09

161 81 15
                                    


Chapter 09

Nagising ako nang may tumama sa maganda kong mukha na sinag ng araw, I slowly opened my pretty eyes and I saw my boyfriends topless! Ugh! This is the kind of morning that I wanted!

"Rans, I'm sorry about what happened last night.." Napalingon ako nang magsalita si Nick sa tabi ko, magkatabi kami ng kama at kasalukuyan s'yang nagsusuot ng sapatos.

Naupo ako sa dulo ng kama at magandang humarap kay Nick, s'yempre tiningnan ko muna kung may panis na laway ako. Baka na turn-off ang mga bakla sa'kin! Shokot ko lang talaga!

"Ano ba kasing meron?" Tanong ko sa kaniya, He's about to speak nang biglang sumulpot si Tony na walang suot kung hindi-boxer!

Si Nick naka-pants na pero siya, O to the M to the G! Super yummy! Nasaan na ba ang cheese? Nandito na kasi ang pandesal sa harap ko e!

"These-" Naputol ang sasabihin ni Tony nang matigas na nagsalita si Nick.

"Misunderstanding," What the freak?! Anong trip nila? Dugtungan? Fill in the blank?!

Taka parin akong nakatingin sa dalawa na tila nagsusuntukan ng tingin, siguro kung totoo 'to may duguan na sa kanila. Nakakashokot 'yung mga mata!

Ganda ko talaga! Nag-aaway sila kung sino ang kakausap sa'kin, I want to flip my long hair!

"Bumaba na kayo, naghanda na ako ng breakfast." Natigilan kami nang sumulpot si Tayler sa pintuan with his apron and nothing more! Ugh! Yummy!--break na pala kami niyan.

He cheated on me.

Aalis na sana siya pero bigla siyang nagsalita, He looked at me and Tony at mabilis na dinuro.

"Rans, Tony...May practice tayo." Paalala niya at mabilis lang akong tumango.

This will be a long day for me and my kabaklaan!

Naglakad ako papalapit sa cabinet ko at kumuha ng bonggang-bonggang dance outfit for today. Wala kaming class kasi this day is for clubs day, puro activities and practice for the upcoming events.

I took a shower at mabilis na nagbihis, I looked at my self in the mirror and vioula! Ganda ko talaga, long hair nalang kulang. I'm wearing my plain v-neck tshirt partnered with a black jogger pants and my white chuncky shoes.

Nang matapos na ako sa anek-anek ko ay bumaba na ako sa dining at naabutan ko silang patapos ng kumain.

Hindi nila ako tinapunan ng tingin at tila ba umiiwas?

Nagkibit balikat nalang ako at kumain ng maraming hotdog! Nang matapos ay hindi ko na sila hinintay at naglakad na papunta ng building, I reached the building at pumasok na ako sa elevator.

Nakarating ako sa dance room at wala pang masyadong tao, nilapag ko ang mga gamit ko at tahimik na nagstretching. Mukha kasing mapapasabak ako sa sampalan kay Kyle, mukhang warla kami later.

"Bakit wala ka kahapon?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses niya at nakita ko siyang nakasimangot at mukhang handang manampal.

Speaking of...

"Nakalimutan ko, sobrang lutang ako..." Pagdadahilan ko, totoo naman kasi. Sobrang lutang ko at nakalimutan ko na kailangan ko palang pumunta dito sa baklang 'to.

"Nakakalurki ka, 'wag mo na ulitin 'yon. Hihilain ko 'yang junior mo!" He shouted, sinenyasan ko siyang 'wag masyadong sumigaw dahil nagsisipasukan na ang mga dancers.

Stuck In My Rainbow Identityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن