CHAPTER NINE

210 4 0
                                    

NINE
Downpour Of Tears

Noong madaling araw ay tahimik kong ibinaba ang gamit ko nang matapos ko ang lahat na maiimpake sa bagahe ko.

I used my car, naiwan ko kasi si tapat ng cafe kahapon ang kotseng gamit ko at kay Lucas naman yon. Inilabas ko ang kotse at bumaba lamang para isara ang gate ng bahay namin, it's only 2 AM and he's deep asleep. Dahil ginamit ko sakanya ang gamot na ibinigay ni Skye saakin noon.

I drove going to Cavite. That's where my family used to live magpapalipas lang muna ako ng isang linggo sa resthouse doon at saka ako babalik para mag ayos ng iilang papeles.

As well as to file divorce for us, I just need to renew my passport para makapunta ako sa ibang bansa at maayos ang divorce papers naming dalawa.

I've decide this while packing my things. Sa ngayon walang makakacontact saakin dahil sira ang phone ko, hindi ko din alam kung maayos na ang dark room.

Saka ko na muna iisipin.yon, ang saakin kailangan ko munang ayusin ang gulo namin, kapag maayos na iyon ay pwede naman akong bumalik sa club ko. Or I'll just leave them to my parents at sa Las Vegas nalang ang imanage ko tutal ibinibigay na rin naman na saakin iyon ng ama ko.

Halos dalawang oras ang binyahe ko, at nakarating ako sa resthouse namin. Walang tao yon at nasaakin naman ang susi. Because this is one of my properties.

I parked my car at tinungo ang trunk para makuha ang bagahe ko, I entered the house with my baggage at sobrang maalikabok na ang loob ng bahay, mabuti nalang at balot ng puting tela ang mga muebles at sofa rito.

Binuksan ko ang breakers at ilaw ng bahay para maayos ko ang mga ito. Madaming kulang gaya ng panlinis at pagkain, but I still have plenty of time to buy those things later. Sinimulan ko nalang munang asikasuhin ang mga tela at tanggalin iyon sa pagkakabalot sa mga gamit at tinupi iyon.

This is just a bungalow house, and majority of the house is made out of glass windows and glass doors dahil nasa tabing dagat ito at maganda ang tanawin. This is modenized spanish styled house, my parents gave this to me as an 18th birthday gift pero ngayon nalang ulit ako napunta rito.

Mga bandang alas onse ay nagpunta ako sa mall sa may bayan. Kumpara sa mga mall sa Manila, this is not as big as what I usually went. I kinda miss this feeling, normal na pamumuhay lang. I just bought necessities and cleaning materials. Bumili din ako ng mumurahing phone, enough to talk to my secretary.

Bumalik na ako sa bahay at saka naman itinuloy ang pagiimis, hindi ko alam kung may gusto akong ayusin sa bahay kaya nagluto na muna ako habang pinagiisipan.

I suddenly remember, Lucas. He's probably awake now. I just left a note on the side table bago ako umalis.

I had my lunch at naupo ako sa labas ng bahay ko habang nakatanaw sa dagat na payapa. I called my secretary at ibilin ko sakanya ang buong club ko. Especially the special guests and the dark room that I ruined last night.

Halos maburyong ako buong maghapon dahil wala akong magawa sa loob ng bahay paminsan minsan ay naglalakad ako sa tabing dagat at hinahayaan mabasa ang paa ko ng tubig.

I never felt so peaceful in my entire life, puro pagod lang ang napala ko sa buong buhay ko, trabaho at paulit ulit na gawain lang ang ginagawa ko sa loob ng ilang taon. Nakalimutan ko na rin pala ang sarili ko.
It's never too late to start again with my life, I still have a long way. I'm only 25, got married in my early twenties and I never got to enjoy my youth.

DOWNPOUR OF TEARS (The Elites' Series #1) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon