CHAPTER TEN

227 3 0
                                    

TEN
Downpour Of Tears

The next morning I went out for a bit, ayokong pagkain sa ospital ang kainin niya pag gising niya kaya naman ay nagpaluto ako sa bahay ng sopas. Nagulat pa nga si Nanang na umuwi ako ng biglaan, hindi ko na nasabi ang kwento sakanya dahil nagmamadali ako.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nakita kong gising na si Lucas at may nurse na umaasikaso sakanya, inilapag ko lang ang bitbit kong flask na nasa loob ng paper bag sa side table. Noong makaalis ang nurse ay inayos ko ang lamesa.

He can eat something today sabi naman yon ng doctor.

"Sorry, eto lang naipaluto ko sa bahay." Saad ko naman sakanya at tahimik niya akong pinapanood habang sinasalin ang pagkain sa isang bowl.

"May masakit pa ba sayo?" Tinignan ko siya at ilang segundo mo na siyang nakatingin saakin at saka umiling.

"I'm only gone for a week, tapos naospital ka na agad what if I go away and never go back again." Saad ko naman habang paupo sa upuan.

"I'll let myself die." Saad niya. Tinignan ko siya dahil sa sinabi niya.

"You won't die that easily." Saad ko naman na ikinatawa niya ng bahagya.

"Yeah, you're right because I'm an asshole who deserve to rot to hell. Running away from my kid then hurting my wife. Dumbass." Saad niya naman, I smiled faintly.

Tumayo ako at kinuha ang kutsara.

"Even though you're an asshole, I won't let you die easily." Saad ko naman. I scoop some of the soup at hinipan yon at itinapat ko sa bibig niya.

"Eat up, magpagaling kaagad. Busy ako hindi kita maalagaan palagi." Saad ko naman.

"So you're going--" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya and I shoved the spoon in his mouth. He slightly glared at me, I glared back which tamed his expression at hinayaan akong subuan siya ng pagkain. Para lang siyang masunuring bata sa ginagawa ko.

"How about you kumain ka na ba?" Tanong niya at umiling ako.

"Kumain ka na rin, sabayan mo ako." Hindi ako sumagot at saka naman sumubo din gamit yung kutsara niya.

"Isha! Baka mahawa ka sakin, use another spoon." Saway niya saakin.

"So what, asawa mo naman ako. Who cares kung magakahawaan tayo." Diretsa kong sabi which made him speechless.

"Hindi mo na ako iiwan?" Tanong niya naman saakin.

"I'll try, but I won't promise. Hindi rin ako sa bahay uuwi." Sagot ko naman na ikinanguso niya.

"What do you want? Hindi ako makita o hahayaan mong nakikita mo ako pero hindi ako sa bahay uuwi. You choose Mr. Almanzares." Seryoso kong tanong.

"Tss, I'll locked you up at home Mrs. Almanzares. Magpapagaling lang ako Isha, subukan mo ako." Pagbabanta niya at itinaas baba ko lang ang balikat ko.

"What about the child, have you did a DNA test?" Tanong ko. At tumango siya saakin.

"So?" Tanong ko pa.

DOWNPOUR OF TEARS (The Elites' Series #1) [COMPLETED//Editing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora