19

76 33 12
                                    



Chapter 19

"Keizi, eat your breakfast before you go." I said nang makababa ako sa living room, naabutan ko siyang nasa dining pero busy sa kakapindot sa phone niya. Dumiretso ako sa refrigerator para kumuha ng gatas at naupo na sa tapat niya.

After our conversation with Dad, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mukhang mabubulok siya sa kulungan na reputasyon parin ang iniintindi, kailan ba siya magigising? I'm so tired of explaining!

"Yes sissy, keri ko ito." Sagot ni Keizi dahilan para kumunot ang noo ko, She said what?! Hindi nga siya marunong magtagalog and then now, She's saying keri ko 'to?! With her maarteng accent?!

"Where did you learn those words?" I asked her but She just shrugged.

"Sa maganda mong kaibigan!" Halos mabitawan ko ang hawak kong gatas sa gulat, I held my chest and I slowly opened my eyes.

"Edrianne! Kyle!" Sigaw ko nang makita siya, kasama niya ni Kyle na ngayon ay naka-boy cut narin! Taray ni bakla! Pare-parehas na kaming reynang naka-boy cut pero siyempre, ako ang pinaka maganda!

"Anong ginagawa niyo dito?" I asked them habang nakaakbay parin sa kanilang dalawa.

"Aayain ka sana naming manood ng sinegalur, hihintayin ka nalang sana namin sa labas ng balur pero mabuti nalang at pinapasok kami nito ni Little sister!" Nakangiting sabi ni Kyle at mabilis naman siyang sinuklian ng thumbs up ni Keizi, mukhang tanggap na talaga ako ni Keizi ng buong-buo.

Ang saya...

Pero hindi pa ako puwedeng magsaya, sinabi ni Attorney na ngayon ko puntahan ang bahay na binili ni Mommy. Pati narin ang main branch ng business niya sa Makati, mukhang busy ako today...

"Sorry mga bakla, may kailangan akong asikasuhin ngayon..." Pagpapaliwanag ko at mabuti naman ay naintindihan nila, they nod at me and smiled.

"Keri yan beks, bawi ka nalang talaga ah!" Sagot ni Edrianne, mabuti nalang talaga at understanding 'tong mga baklang 'to. Aba kung hindi, baka itinapon ko na sila pabalik ng centella. Charot.

"Sige na, gora na kami, awra pa kami sa BGC!" Malanding sabi ni Kyle at kumindat muna bago umalis, nakakamiss din pala umawra pero keri na 'to! Para kay Kiefer at Keizi, for our future!

Go Rans! Problema lang 'to, maganda ka! 'Wag papakabog!

Pagtapos kong mag-asikaso ay sumakay na ako sa sasakyan, I brought my papers as well as the key of the house. It's in Quezon City, mabilis naman akong nakarating dahil maaga pa at walang traffic.

Mabuti at hindi nahulas ang ganda ko.

Nakarating ako sa malaki at mukhang exclusive na Village, hinarang ako ng security at ipinakita ko ang ID pati narin nag titulo ng bahay. Ewan nalang talaga kung hindi pumayag 'tong bubuyog na 'to.

'yong sunglasses niya kasi, pang bubuyog. Ang bee mo, beebeetlugan. Charot!

Sinamahan ako ng guard hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay, malamang naka-motor siya. Alangan naman pasakayin ko, wala akong balak mag-ampon ng bubuyog--Charot!

Wait... is this for real?! It's....huge!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko...

It's bigger than our house... ano naman kaya ang naisipan ni Mommy at nagpatayo siya ng ganito kalaking bahay? Hay, kaloka!

I opened the gate at pumasok na sa loob, the exterior design was so aesthetic. It's a contemporary style, I entered the house and my jaw almost dropped dahil sa nakita ko.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now