CHAPTER TWENTY NINE

231 4 0
                                    

TWENTY NINE
Downpour Of Tears

We are all silently sitting in one table. My mom and dad, Lucas' parents. And the both of us, my mom sighed multiple times and I can totally see her disappointment and worrisome.

"Mom..." tawag ko at muli nanamang bumuntong hininga ang ina ko bago ako tinignan.

"Are you mad?" Tanong ko.

"No, it's just...I'm expecting this. Expecting that you would be here with that man, trying to reconcile after what happened." Mariing saad ng aking ina.

Lucas held my hands, I can feel his hands went cold. Ipinatong ko ang isang kamay ko rito at saka marahang hinaplos.

"Mom, it's been four years. And I think maybe it's time to make things right. To gave a second chance of forgiving someone who's important to me." Sagot ko at tumingin naman ako sa mga magulang ni Lucas.

"Una po, gusto ko munang humingi ng pasensya sa nagawa ko. I left without saying a word, without letting you know what really happened four years ago." Napasapo nalang sa noo ang ama ko at hinilot ang sentido.

"No hija, we were at fault. Magulang mo na rin kami, but we did not do anything to save from vain. Pasensya ka na rin hija, if we coukd just turn back the time. Hindi ka naman namin hahayaan." Ani ng ina ni Lucas saakin.

"Amigo, amiga...in behalf of everything humihingi kami ng despensa sa nangyari. Maski kami ay nagulat at nalungkot sa mga biglaang pangyayari noon." Dugtong ng Ina ni Lucas habang nakatingin sa mga magulang ko.

"I should be the one to talk about this, Ma, Pa. Mr. And Mrs. Alcantara. It was solely all my fault for being an immature man, hindi ko naipaglaban kung anong dapat para sa mag ina ko noon. And things comes worst because of that. Kaya, humihingi po ako ng pasensya sainyo."

Napayuko nalang ako at nakatitig sa magkahawak na kamay namin ni Lucas, habang nakapatong sa hita ko.

"But please this time, make me prove myself again. I made myself a better man, suitable for someone like Letisha. Hindi po ako mangangako sa oras na to, gagawin ko na lamang po. Kaya wag niyo po sana masamain ang nangyayari saamin ngayon ni Letisha." He glanced at me.

"I'll take of her, and cherish her for the rest of my life. Hayaan niyo lang sana akong patunayan ang sarili kong muli sainyo."

Tumighim ang ama ko at malalim na tinignan si Lucas.

"Lucas...binalaan kita noon na sa oras na saktan mo muli si Letisha ay hindi na ako papayag pang makasama mo ulit ang anak ko, kung tutuusin ay masgugustuhin kong sa iba maikasal ang anak ko at maituloy ang diborsyo niyo."

"Dad..." tawag ko sa ama ko na may pagaalala.

"Nag iisang anak ko si Letisha, pinalaki ko ng hindi manlang nasusugatan ko nagagalusan ang anak ko! Pero halos durugin ako noon ng makita ko ang kalagayan ng kaisa isa kong anak Lucas! Hindi mo alam ang pinagdaanan niya sa loob ng apat na taong yon."

Dinig ko ang galit at panghihinayang sa boses ng ama ko.

"Nang dahil lang sa lalaking kagaya mo ay masasaktan ang anak ko ng sobra sobra!...Lucas, pasensya na kung hindi ko agad maibigay ng madalian ang unica hija ko kahit nasa tamang edad na kayo."

"Naiintindihan ko po." Sagot ni Lucas.

Tears are piling up in my eyes. Natatakot ako sa maaring maging desisyon ng magulang ko.

"Pero sino ba ako para humadlang sa kaligayahan ni Letisha. Kilala ko anak ko, may paninindigan ang anak ko. At hindi siya basta bast gumagawa ng bagay na alam niyang mas makakasakit sakanya at hindi siya liligaya."

DOWNPOUR OF TEARS (The Elites' Series #1) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon