27

50 20 10
                                    



Chapter 27

Natapos ang kasiyahan at maggagabi na, napagdesisyunan ni Blake, Nick at Tayler na umalis na dahil mahigpit na ang pamamalakad sa Matthew.

Nagpresinta akong ihatid sila sa gate at hinayaan naman nila ako, sinamahan ko lang silang maglakad at nang makarating doon ay isang Van ang sumalubong sa kanila.

"Rans, Salamat kasi pinasaya niyo kami..."

"Ano ka ba, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo kasi sinurpresa niyo ako." Depensa ko

Totoo naman, sila ang dahilan kung bakit mas gumanda ang araw ko. Mas pinasaya nila ang walang buhay kong mundo at dahil sa kanila, alam kong tanggap na ako ni Kiefer.

At walang makakapantay ng kasiyahan kong 'yon.

"Rans, may nahuling regalo..." Bulong ni Tayler at may iniabot sa'king isang paper bag, it's a white paper bag at mayroong naka-sulat dito.

Pangalan ko...

"Sino--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hindi ko na makita maski anino nila, luminga ako sa paligid pero wala talaga. Nakakaloka.

Tahimik akong pumasok sa loob at bahagyang umupo sa kama, Natigilan ako nang may maalala akong natanggap ko kahapon. I reached the box on my side table and I looked at it.

Hinimas ko ito at itinabi sa paper bag na natanggap ko, I opened it and I look what's inside.

It's a white hoodie, I was expecting some design and details in it pero wala akong nakita.

Bongga! Ang prettygalur naman nito! Magkano kaya 'to? Tapos ang soft pa sa balat ng telang ginamit.

I was about to wear it nang may mapansin ako.

Mayroong nakasulat sa puting laylayan ng hoodie, I was expecting to see the size pero ibang sukatan ang nakita ko.


When you wear this, I'll always be with you.

A warm hug made out of cloth.

I love you.


Sukatan ng pagmamahal?

Napakunot ang noo ko kasabay ng pagngiti ko, A warm hug made out of cloth?

Shutamels! Sino ka bang punyatera ka--

Sandali, si Tayler nag-abot sa'kin? Sabi niya mayroong nagpapabigay...

Uh! Punyeta.

---

Dumaan ang ilang araw at ito ang araw na kinatatakutan ko...

Today is Elisha and Tony's wedding, hindi ko alam kung pupunta ba ako o ano.

I'm looking at the invitation card and my phone, I don't know kung tatawag ba ako na hindi ako pupunta o pupunta ako?

Wala naman talaga akong balak pumunta dahil sasaktan ko lang ang sarili ko, pero sayang opportunities.

Sinabi kasi ni Elisha na gusto niya akong ipakilala as a designer ng wedding gown niya. It's a great opportunity para makilala ng lahat, pero paano naman 'yong puso ko?

Paano naman 'yong nararamdaman ko?

Masasaktan akong makita siyang ikakasal sa iba, masakit na makitang may iba siyang mahal at hindi ako 'yon. Ayokong makita ang sarili kong umiiyak sa kasal ng taong mahal ko, hindi ayoko pa.

Stuck In My Rainbow IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon