05

181 86 12
                                    



Chapter 05


I'm fixing my things because today is foundation day! Makakasama ko ang mga sang kabaklaan at siyempre ang mga boyfriends ko.

Bumaba na kami ng service at sinalubong namin ang lima sa entrance, halos magtilian kaming anim dahil miss na miss na namin nag isa't isa. Kahit naman mga chaka 'tong mga friend ko, mahal na mahal ko 'to. Eww.

"Beks! Tara sakay tayo rides!" Masayang sabi ni Charlotte kasabay ng paghila sa'kin, kahit bigyan mo pa ako ng maraming gwapo, hindi ako sasakay ng rides.

May Tayler naman ako bakit kailangan ko pa ng maraming gwapo? Duh!

"Ayoko 'te! Kayo nalang!" Saad ko habang pinipigilan ang mga kamay nilang mababaho.

"Bakla ka talaga, duwag mo!" Pang-aasar sa'kin ni Edrianne, kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mapangiwi siya.

Pinagtitinginan na kami ng ibang studyante at outsiders dahil sa kilos ko, hindi na ako magugulat kung mamaya o bukas, ipapatawag nanaman ako ni Bobbyng kalbo dahil sa kabaklaan ko.

Bahala siya d'yan, gusto ko nang mag out, gusto ko nang kumendeng, bahala na siya.

"Kapag ba ako namatay, bubuhayin mo ako?! Shuta ka! Sumakay ka kung gusto mo!" Sigaw ko sa kanilang lima, kahit kailan talaga! Rides pala nag pinunta nila dito at hindi ako, shuta sila! Akala mo naman napakabango ng mga petchay, siyempre except kay Edrianne, wala namang petchay 'yon.

"Hi pretty.." Napalingon ako nang may maramdaman akong humawak sa baywang ko, I saw Tayler wearing his seductive smile. Goodness! Tara na sa deluxe house! Charot.

"Huy, beket ke nemen nendete?" Magandang tanong ko sa kaniya habang kinakagat ang dila ko, dalagang pilipina kasi ako kaya dapat mahinhin.

"Nakita ko kasing iniwan ka nila e. Kaya ako nalang sasama sa'yo." He replied and He gave me a bottle of water. Tinanggap ko na kaagad kasi arte pa ba? Tayler Fernandez na 'yan!

"Habang buhay?" I asked him

"Gusto mo ba?" He answered habang iginagalaw ang mga kilay niya, I opened the bottle and I giggled.

"Enebe!" I said at malandi kong tinungga ang tubig, kasi nga drink your water mga slapsoil.

'Beks ang landi mo!'

'Sana all beks!'

'Awit! There's a lawit!'

'Beks body shot nga!'


Napailing nalang ako sa mga sinasabi ng mga bakla habang nakasakay sa vikings? Mga enjoy na enjoy akala mo naman nagbayad ng ticket, dagdag nanaman sa fee's ko 'yon!

Pero okay lang naman, para sa kasiyahan ng mga bayut. Kung ako ay napapailing sa kahihiyan, si Tayler naman ay tila tuwang tuwa sa mga sigaw ng bakla.

"Tayler!"

Napalingon ako nang may marinig akong tumawag sa Baby ko, babaeng boses e! May mabahong petchay na darating!

Tumambad sa harap ko ang isang babaeng may petchay- I mean a girl shown up, She's tall, She had fair skin, a long black hair, She's wearing make up and holding a designer bag. In all fairness, maganda siya pero mas maganda ako. Charot.

Yamanesa at kabogera si bakla!

"Sunshine? Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot noong tanong ni Tayler, tinawanan lang siya ni Sunshine? At ikinawit ang kamay niya sa braso ng baby ko dahilan para mag apoy ang kabaklaan ko sa loob loob.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now