04

170 86 10
                                    



Chapter 04


It's been 2 weeks simula nang malaman nila ang tungkol sa kabaklaan ko. Mahirap kasi ramdam na ramdam ko parin nag tinginan nila, mabuti nalang at nandiyan parati si Tayler para pagaanin ang loob ko.

In 2 weeks na kasama ko si Tayler, I can say na tanggap niya talaga niya and who knows? Gusto niya talaga ako, Sa ganda kong 'to hindi pa ba? Charot.

Si Blake rin alam kong tanggap na ako. Ang iintindihin ko nalang si Tony at Nick, at kapag natanggap na nila ako, chuchugan na! Charot.

I went out to our room kasi Tom Jones na ang lola niyo, naabutan ko si Tayler na nag-aayos ng dining table. Awtomatiko akong napangiti sa presensya niya, ang yummy yummy pa ng itsura. He's topless but He's wearing an apron, I can see his broad shoulders and his.... Uh...

Likod palang, ulam na!

Gusto ko tuloy pumunta ng Mang Inasal para sumigaw, Rice please!

"Good morning pretty!" Bati niya na mayroong ngiti sa mukha, ginantihan ko siya ng ngiti at irap. Duh? Crush ko siya pero no no no, dalagang Pilipina 'to 'no!

"Ang aga aga badtrip ang reyna namin.." Tayler mumbled dahilan para mabulunan si Blake, Shuta naman kasi 'tong si Baby Tayler e! Sabi ko kapag nandiyan sila 'wag akong landiin. Enebe!

"You're annoying, Tayler." Masungit na saad ni Tony, kahit kailan talaga napaka-sungit nitong lalaking 'to. Kung hindi lang siguro ako gusto ni Tayler, puso niya ang papalambutin ko. Shuta, charot!

"Single ka kasi," Pang-aasar ni Tayler dahilan para umirap si Tony. Aso't pusa tapos ako 'yung pagkain na pinag-aawayan nila, ganda ko 'no?

Sana ikaw din.

"Tsk."

"Eat your breakfast." Napatingin ako nang magsalita si Nick, bago 'to ah! Ano? Lumambot na din puso niya sa'kin-Charot may jowa na!

He smiled and I smiled back, Napakagwapo talaga ng mga 'to! Thankful ako na ipinasok ako ni Daddy sa Matthew, If it's not because of his greed, malamang hindi ko kasama sila Tayler ngayon.

Mabuti nalang talaga at selfish 'tong tatay ko, may sense din pala.

"Oo nga, Rans. Ang payat mo na e." Singit naman ni Blake, nginitian ko lang siya at umupo na sa trono. Sa trono ng mga magaganda.

"Hoy! Nandito ako sa harap niyo, mawalang galang na." Padabog na inilapag ni Tayler ang plato niya sa hapag kainan, My lips parted because of his actions. Goodness! Napakaganda ko naman para pag-awayan ng tatlong hunks!

Kulang naman si Tony and vioula! Abot na ang haba ng hair ko sa EDSA, baka ako pa ang mag cause ng traffic.

"History really repeat itself..." Pailing-iling na sabi ni Tony dahilan para manahimik silang tatlo.

Ano bang mayroon sa sinasabi ni Tony? Lagi nalang siyang ganiyan, History repeat itself?

Nakasama ko ba sila sa huling katauhan ko? OMG!

-

After the breakfast naghanda na kami para pumasok sa University, Mahirap parin kumilos sa loob kasi lalaki parin dapat ako. Sila Tayler alam na nila but the whole campus, hindi at kung malaman man nila, wala na akong pakialam.

Bahala sila diyan basta ako maganda.

"Good morning, everyone." The Professor greet us and we greet him in chorus. Umayos ako ng pagkakaupo at tinuon ang sarili sa harapan, ramdam na ramdam ko parin ang tingin ni Tayler. Shuta naman! Patay na patay lang sa'kin? Gusto mong mahalikan? Charot, tama na ang landi landi ko na!

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now