Chapter 31

1.3K 19 0
                                    


Listen to this song for a better reading experience hahahaha lovelots;)

Chapter 31

You're Mine

I tried my best to wake up early dahil ito lang ang naisip kong paraan para mawala galit sa'kin ni Gray kaagad at maenjoy namin ang araw na 'to. I need to say sorry before the day start.

"Damn! It's still 4am!" I groan in frustration.

Halos sapakin ko na si Kuya kagabi kasi dahil sa kanya kailangan ko pang pumunta ng bar na yun at sunduin siya at nagalit si Gray sa'kin. Kaya kagabi pa lang nag-iisip na ako ng pwedeng gawin para suyuin si Gray at ang naisip ko lang ay  puntahan siya sa condo niya ng ganito kaaga. At magsorry agad sa kanya habang hindi pa pumuputok ang araw. I already ask Casper about Gray's condo kasi hindi ko alam yun and buti naman binigay niya sa'kin dahil talagang inis na inis ako kagabi pag alis ni Gray. Buti nga hindi ako nagwala sa bar niya kagabi e.

While getting ready I check my phone kung may reply ba siya sa mga text ko kagabi. But there's none.

To Gray:

Love... I'm sorry

Graycer Alder sorry na nga... It's kuya's fault sa kanya ka magalit.

I love you...

Do you want to know how much I love you?

I sighed because there is still no reply from him. Galit nga Zaira Eirene di'ba... Paano magrereply sayo yun. Nakasimangot akong lumabas ng kwarto ko at saktong kakalabas lang ni Kuya ng kwarto niya. It's still early bakit gising na siya?

"Oh... Saan ka punta?" tanong niya sa'kin habang nakahawak sa ulo niya. Napailing ako sa kanya bago sumagot.

"Saan pa ba? Kung hindi ka ba naman kasi naglasing kagabi at kung hindi ako ang tinawagan ni Casper na sumundo sayo edi sana hindi ako gigising ng ganito kaaga!" inis na sabi ko sa kanya. Gusto kong isigaw yun sa mukha niya mismo pero sobrang aga pa at kami pa lang ang gising dito sa bahay.

"Bakit sa'kin ka nagagalit? May hangover na nga yung tao e." paawa niya sa'kin pero inirapan ko lang siya at tinabig siya para bumaba. Wala ako sa mood para maawa ngayon lalo na at kulang pa tulog ko talagang hindi ako maawa sa kanya lalo na at siya pa may dahilan bakit kami mag-kaaway ni Gray. 

"Kung hindi ka naman kasi denial sa feelings mo hindi magagalit boyfriend ko sakin!" I said at dire-diretso na akong bumababa.

"Hey, Zaira Eirene, nagagalit ka sa'kin dahil galit boyfriend mo sayo? Ako, kapatid mo dito Zaira!" he said at talaganga humarang pa si Kuya sa harapan ko. At inambahan ko lang siya kaya patakbo na siyang umalis at pumunta sa kitchen.

"Kung ako sayo itulog mo na yan Kuya pero alam ko naman may mamimiss ka puntahan mo na. Mamaya pa naman flight natin." Pang-aasar ko sa kanya at kumuha na ng gatas sa fridge.

"Manahimik ka diyan Zaira, puntahan mo na lang boyfriend mong galit sayo na sana hindi ka mapatawad." binato ko sa kanya yung box ng gatas na saktong wala ng laman kaya sapol sa mukha niya.

"Pero seryoso Kuya, isa lang ang nakikita kong paraan para sumaya ka ngayon... At alam mo na kung ano o sino yun." I smile at him and drink my milk. Nakita ko naman na natigilan siya sa pag inom ng tubig dahil sa sinabi ko.

"Do you think I have a chance Zai?" He ask without looking at me. Inubos ko muna yung gatas na iniinom ko bago sumagot sa kanya.

"Try it, you will know." padabog kong nilagay sa sink yung basong ininuman ko at tinapik siya sa balikat.

Love Me Then (Then Series #1)Where stories live. Discover now