CHAPTER FIVE

259 4 0
                                    

FIVE
Downpour Of Tears

I cut off my leave only for two days, dahil ayokong nasa bahay lang ako. I'm not used to be at home. I feel so bored, kaya naman naisipan kong pumasok sa opisina ko at inaasahan ko nang tambak ang mga papeles na dapat kong asikasuhin at basahin na nakapatong sa lamesa ko.

A knock on my door caught my attention.

"Come in." Saad ko habang may pinipirmahan na papeles.

"Right timing." Aniya kaya naman napatingin ako sa kung sino ang pumasok sa opisina ko.

"Do you have any appointments with Mr. Villafuerte, you can't just barge inside my office without a formal appointment." Saad ko habang seryosong nakatingin sakanya lumapit siya sa tapat ng lamesa ko at itinuon ang magkabilang palad doon at mariin akong tinignan.

"I heard about your marriage, kaya ba iniiwasan mo na ako because you are married for 5 years. And based on my investigation, sa abroad kayo nagpakasal. Which makes you're marriage valid only abroad." He said factually.

Sumandal ako sa backrest ng swivel chair ko at saka naman humalukipkip habang nakatingin ng seryoso sa lalaking nasa harapan ko.

"So? Ano naman ngayon? What is it to you, at pinagkaabalahan mo pa talagang paimbestigahan ako Mr. Villafuerte, hindi ka ata busy so that you can stick your nose on other persons business."

He laughed silently and licked his lower lips. He stood straight and crossed his arms.

"Because I'm here to get you back Odette, kaya ba hiniwalayan mo ko dahil mas pinili mo ang isang Almanzares kumpara saakin? Bakit? Porket mas mayaman sila kesa sakin."

I laughed sarcastically at saka tumayo sa upuan ko nilapitan ko siya at saka nginitian ng mapang asar.

"Wake up Mr. Villafuerte, we broke up 2 years before I get married at hindi dahil sa sumama ako sa mas may pera, aanhin ko yon? I have tons of money as well. At kung iniisip mong kaya mo akong pagmukhaing gold digger well you're wrong." Tinapik ko siya sa pisngi ng dalawang beses.

"You know why I broke up with you? Because of your assumptions that lacks basis. Gaya nito, susugod ka sa opisina ko without any formal appointment, telling me bullshits and pointing out senseless things on me."

Tiim lang ang bagang ni Franco habang nakatingin saakin.

"My door is open, stop wasting your time on me. Dahil sino nga ba ako para pag aksayahan ng panahon ng isang Villafuerte? Sabi mo nga diba, sumama ako sa may pera. Why would you waste your time on a woman who's a gold digger." I said sarcastically.

"I'm not yet done Odette, babalikan kita. And I'd make sure that I'll know the truth behind you and that Almanzares! Saakin ka ulit babagsak, watch me." Saad naman ni Franco.

"Well good luck, sana magtagumpay ka." Sagot ko naman at saka siya lumabas ng opisina ko. Agang aga ginugulo ako, at bubungaran niya ako ng kayabangan niya? Hindi ko talaga maisip kung bakit ko siya nagustuhan noon. All he have was his cockiness and his good features pero walang utak.

I dialed my secretary's telephone on her office.

"Tanya, don't let that fucking Franco Villafuerte enter my office again!." Utos ko at saka padabog kong ibinaba ang telepono. Inikot ko paharap sa glass wall ang swivel chair ko. Napakunot ang noo ko, kanino naman kayang limousine and nakaparada sa tapat ng building ko.

DOWNPOUR OF TEARS (The Elites' Series #1) [COMPLETED//Editing]Where stories live. Discover now