Chapter 5

2K 42 0
                                    


Chapter 5

Advice of the Stranger

I'm really shock feeling ko may nakabara na something sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita nakatitig lang ako kay Daddy waiting for him to talk. Napansin ko din yung tingin nung tatlo sa'kin pero di ko sila pinansin nakatitig lang talaga ako kay Dad.

"You heard me Zai, Your Mom and Zairon will be back... I think next week may inaayos lang sila sa korea bago bumalik dito." bakit kung makapagsalita siya parang hindi kami iniwan, parang walang nangyari what is this? A joke? Gusto kong sumigaw at magwala sa harap ni Daddy.

"What? Ganun ganun lang Dad? Iniwan na nila tayo bakit pa sila babalik? Ano kailangan nila bakit pa sila babalik sa maayos ng buhay natin?" paiyak ng sabi ko kay Dad silang dalawa naman talaga may problema ni Mommy 'e kaya ginustong umalis nung dalawa at iwan ako. A

Ayos na ako 'e, pero bakit kailangan pa nilang bumalik para masaktan lang ako na makita sila ulit? Ganun ba?

"Nothing Zai, wala silang kailangan, nagkaayos na kami ng Mommy mo, galing akong korea last month for a business trip right? At pinuntahan ko na rin sila at nagkausap na kami ng Mommy mo ayos na kami at ready na silang umuwi sa'tin." dun na ako napatayo at tiningnan ng masama si Dad.

"Ganun na lang yun Dad? Wag mo na silang pabalikin Dad please... Umalis na sila kaya hindi na dapat nila naisip pang bumalik. Ano?  Pagkatapos nila itapon pupulutin lang nila ayos na? What kind of bullshit is that!?" at di ko na napigilan na masigawan si Dad at naramdaman kong lumapit na din sakin yung tatlo kasi alam nilang gulo na 'to at pinagtitinginan na din kami dito.

"Don't you ever shout at me, Zaira, I'm still your father ako ang masusunod sa lahat." Tumayo na siya sa harap ko at masama din ang tingin sakin.

"Ito naman gusto mo noon Zaira Eirene di'ba, ang mabuo ulit tayo, ilang beses ka nung nakiusap sakin na kausapin ang Mommy mo at pabalikin na sila, what happen now?" galit na sabi ni Dad sakin.

"Noon yun Dad, hindi ko na sila kailangan ngayon, ayoko na sila makita Dad. Okay na ako ng wala sila! Dad okay na tayo ng wala sila bat papabalikin mo pa?" gusto ko na talagang magwala dahil sa frustration.

"Sige Dad! Pabalikin mo sila, ako ang mawawala sayo pabalikin mo sila at simulan mo ng isipin na isa na lang ang anak mo at yun ay si Zairon. I can leave alone Dad, I Can..." Palaban na sabi ko kay Dad

"No you can't Zai, hindi mo kaya I'm still your father kaya may karapatan ako na pagsabihan ka ako ang bumubuhay sayo Zaira Eirene umayos ka." galit na galit na sigaw sakin ni Daddy.

"Kaya ko Dad, baka nakakalimutan mo lolo and lola gave me some money. I can use it to start my business so I could live." palaban na sagot ko kay Dad. I'm fucking scared to Dad now yes, but I need to do this ayoko ng bumalik pa yung dalawang yun sa buhay namin.

"Sad to say to you my daughter, you also need my permission to get that money na tinutukoy mo, stop this Zaira." and he sat down na pinaparating na wala na akong magagawa sabi ko na nga ba 'e kaya masama pakiramdam ko sa dinner na mangyayari eh di ko napansin na nakalapit na pala sakin yung tatlo with eyes full of concern.

"Dad, talaga bang wala kang pake sa nararamdaman ko?" paiyak na tanong ko kay Dad makatayo pa rin ako sa harap niya and Raffy is on my side.

"What are you saying, I'm doing this for you. Ikaw ang matagal ng gustong pabalikin ang Mommy at Kuya mo. What now Zaira?" mahinahon na sabi niya na sa'kin.

"Noon nga yun Dad, dati yun! Hindi ko na sila kailangan ngayon hindi na natin sila kailanga...  O baka kaya gusto mong bumalik sila para si Zairon ang magmanage ng mga business mo, kasi yun naman talaga di'ba baka nga sising-sisi ka pa nang ako ang naiwan sayo eh!" and I walk out naramdaman kong sumunod sakin yung tatlo hanggang sa makarating kami sa parking. Fuck that dinner!

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now