06

173 85 23
                                    



Chapter 06

I don't know what's happening but all I can see right now ay 'yung matutulis na tinginan nilang dalawa. Goodness, gracious! Ayaw ko ng ganitong eksena, mas gusto ko pang mag maganda sa kanto kaysa sa pag-aaway ng magkakaibigan.

Pinutol ni Blake ang tingin niya at lumapit sa'kin.

"Rans, Maiwan ko muna kayo." He said at bahagyang tinapik ang balikat ko, I nodded at hinayaan ko na siyang mawala sa paningin ko bago ko hinarap si Tayler.

Bakas sa mukha niya ang galit pero mas naiinis ako sa kaniya, ano bang problema niya? Magpapaturo lang naman ako ng basketball kay Blake para hindi ako suntukan ulit ng Tatay kong kalbo tapos napaka-OA nitong lalaking 'to. Hindi ko naman jowabels.

"Anong problema mo?" I asked him pero nginisihan niya lang ako bago sumagot.

"Ikaw, Anong problema sa'yo? Nawala lang ako saglit, kasama mo na kaibigan ko?" He said dahilan para tumawa ako ng bahagya, Anong sinabi niya? Nababaliw na ba siya?

"Excuse me? Kamusta naman sa'yong may girlfriend?"

"Si Sunshine ba? Hindi ko naman na siya girlfriend, Ano bang sinasabi mo d'yan?!" He asked at bahagyang napasabunot sa buhok niya, hindi ko alam kung nakalimutan na ba niya ang nangyari kanina o sadyang tanga siya? Bakla ako pero may nararamdaman din ako.

Pagkatapos niya akong halikan may haharap sa'king babae at nagpapakilalang girlfriend niya? Kung hindi naman niya 'yun girlfriend kayang kaya niya 'yong paalisin sa harap ko! Goodness!

Kung iniisip niya na ang bakla ay happy go lucky lang, well no. Tao din ako, nakakaramdam din ako ng selos.

"Hoy Tayler! Nasisiraan ka na ba? Parang noong nakaraan lang umamin ka sa'kin na gusto mo ako! Pagkatapos haharap ka sa'kin at may magpapakilala na girlfriend mo? Sana ayos ka lang." Sarkastiko kong sabi sa kaniya

"Babae lang 'yon--" I cut him off

"Babae lang? Sabagay, bakla kasi ako." I chuckled and continue.

"Substitute lang ako, ganoon ba?"

"Rans-" I cut him again

"Kung hindi mo naman ako gusto, Ayos lang naman. Ayokong maging isa sa choices mo, Tayler. Tantanan mo ako." I said at nagtungo na sa mga gamit ko. Gusto ko siya but I won't settle for less, I won't settle to things na pangalawa lang.

I deserve better.

"Rans! Gusto kita, maniwala ka naman!" I turned my body and I faced him.

"Gusto mo ako? Pero sino siya? Ano ba tayo?" I asked dahilan para yumuko siya, I knew it. Ito 'yung mahirap kapag bakla ka, Ikinakahiya at hindi ipinagmamalaki.

Nakasanayan.

"Kaibigan..." He said that made me chuckled, Iniwan mo siya sa loob at tuluyan nang lumabas ng court. I don't want to talk to him, I just want to freshen up. Pagkatapos ko kay Daddy, isang Tayler naman ang magpapainit ng ulo ko?

Nakakaloka.

Kahit na gustong gusto ko siya, hindi ako papatol sa kaniya para lang maging second choice o substitute kapag wala 'yung mahal niya.

A Gay like me deserves better and I think He can't give it to me.

Lumabas ako ng basketball court at naabutan ko si Blake na nakasandal sa sasakyan ko, dinala ko 'to kanina habang papunta ako dito. Ayaw kong magcommute, nakakapangit.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now