30

58 19 21
                                    



Chapter 30

"Hi,"

He greet me as He reached my hands, kasalukuyan kaming nasa tapat ng Reya's at talaga sinadya niya ako dito. Mabuti nalang at uwian niya ako pinuntahan dahil kung hindi, masasampal ko siya.

Ayoko ng lalaking nagcu-cut ng classes, major turn off!

"Hello, how's school?" I asked him

"It's good but I think it would be better if you're still there." He said kasabay ng paghaplos ng mga kamay ko.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya dahil sa ngayon ganiyan palang ang puwede naming gawin. Hindi pa puwede maging clingy sa Reya's dahil mahirap na, pero what ever!

Ipagmamalaki ko ang gwapo kong boyfriend!

Shuta! Ang sarap naman no'n sa ears!

"You want to eat dinner?"

Napahinto ako sa sinabi niya, Tom Jones na ako pero naalala ko ang sinabi ni Diana.

Maybe I can spare some time para kamustahin si Dad?

I looked at him, "Puwede mo ba akong samahan bisitahin si Daddy?"

He nodded, "Sure, I'll drive." He smiled at iginaya ako papasok ng sasakyan niya, ni-lock ko muna ang sasakyan ko for safety at sumakay na sa sasakyan na dala ni Tony.

Naalala kong Yamanesa pala 'tong boyfriend ko, Hihihihi.

Hindi naging matagal ang byahe namin at nakarating na kami sa lugar kung saan nakakulong si Daddy.

Huminga ako ng malalim at kinausap ang pulis na incharge sa information table, hindi na sila nagtanong ng marami dahil kilala na nila ako at sinamahan papunta sa visiting area.

Hindi sumama sa'kin si Tony sa loob at hinayaan akong pumasok mag-isa, siguro hindi pa siya handang makaharap si Daddy.

It's okay, naiintindihan ko naman.

I sat on the green monobloc at kagat labing naghintay, hindi nagtagal ay nakarinig ako ng mga yapak at tuluyang nakita si Daddy.

He's wearing his orange detainee uniform, mayroong posas sa kamay, mayroon din siyang maitim na marka sa ilalim ng mga mata at mukhang pagod na pagod na.

"Rans Keith..." He whispered

Sinenyasan ko siyang umupo sa tapat ko at sumunod naman siya, ipinatong niya ang kamay niya sa lamesa at tumingin sa'kin.

Napalunok ako dahil sa mga tingin niya, hindi ako sanay na ganito siya makatingin.

Sanay akong puro pandidiri at galit ang itsura niya tuwing nakabaling sa'kin pero ngayon, ibang-iba.

May halong lungkot, pananabik at pagmamakaawa ang mga mata niya.

I gulped, "How are you?"

"I'm good," Kumbinsi niyang sagot at kahit hindi naniniwala ay tumango ako, sinuri ko ang itsura niya at agad kong nahagip ang pasa sa bandang leeg pababa sa collarbone niya.

I looked at him and I point his neck, "Bakit ka may pasa?"

Mabilis niya itong tinakpan at kahit hirap ay inayos niya ang damit niya, tiningnan niya at mabilis na binigyan ng ngiti.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now