01

282 88 54
                                    



Chapter 01


"Okay ka lang, Pare?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Blake, tinanguan ko lang siya at naglakad na papalapit sa kama ko.

Katulad nga ng sabi nila, iisang kwarto lang kami pero kaniya-kaniyang kama. Dalawa lang ang rest room house kaya mahihirapan kami tuwing pasukan.

And for freaking sake! Mahihirapan akong kumilos kasama nila!

Imagine, noong nakaraang araw lang pinapantasya ko ang kagwapuhan nila and then now, titira ako kasama nila?

Oh, come on! Paano ako magtatago? Pero keri lang, atleast uh, yummy roommates!

Narinig kong sumarado ang pinto hudyat na lumabas na si Blake. I closed my eyes and I pursed my lips habang pinipigilan ang kilig ko, pero hindi ko na kaya!

Buhay na buhay ang dugo ng pagkabakla ko!

Tumili ako ng pagkalakas lakas at isinalaksak ang mukha sa unan.

Oh my Goodness! I'm living with my four boyfriends! Uh, pwede na yata akong mamatay! Charot, sayang pretty.

Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis ko silang tinawagan sa group chat sa facetime at mabilis naman silang sumagot kaya iinggitin ko na sila!

"Anong problema mong paminta ka?" Pagbati ni Charlotte dahilan para umikot ang magaganda kong mata. Akala mo naman napakaganda!

"Ano ba kasi 'yon beks?" Sabat naman ni Edrianne, ang sasama talaga ng ugali. Manang mana sa'kin!

"Yeah right! It's gabi na kaya and I have beauty tulog pa!" Sabi naman ni Kristine, e kung sampalin kaya kita? Para maka-beauty tulog kang conyo ka?

Ayokong mastress, sayang ganda ko!

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, hindi mo matago 'yung saya at kilig ko! Shit, makikita ko silang topless araw araw! Uh, yummy!

"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko..." panimula ko habang kinakagat ang labi ko, hindi ko na kaya! Kailangan ko nang ikwento sa kanila, sobrang hindi ako makapaniwala!

"Hindi naman pala maniniwala, bakit pa kami makikinig sayo?" Sabay ni charlotte, inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. Kahit kailan talaga, kontrabida ng taon!

"Manahimik ka nga! Ang baho ng hininga mo!" Pang aasar ko sa kaniya, inamoy niya ang hininga niya at napangiwi naman siya sa baho. See? Kikay kikay, hindi naman marunong magtoothbrush.

"Dalian mo na beks, tawag na ako ni Mommy!" Pangungulit ni Andrea, may rule kasi kami sa barkada na wala dapat ma-left behind sa chika. Well, that's how girls talked.

Huminga muna ako ng malalaman at saka nagsimula.

"Kasama ko sa iisang bahay si Blake, Nick, Tony and Baby Tayler ko!" I shouted out of excitement.

"Ano?!" Sabay na sabay nilang tanong, bakas sa mga chaka nilang mukha na nagulat sila sa sinabi ko. Well, that's my goal, inggitin sila!

"Sa Matthew din sila mag-aaral at nasa iisa kaming deluxe house!" Pasigaw kong sabi pero mukhang hindi naniniwala ang mga bakla, sabi ko na nga ba!

"Wait, beks naka-drugs ka ba?!" Andrea asked, inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagmamaganda.

"Seryoso mi! Maski ako hindi makapaniwala!" Pangungumbinsi ko sa kanila, Napaawang ang labi nila at sabay sabay kaming tumili.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now