong sabi niya?

"Kiefer! Anong sabi mo? Binaril ni Dad si Mom?!"

"Because they fought, because of you stupid Gay!" Sigaw niya, tila huminto ang mundo ko sa narinig at kusa nang tumulo ang mga luha ko, "If something bad happened to Mom, I don't know if I can still look at your face."

Galit niyang sabi habang dinuduro ang mukha ko, tinalikuran niya ako at pumwesto sa malayo.

Wala akong pakialam sa mga pananakot ni Kiefer, ang iniisip ko ngayon, si Mom. I don't think She deserve to experienced this, napaka walang kwentang asawa at tatay.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Keizi na patuloy ang iyak at kinuha ang panyo ko sa bulsa, inialok ko 'to sa kaniya.

"Keizi..." I said and I attempt to touch her, pero umusog siya at tila nandidiri sa'kin.

"Don't touch me..." She whispered at mugto parin ang matang nakatingin sa pintuan ng emergency room.

Kusang nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa tabi niya, itinukod ko ang siko sa tuhod ko at nagsimulang magdasal.

Alam kong hindi ako perpektong tao, alam ko ding masyado akong makasalanan para pakinggan. Pero ang Mommy, She doesn't deserve this, my Mom was a kind person and I think She deserve a second life. Please give it to her, She's my strength, She's my peace at She's the only person in my family who accepts me for who I am. Please, please let her live longer....

---

Inabot ng isang oras bago natapos ang operasyon at iniluwa ng pintuan ang doktor. Mabilis akong tumayo at hinarap siya, ganoon din ang ginawa ni Kiefer at Keizi na nasa tabi ko.

"Doc..." Panimula ko

"I'm sorry..." Malungkot niyang sabi at binigyan kami ng dismayadong iling, nagsimula na akong kabahan pero hindi, malakas si Mommy.

Hindi bala ang magpapabagsak sa kaniya, hindi.

"We found three bullents in her heart, we successfully removed it but it was too damaged that caused it not to function." Nahihirapang sabi ng doktor, "I'm sorry, we did everything we can but her heart gave up. I'm really sorry..."

Kusang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at napasandal nalang ako sa pader sa sobrang sakit.

Ang sakit, bakit kailangang siya pa? Bakit niya ako iniwan?

"D-Doc... you must be mistaken, Mrs. Reya Abing is my Mom, She's okay right? She's fine, She's doing great right?" Nahihirapang tanong ni Keizi sa gitna ng mga hikbi niya, hinawakan ko siya sa magkabilang braso at pinigilan sa pagtatanong sa doktor.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now