CHAPTER FOURTEEN

184 5 0
                                    

FOURTEEN
Downpour Of Tears

I waited for my parents at the airport, susunduin ko kasi sila dahil wala rin namang mag hahatid sakanila pauwi sa bahay. Sinalubong ko nang yakap si Mommy at Daddy, halos ilang buwan din sila sa Las Vegas.

"You're looking so good my daughter, mukhang masaya ka ahh." Salubong ni Daddy saakin at hinalikan ako sa sentido.

"I'm much happier daddy, kamusta kayo ni Mommy. Nag enjoy naman ata kayo sa Las Vegas eh. Did you really went for work mukhang nag bakasyon kayo." saad ko at tumawa lang sila saakin at nagtinginan pa. 

Nagpunta na kami sa parking kung nasaan nakaparada ang kotse ko. I helped them with the bags para isakay sa compartment ng kotse ko. Pumasok na ako sa driver seat at si Daddy ang nasa tabi ko at sa likod naman si Mommy. Nagkamustahan lang kami tungkol sa mga bagay, and my mom told me na nagbukas pala sila ng other branch sa ibang bansa kaya natagalan sila.

"How about you and Lucas kamusta naman kayo rito? I hardly know anything about your husband sana wala kayong problema." Ani Mommy.

"uhm, yeah we're fine naman mommy you don't have to worry. Wala kaming problema ni Lucas." Pagtatakip ko naman sa katotohanan. Lucas and I have talked about it, at sasabihin namin yon personally sa magulang namin. 

Tutal there would be a stock holders meeting sa kumpanya ni Lucas sa susunod na linggo and would talk them after the meeting dahil nandoon din sina Mommy at Daddy. Sana ay maayos ang kalalabasan ng pakikipagusap namin sakanila. I know naman na maintindihin ang mga magulang namin, at ako naman ay sinugurado kong maayos naman kami ni Lucas so they won't point out anything wrong. 

"well that's good to hear, so kailan ba kami mag kakaroon ng apo?" ngumiti lang ako sa sagot ni Daddy. 

"Soon." matipid kong sagot at nagtawanan naman sila ni Mommy.

"hmm, baka naman itinatago mo lang. Sabihin mo nga Odette, baka naman gusto mo kaming surpresahin pa ahh." Panunukso ni Mommy saakin at umiling lang ako.

"Wala mommy, wala pa eh. I will set a check up nalang." sagot ko at nakita kong tumango si Mommy mula sa mirror.

I still haven't told them the real deal with my health. I still continue the medications, dahil ayon sa huling check up ko, they found another damage on my artery. They told me it is not that serious at kung mag gagamutan naman ay maagapan. I just hope I won't get any surgery. And having a baby would be impossible for now.

Naihatid ko na sila sa bahay nila at ako naman ay papunta na sa club, I'm checking the club's finance. Hindi ko na rin iyon masyadong napagtuunan ng pansin dahil nga mas inuuna ko ngayon ang personal matters kaysa ang trabaho ko, I feel like I'm neglecting it big time. Agad naman akong nagsimula at nakipag usap sa lahat ng employees ko through a meeting. Mabuti naman at maayos ang lahat. 

"Tanya, don't forget to look over the Blue room. I'll assign it to you for the mean time as well as the Red Room." 

"Yes ms. Odette." sagot niya.

Dahil kadalasan ang mga big time guests ay nasa Black Room at Dark Room. I have to manage them even more. And besides my Club was featured on a magazine, ganoon din and kumpanya nina Lucas we just had an interview about it. At susunod ay meron nanamang interview, we accepted it because we want our businesses to be known even more. 

DOWNPOUR OF TEARS (The Elites' Series #1) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon